00:00Sa isang iglap, nawasak ang mga naipundar ng isang Pilipina ng manalasang flash flood sa Nepal.
00:06Ang kanilang karanasan, eksklusibong tinutukan ni JP Soriano.
00:19Sariwa pa sa alala ni Roof ang naranasan sa isa sa itinuturing na pinakamatingbing natural disaster sa Nepal.
00:26Umaga ng August 26 nang makarinig sila ng malalakas na dagundong sa kanilang apartment sa Trisholi Bazaar, Nuwakot District, Nepal.
00:36Kasama niya noon ang mga anak na sina Earl at baby Gian.
00:40Mabilis daw ang pangyayari. Agad silang pumunta sa Hendo Temple sa pinakamataas na bahagi ng Trisholi.
00:46Ang tubig po napaka-itim po, puro bato. Tapos dumadagundong po. Ang bilis po. Malapit po kami doon.
00:56Tapos nagmamadali po kami ang anak niya. Madami po ang taong nagsutulakan, umiiyak.
01:02Pag talikod po, nakita ko po yung ibang tao na kain na po ng flood.
01:10Ang kanyang panganay na anak na si Earl ang bumuhat sa kanyang 16-month-old na baby na kapatid.
01:16Parang nakatingin po yung mama ko sa akin.
01:19Sinunan, nasa likod ko. Tapos yung mga tao po nagsisiksikan, parang ako po yung nagbibigay ng daan sa kanila.
01:27Nang marating nila ang templo, nakita nilang wasap at natabunan ng pinaghalong putik at tubig ang kanilang lugar.
01:35Nang humupa ang tubig, tumambad ang lawak ng pinsala.
01:48Sa isang iglap, nawasak ang lahat ng naipundar nila Ruf. Simula nang lumipat sila sa Nepal mula noong 2024.
01:56Wala na po yung mga gamit namin. Nawasak. Baka nabantayin na po kami rin. Seconds lang po.
02:01Ilang oras na naglakad si Ruf para puntahan ang mga kaanak ng asawang Nepalis.
02:07Kinugkup din sila ng mga kapwa Pilipino roon at mga Pilipinong nasa Kathmandu.
02:12Nag-ambagan at bayanihan ang mga ito para kina Ruf.
02:16Tumulong din daw ang Philippine Embassy sa New Delhi, India na may jurisdiction sa Nepal.
02:23Isa si Ruf sa tinatayang 128 na Pilipinong nakabase na sa Nepal na may asawang Nepalis.
02:29Kaugnay naman sa lagay ng Pilipinong doktor na si Juan Carlos Manalo na naiulat na nawawala sa Nepal matapos ang
02:36clash flood.
02:37Wala pang bagong update na inilalabas ang DFA maging ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.
02:43Ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.