Skip to playerSkip to main content
"NAKAKAINSULTO PO TALAGA ITO SA ATING MGA KAGURUAN. MABABA PO TALAGA ANG MORALE NG ATING TEACHERS NGAYON."

Ito ang naging pahayag ni Teacher Ruby Bernardo, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers sa naging pahayag ni PCO Usec. Claire Castro tungkol sa nangyaring karahasan sa eskuwelahan sa Zamboanga.

Panoorin ang buong panayam kay Teacher Ruby.

Tumutok na sa inyong telebisyon maging sa #UnangHirit livestream sa Facebook, TikTok at YouTube!

Araw-araw tumutok sa inyong pambansang morning show kung saan laging una ka– #UnangHirit

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Kauka hapon, isa na namang kaso ng karahasan sa paaralan ang naganap.
00:04Patuloy pa rin pong investigasyon sa insidente at anong naging motibo ng minor de edad na suspect at kaunay niyan.
00:11Umaani naman ang batiko sa pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
00:17Ang isa sa mga nakikita rin ditong solusyon ay dapat na ang mga kabataan natin ay naggagabayan.
00:24Hindi lamang ng kanila mga magulang kung hindi sa kanila mismong paaralan.
00:29Minsan na po natin nakita, mismo ang ibang mga guro ay lumalabag sa ganitong klase ng moralidad.
00:38Sila minsan ay nagtuturo sa kanila mga estudyante kung papaano maging walang modo,
00:45lalo lalo na sa mga nakakatanda or sa mga ibang tao.
00:52Hindi po yan nagustuhan ng ilang mga guro at para hingin ang reaksyon ng mga guro sa pahayag na yan,
00:57mga kausap po natin, ang Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers o ACT, Ruby Bernardo.
01:03Teacher Ruby, magandang umaga. Thank you for joining us.
01:06Magandang umaga. Magandang umaga, Sir Ivan at sa lahat po ng taga-subaybay ng unang hirit.
01:10Teacher, una po, anong masasabi ninyo ng inyong grupo sa pahayag ni Undersecretary Claire Castro?
01:16Naglabas po kayo ng isang social media post.
01:19Kinundan ninyo online ang sinabi nito na tinawag ninyong insulto sa mga guro.
01:25Nakaka-insulto po talaga ito sa ating mga kaguruan, lalo pa ang tanungan namin,
01:29ano pa ba ang gusto nilang isisi dun sa ating mga guro na overworked, underpaid na nga,
01:35ang dami namin ginagawang trabaho sa eskwela,
01:38at may kagustuhan din talaga kami na masolusyonan yung problema natin na ito.
01:43Kasama dun sa krisis na kinakaharap natin sa edukasyon,
01:47ganito pa yung marinig natin mula sa tagapagsalita ng Pangulo.
01:51Hindi po ito nagbibigay ng motibasyon dun sa ating mga guro.
01:55Sahalip ay nakakadismaya at nakakawalan po talaga ng gana.
02:00Dahil hindi po kami nagtuturo ng kawalang modo dun sa ating mga susudyante.
02:04Kundi binibigay po namin yung lahat ng aming makakaya para makapagturo
02:08sa gitna ng abang kalagayan namin, maliit yung sahod,
02:13at halos lahat na nga ay pinatatrabaho pa sa amin.
02:16But teacher, you will agree na ang mahalaga pong kinakaharap ng mga guru ngayon,
02:23bukod of course sa education crisis, medyo naiiwan yung mga kabataan natin,
02:29ito pong sunod-sunod na kaso ng school violence.
02:33Ano po yung tingin ninyong hakbang na dapat gawin ng gobyerno
02:36para may iwasan o hindi na maulit itong mga ganito, mapigilan?
02:41Talagang nakaka-alarma na, siyang na-insidente na po ng school violence yung nagaganap.
02:46Simula nung magsimula yung ating school year ngayon,
02:49dalawa po dyan, shooting incident at iba naman yung stabbing incident natin.
02:54Ayaw na po natin na maulit ito sa ating mga paaralan.
02:59Mabigat po sa loob yung marinig yung ganitong mga sunod-sunod na incidente.
03:04Mabigat din po sa loob ng mga teachers na pumasok araw-araw,
03:08knowing na hindi po ligtas yung ating mga paaralan na dapat pinakaligtas
03:12dun sa ating mga estudyante.
03:14Kaya ngayon, hinahamon natin yung Marcos Administration,
03:19lalo na po budget deliberation sa loob ng Kongreso,
03:23na maglaan ng sapat na budget.
03:25Kasi tingin natin kulang po talaga yung suporta sa atin
03:28in terms of prevention dito sa mga nagaganap na ito.
03:32Yung ating mga mental health personnel kulang,
03:35security personnel kulang din,
03:36lalo sa mga public schools natin.
03:38At syempre, holistic dapat yung approach dito.
03:40Hindi nga paninisis sa mga guro,
03:42kundi pati yung ating mga parents,
