00:00Sa pagharap naman ang tauhan ng Commission on Audit sa impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte,
00:08ay binanggit ang ilang resibo para sa Confidential Fund na magkakahawig-umunoh ang pirma at sulat kamay.
00:16Nakatutok live si Jonathan Andal. Jonathan?
00:23Yes, Mel. Yung mga pinakita kaninang acknowledgement receipts na kinu-question mula doon sa Confidential Funds ni Vice President Sara
00:31Duterte,
00:31nakalagay doon ginamit ito pambayad sa pagrenta ng safe house, pambayad sa reward, supplies, transportation, pati pambayad sa pagkuhan ng
00:40impormasyon.
00:41Pero ang sinasabi ng NBI, nung sinuri nila yung mga resibo, ilan doon nakita nila magkakapareho, magkakamuka yung pirma pero
00:47magkakaiba ang pangalan.
00:48Ang COA naman po, inuutosan ngayon ng OVP o Office of the Vice President na magsauli ng pera sa kaban
00:55ng bayan.
01:00Sa pagsalang nila sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi ng Commission on Audit na pinababalik nila sa Office
01:06of the Vice President
01:07ang 73 million pesos na Confidential Funds na ginastos noong fourth quarter ng taong 2022.
01:14Bahagi ito ng 125 million Confidential Fund na nakuha ng OVP December 2022 at naubos daw ng labing isang araw
01:22lang mula December 21 hanggang December 31.
01:26Ito ang naging desisyon ng COA sa kabila ng apila ng OVP sa Notice of Disallowance sa pondong ito.
01:32Ang Notice of Disallowance ay isang opisyal na dokumento ng COA na nagsasabing ang gastos ng isang ahensya ng gobyerno
01:38ay hindi sumusunod sa tamang proseso o may nilabag sa batas o kwestyonable ang gastos.
01:43Sa desisyon, sinabi ng COA na bigo ang OVP na sumunod sa Joint Circular Guidelines patungkol sa paggastos,
01:50paggamit sa Intelligence at Confidential Funds ng pamahalaan.
01:53Sabi ng COA, ang mga dokumento isinumite ng OVP ay hindi sapat para patunayan kung saan ginastos
01:59ang 73 million pesos confidential funds.
02:02Kaya dapat daw ibalik ng OVP ang 73 million pesos sa kaban ng bayan.
02:08So ang ibig po sabihin yan ay sa mata ng COA,
02:12yung mga pondong yun, yung mga confidential funds na yun,
02:16ay dapat ibabalik na mga nabanggit yung opisyal,
02:20beginning with Vice President Duterte and the others that you mentioned,
02:24dahil nga walang naging basihan sa kanilang paggamit.
02:30Am I correct?
02:33Yes, Madam Chair.
02:35That's a very interesting development, Madam Chair.
02:39Final na ang desisyon ng COA, pero pwede para umakyat sa Korte Suprema ang Office of the Vice President.
02:45Sinabi rin ng COA na may isa pang Notice of Disallowance na pinadala sa OVP.
02:49Para naman ito sa 375 million pesos confidential funds para sa 1st, 2nd at 3rd quarter ng taong 2023.
02:57Kailangang sagutin ito ng OVP.
02:59Bago magsalita ang COA, inalabas ng NBI ang resulta ng kanilang forensic investigation
03:04sa mga acknowledgement receipts o yung patunay daw kung kanino napunta
03:07ang confidential funds ng DepEd.
03:10Nung kalihim pa doon si Vice President Sara Duterte at sa Office of the Vice President.
03:15Sabi ng NBI, magkakaiba man ang pangalan, magkakamuka raw ang pirma ng ilan sa mga recipient.
03:21Tulad ng pirma ni Sally Rendon at Sheila Dado.
03:24Pati ang pirmang ito ng apat na magkakaibang pangalan, magkakamuka rin ang forma,
03:28direksyon ng line stroke, pati ang manner of execution, sabi ng NBI.
03:33Dito naman sa resibo ni na Annaliza Zinho at Ken Naso,
03:36iisang tao lang daw ang nagsulat ng pecha, ayon pa rin sa NBI.
03:39The two signatures reveal significant similarities in the patterns of the letters.
03:47Pati po sa alignment, when we say alignment,
03:50it's the relationship of the signature with the printed name,
03:54where the habit of the writer is the same,
03:58and in the manner of execution of the strokes,
04:02indicating that these two signatures were written by one and the same person,
04:08although they are of two different names.
04:11Sabi ng NBI, posibleng pitong tao lang ang sumulat o pumirma
04:15sa 36 na resibo na sinuri ng mga forensic examiner nila.
04:19There are seven groups of handwritten receipts
04:23that were found to be written by one and the same person, Your Honor.
04:28Pitong magkakakagrupo po, na bawat grupo, isang tao lang ang sumulat.
04:34Kung tutuusin, naabot sa higit apat na libo ang resibo ng confidential funds noon
04:38ng vice-presidente, pero 36 lang ang sinuri ng NBI sa opisina ng Commission on Audit
04:43dahil ito lang daw ang pinili at ibinigay sa kanila noon ng House of Representatives.
04:47It was technically randomly given for purposes of examination.
04:53The 4,000 documents, some of them are duplicates,
04:56so that some of them were not submitted for examination
04:59because there's a duplication already.
05:03Noong nakaraang taon pa kinwestiyon ng mga mambabata
05:05sa mga resibo ng confidential funds,
05:07kabilang na ang nakapangalan sa isang Mary Grace Piatos,
05:10na kanina muling sinabi ng PSA o Philippine Statistics Authority
05:14na walang record ng kapanganakan, kamatayan o kasal.
05:17Maging ang mga pangalang ko kay Villamin at Milky Sikuya.
05:20Sa higit 2,000 pangalang ipina-verify ng Kamara sa PSA,
05:24higit 1,000 ang mga walang matagpo ang record ng kapanganakan, kamatayan o kasal.
05:30So ibig sabihin eh, it's almost next to impossible
05:33na makita ba yung mga taong yan kung non-existent o existent yan.
05:38Sir, as I've mentioned po, limited yung information because it's only the name.
05:44So I cannot say na 100% accurate yung negative results po.
05:55Mal, katatapos na ngayon ang press conference ng House Justice Committee.
05:59Ang sabi nila, tapos na ngayon nilang talakayan yung paksa sa confidential funds.
06:03Ang susunod na tatalakayan nila sa mga susunod na impeachment hearings
06:06ay yung de-umanoy unexplained wealth
06:09at ang pagbabanta de-umano ni Vice President Sara Duterte,
06:12kay Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos,
06:15at dating Speaker Martin Romualdez.
06:17Kanina nga, nagsubmit na yung NBI dito sa Justice Committee
06:20nung resulta ng kanilang investigasyon dyan sa aligasyong pagbabanta ni VP Sara.
06:25Mel?
06:26Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
Comments