00:00Sa halit na proteksyon, perwisyo ang dulot ng isang flood control project sa Sablayan Occidental Mindoro
00:06na nasira agad matapos ang isang taon lang.
00:09Bukod kasi sa baha, pumalo sa ilog at mga palaya na mga buhangin mula sa infrastruktura
00:14ng hindi umanot tinapos ng kontraktor.
00:18Ang sitwasyon doon sa live na pagtutok, J.P. Soriano.
00:22J.P.
00:24Kaya nga Ivan, ang pakiramdam ng mga residente yung nakausap natin mula sa Barangay Tagumpay
00:28sa Bayan ng Sablayan Occidental Mindoro ay binigo sila ng gobyerno.
00:33Ito nga matapos mawasak ang ilang flood control projects na ginawa sa bayan
00:37na ang purpose sana ay pigilan ng pagpasok ng tubig mula sa ilog sa kanilang barangay
00:42pero nasira at hindi natupad.
00:48Pabugso-bugso pa rin ang ulan sa malaking bahagi ng Barangay Tagumpay
00:52sa Bayan ng Sablayan Occidental Mindoro ngayong araw.
00:55Kaya kabado ang mga residente at mga opisyal ng barangay.
00:58Lalo't may bagyo na namang posibleng magpatindi sa abagat.
01:02Lubog sa baha ang barangay noong isang linggo matapos mawasak ang flood control project na ito
01:07ng Department of Public Works and Highway o DPWH.
01:11Wala ang project marker nito sa lugar.
01:13Sabi ng barangay ang SunWest Corporation na umanoy kay dating Congressman Zaldico
01:17ang kontraktor ng proyekto.
01:20Mga kapuso, last week, August 18 at August 19,
01:22sa kasagasaganho ng napakalakas at mataas na volume ng ulan sa malaking bahagi ng luzon,
01:26bigla pong nahati sa gitna ang isang malaking bahagi ng flood control project na ito ng DPWH
01:33at aabot po sa 300 to 500 meters ang naputol
01:37dahilan para mas talo pong naapektuhan ng baha ang mga taga-barangay Tagumpay.
01:42Mga buhangit, napundasyon ang nasirang flood control project ang humalo sa tubig ng ilog
01:48at humalo sa ekta-ektaryang palayan.
01:51Ayon sa barangay Tagumpay, sa tingin nila'y binigo sila ng pangako ng DPWH District Engineers noon
01:57na ito na ang magpapahinto ng bahasa kanila.
02:00Isang taon matapos maumpisahan ang proyekto noong 2025,
02:05nasira na ang ilang bahagi nito.
02:07Umabot naman po tayo sa punto ng 2026, taon 2026,
02:12yan na naman po ang naging problema.
02:14Yan, nakita ho ninyo yung mga depekto noong ginawa nila
02:18dahil napag-iwanan na ho nila, hindi na kumpleto ng contractor yung project,
02:26lalong lumaki ho ang pinsala.
02:28Nang bumigay ang pundasyon ng flood control project,
02:31bumungad sa kanila ang tunay na kalidad ng materyales ng proyekto.
02:35Noong una kasi sila, may mga substandard na bakal din dyan.
02:41So noong ni-refer nila, mas maganda na yung ginawa.
02:44Ang kaso, naiwanan naman po nila, hindi na ituloy-tuloy ni Sanwes,
02:48yun, nagsimulan.
02:49Sino po nagsabing substandard?
02:51May nakita ho kasi kami dyan na mga malilit na bakal.
02:55Kaya sabi namin, ah, substandards pala.
02:57Kung hindi nag-iba, ay hindi namin nakita.
03:00Pangamba ngayon ng mga residente, paano na kung uling mag-uulan?
03:04Wala na kaming matatakbuhan, kundi talagang ang barangay proper po namin,
03:07baha na ho talaga yan.
03:09Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng Sanwes Incorporated at DPWH,
03:14pero wala pa silang tugon sa ngayon.
03:19At Ivan, may isang oras mula dun sa barangay Tagumpay.
03:22Narating po natin ngayon ang barangay Claudio Salgado,
03:25kung saan isa pa palang flood control project ang nawasak din itong habagat.
03:29At sa likuran ko, yung river wall, makikita nyo, nahati po yan at nagkahihwahiwalay.
03:33Naging dahilan po ng matinding pagbaha sa barangay.
03:36At ngayon po, narito rin po yung ilang barangay officials na meron po silang hinahanap na kanilang kabarangay
03:41na inagos po ng ilog sa kasagsagan ng baha.
03:44At yan muna ang latest. Balik muna sa iyo, Ivan.
03:47Ingat, maraming salamat, JP Soriano.
03:50Ayan naman po kay Department of Public Works and Highways,
03:53patuloy ang pag-audit nila sa mga namamonitor na nasirang flood control projects.
03:59Pero titiyakin nilang aayusin ang mga ito.
Comments