03:44buong school communities ay dapat na magsuportahan
03:47para masolusyonan ito.
03:49Tsaka baka ho nakakaligtaan ng iba,
03:51hindi lang naman po ang mga kabataan,
03:53ang mga estudyante ang nalalagay sa peligro,
03:56kundi mismo ang mga guro.
03:58At sa mga pagkakataon nga po na ganito,
04:00parang kayo ang unang magpo-protect,
04:04magkakanlong sa ating mga mag-aaral
04:06mula sa mga bantaan po.
04:09Totoo, Sir Ivan.
04:10Actually, ang gusto rin talaga natin,
04:12may managot dito.
04:13Kasi kung titignan natin yung dalawang insidente
04:15ng shooting sa skwela,
04:17saan ba nang gagaling ang baril?
04:19Bakit may access yung ating mga estudyante
04:21sa mga baril na ito?
04:23At nakita natin doon sa ulang investigasyon,
04:25galing ito mismo sa ating mga kapulisan,
04:28kamag-anak, kapamilya,
04:29ng ating mga estudyante.
04:31Kaya isa rin yun sa gusto natin na tignan
04:34at pigyan talaga ng malalim na investigasyon.
04:37Pangalawa, alam nyo po,
04:38ito, sa mga teachers natin,
04:41talagang napapa-atras kami kung minsan
04:43sa pagtuturo na may disiplina
04:46sa ating mga estudyante.
04:48Kasi ngayon, mayroong Child Protection Act,
04:51itong RA 7610,
04:53pero wala pong protection yung teacher.
04:55Kasi madalas po,
04:57ang kaso po ng teacher
04:58ay sa ilalim ng batas na yan.
05:00Pagka nasigawan lang namin
05:02yung estudyante ng kaunti,
05:03pwede kaming kasuhan ng verbal abuse
05:05or other form of child abuse
05:07dyan sa batas na yan.
05:08Kaya gusto natin i-review
05:10at magkaroon din ng kaakibat na batas.
05:12Kung saan tinatanggal yung
05:14teacher-student discipline
05:16bilang forma ng child abuse,
05:18magkaroon ng teacher's protection din.
05:20Kasi kita nyo naman po
05:21doon sa video na nangyari
05:23dito sa Ateneo,
05:26kasama yung teacher
05:27sa naging target din ng bata.
05:30Having said all this,
05:32sa gitna po ng lahat
05:33ng mga nangyayaring ito
05:34sa sitwasyong ito,
05:35ano ho ang sentimiento
05:36ng kaguruhan,
05:37ng kapwa ninyo guro?
05:41Kumababa po talaga yung moral
05:43ng ating mga teachers ngayon.
05:44Kaya sinasabi rin natin
05:46sa ating ahensya,
05:48sa Department of Education,
05:49sa ating Pangulo,
05:52na talagang
05:53yung ating mga guru ngayon
05:54kailangan ng suporta,
05:56hindi po ng paninisi
05:57at pagtuturo
05:58sa mga problemang ito.
06:00Marami hong
06:01sakripisyo
06:02yung ating mga teachers
06:03para magpatuloy
06:04sa araw-araw
06:05dahil nga doon sa
06:06overwork,
06:07tapos kakapos sa sahod.
06:09Pero pinagpapatuloy po yan
06:10sa gitna po nito.
06:11Kaya kailangan po namin
06:13ngayon ng motivasyon
06:14at hindi po paninisi.
06:15Kayo po may may panawagan
06:16kay Sekretary,
06:18Sekretary Angara
06:19ng DepEd.
06:20Ang nga sabi po kasi
06:21na iba,
06:22ipagtanggol nyo naman kami,
06:23DepEd.
06:24Ano pong masasabi nyo rito?
06:26Yan din,
06:26ang gusto naming sabihin,
06:28ipagtanggol po kami
06:28ng aming ahensya.
06:30Now is the time,
06:30Sekretary Angara.
06:32Patunayan po,
06:33no,
06:33ng aming ahensya na
06:34we are more important
06:36than ever
06:37as they said.
06:38Kasi
06:39yung mga teachers natin,
06:41talaga sinasabi ko,
06:43we are the most passionate teachers
06:44eh,
06:45yung mga
06:45Pilipinong guro.
06:47Sa ngayon,
06:48yung mga teachers natin,
06:49mababa po talaga
06:50ang moral
06:51dahil nga po dito.
06:53Gusto natin
06:54ng support,
06:54gusto natin
06:56ng pagkalinga
06:58mula po dun
06:58sa ating pamahalaan.
07:00Teacher Ruby,
07:01maraming maraming salamat po
07:02sa pagsama sa amin
07:03ngayong umaga.
07:05Salamat po.
07:06Nakakusa po natin,
07:07Ruby Bernardo,
07:08Chairperson ng
07:08Alliance of Concerned Teachers
07:10o ACK.
07:11Mamaya po,
07:12bago magtanghali,
07:13may nakatakda pong
07:14press briefing
07:15si Undersecretary Claire Castro
07:17para makuha
07:18kanyang reaksyon
07:18kaugnay sa mga sinabi
07:19ni Teacher Ruby.
07:22Ikaw,
07:23hindi ka pa nakasubscribe
07:24sa GMA Public Affairs
07:25YouTube channel?
07:26Bakit?
07:27Pagsubscribe ka na,
07:28dali na,
07:29para lagi una ka
07:30sa mga latest
07:31kwento at balita.
07:32I-follow mo na rin
07:33ang official social media pages
07:34ng unang hirit.
07:36Salamat ka puso.
Comments

Recommended