Skip to playerSkip to main content
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos pumutok ang isyu sa ghost flood control projects, isang nakaupong kongresista ang kinasuhan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan. Ilang araw lang iyan, bago ang SONA ng pangulo sa Lunes. Kinasuhan din ang isang dating kongresista at tatlong iba pa ng graft at malversation.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kaun na ang pagkakataon, matapos pumutok ang issue sa Ghost Flood Control Projects,
00:05isang nakaupong kongresista ang kinasuhanan ng Ombudsman sa Sandigan Bayan.
00:09Ilang araw lang yan bago ang sona ng Pangulo sa lunes.
00:12At kinason din ay isang dating kongresista at itlong iba pa ng graft at malversation.
00:18Nakatutok si Jonathan Nanda.
00:23Dalawang araw bago magsona ang Pangulo,
00:26may kongresista ang kinasuhan sa Sandigan Bayan dahil sa katiwalian.
00:31Siya, si Rep. James Jojo Ang Jr. ng Usuag Ilonggo Party List,
00:37ang kauna-unahang incumbent na kongresista ang kinasuhan kasunod ng pagputok ng flood control scandal.
00:44Sa isang pahayag, sabi ng Ombudsman, habang kongresista si Ang,
00:47nanatili itong may interes sa isang construction firm na nakakuha ng 214 milyon pesos
00:54na kontrata mula sa DPWH.
00:57199 milyon pesos ang naibayad sa kumpanya.
01:01Malinaw anilang sinasabi ng Saligang Batas.
01:04Walang mambabatas ang dapat magkaroon ng financial interest sa mga kontrata ng gobyerno
01:09habang ito ay nasa pwesto.
01:11Sabi pa ng Ombudsman,
01:12hindi kailangang mapatunayan na may irregularidad sa bidding
01:15o may naganap na suhol para masabing nagkaroon ng conflict of interest.
01:19Anila, sapat ng patunay na ang isang opisyal ng gobyerno ay kumita o maaaring kumita
01:26mula sa isang kontrata habang nakaupo sa pwesto.
01:29Sabi pa ng Ombudsman, patuloy pa rin itong nilalabag kahit ipinagbabawal naman na ng konstitusyon.
01:35Batay sa report noon ng ICI o Independent Commission for Infrastructure,
01:39konektado si Ang sa dalawang kontraktor na ang chairman ay tshuhin niya
01:43na nakakorner noon ng 40 bilyong pisong kontrata mula sa gobyerno.
01:49Sinusubukan namin kunan ang pahayag si Ang pero wala pa rin siyang tugon sa ngayon.
01:53Pero sa isang pahayag noong November 2025,
01:55matapos ilabas ng ICI ang listahan ng mga inirekomenda nilang kasuhan,
02:00sabi ni Ang, malinis ang kanyang konsensya.
02:0214 counts ng graft ang isinampan ng Ombudsman laban kay Ang.
02:0690,000 pesos ang karaniwang piyansa sa bawat isang bilang ng kaso ng graft.
02:11Sabi ng source ng GMA News,
02:13karinang hapon ay nakapagpiyansa din si Ang sa Sandigan Bayan.
02:16Bukod kay Ang, kinasuhan din ng Ombudsman ng graft at malversation,
02:20si dating Sultan Kudarat 2nd District Representative Arnulfo Go
02:24at tatlong ibang kapwa-akusado.
02:27Sinusubukan din namin siyang kunan ang pahayag.
02:29Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended