00:00Nawawala pong isang bata na tinangay ng rumaragasang ilog sa Olongapo City.
00:05Sa gitna yan, ang malawak ang pagbaha sa lungsod na isinisisi ng ilang residente sa isang solar power plant.
00:11Ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Bea Pinal.
00:15Bea.
00:19Evan, pabugso-bugso pa rin ang buhos ng ulan dito sa Olongapo City ngayong araw.
00:23Wala ng baha sa malaking bahagi nitong Barangay Santa Rita.
00:26Pero ang tumambad sa mga residente kaninang umaga ay napakakapal na putik na may kasama pang basura.
00:37Puspusan ang paghahanap ng mga otoridad sa tatlong taong gulang na batang lalaki na tinangay ng ilog sa Barangay Old
00:44Cabalan, Olongapo City.
00:45Sa paunang investigasyon, umaga kahapon ang tangayin ang ragasan ng tubig ang isang bahay sa tabing ilog.
00:51Kasama sa inagos ang biktima na nakatira roon.
00:54Ang kanyang pamilya nakalikas sa kanilang mga kaanak.
00:58Sa kasagsagan ng malakas na ulan kahapon, naobserbahan ang isang mahabang lamat sa Kalkalan Bridge.
01:04Sa laki ng biyak, sumisirit na ang tubig mula sa ilalim ng tulay.
01:09Kulay putik at lagpas bewang naman ang baha sa ilang bahagi ng Barangay Santa Rita.
01:13Sa Sampalo Compound sa parehong barangay, sa bintana ng second floor, idinaan ang isang batang apat na taong gulang.
01:20Pinagpasapasahan ang bata para maisakay sa bangka at mailigtas sa lagpas taong baha.
01:26Sinuong din ang mga rescuer ang rumaragas ang baha para ilikas ang mahigit sa nilibong residente.
01:31Pero may mga nanatili sa ikalawang palapag ng kanilang bahay habang nagpalutang-lutang na ang mga gamit nila sa baha.
01:38Bagaman lubahang delikado, naglakas loob ang iba na lumusong sa baha para lang makabili ng mga kailangan ng kanilang pamilya.
01:47Siyempre pataas ng pataas, matatakot ka rin.
01:50Ang hirap pag binabaha.
01:53Nakakasawa din siyempre.
01:54Humupa na ang lagpas taong bahana na merwisyo rito sa Sampalo Compound sa Barangay Santa Rita, Olongapo City kahapon.
02:01Pero ang bago nilang problema, ang iniwan itong napakakapal na putik at basura.
02:09Paano ka nga ba mabubuhay kung ang bawat sulok ng bahay mo ay natabunan na ng putik?
02:15Manungkot rin po.
02:16Dahil walang matutulog.
02:18Wala na, basa na po lahat mo.
02:20Wala na po, sobrang may mabubuhay siya.
02:22Sa lahat ng aspeto po, trabaho, bahay, dumi.
02:27Tapos delikado pa po kayo pag nestranded pa po kami dito.
02:30Ayon sa barangay, mababa at napalilibutan ng ilog ang Barangay Santa Rita.
02:34Yung ragasa po talagang, yung flow talaga ng tubig is napakalakas po talaga.
02:39Nagaling sa bundok po yung mga ano.
02:42Usually, naranasan po namin ito, those times of undoy.
02:45Pero ito po yung pangalawang pagkakataon po na naranasan ng buong Olonga po,
02:49yung ganong klaseng taas ng baha dito sa Sarang Tarita.
02:53Pero sabi naman nakausap naming residente,
02:56sila ang sumalo ng parusa ng pagpuputol ng mga puno sa bundok
02:59para umano sa solar power plant project sa lugar.
03:03Sabi nga nalang ginawa yung solar, tumindi po yung baha dito sa amin ulit.
03:06Kahit po yung inhukay na yung ilog, tumaas pa rin po na napakataas yung baha.
03:11Natapos na ang phase 1 ng proyekto.
03:12Pero may pinaplano pa umanong phase 2 na sasakupin ang tuktok ng Mount Balimpuyo.
03:17May matuloy yung phase 2 bilang po mga mamamayan na rin ng Barangay Santa Rita, hindi lang po mga leader.
03:23Yung ating kabundukan nga po is, dyan po talaga yung pinagkukuha na po nila ng kanilang pangkabuhayan
03:29na makat po yung mga sum of trees na nandoon doon.
03:37Ivan, hinihingi pa natin yung reaksyon o yung pahayag ng Department of Energy,
03:41Department of Environment and Natural Resources at pati ang avoidance power na may hawak ng naturang proyekto.
03:47Samantala, update lang tayo doon sa tatlong taong gulang na bata na inanod sa ilog kahapon
03:52na tagpuan na po siya pasado alas 2 ng hapon kanina, pero sa kasamaang palad, wala na po siyang buhay.
03:59Yan ang latest mula rito sa Olongapo City. Balik sa'yo, Ivan.
04:02Ingat kayo. Maraming salamat.
04:04Bea Pinlak.
04:08Borik saating.
04:08You
04:10You
04:10You
04:10You
04:10You
04:10You