Skip to playerSkip to main content
Panibagong mga personalidad ang idinawit ng nagpakilalang 18 dating bodyguard ni dating Congressman Zaldy Co sa kanila umanong paghahatid ng male-maletang pera.


Pero ang pagharap nila sa media na unang sinabing pagdinig umano ng Senate Blue Ribbon Committee ng Cayetano bloc, nauwi sa pagiging ordinaryong “presscon” dahil wala namang senador na nakarating.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panibagong mga personalidad ang idinawit ng nagpakilalang 18 dating bodyguard ni dating Congressman Zaldico
00:06sa kanila umanong pag-atid ng mali-maletang pera.
00:09Pero ang pagharap nila sa media na unang sinabing pagdinig umanong ng Senate Blue Ribbon Committee ng Cayetano Block
00:16na uwi sa pagiging ordinaryong press con dahil wala namang senador na nakarating.
00:22Nakatutok si Ian Cruz.
00:26Bago pa mag-alas 9 ng umaga, maraming Duterte supporters na ang natitipon sa tapat ng isang events play sa
00:33Mandalayong City.
00:34Sa lugar na ito, sinabi ni dating Congressman Mike Defensor na magaganap ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing
00:39ng Cayetano Block ukol sa flood control skandal.
00:43Hindi kaagad nagpapasok sa lugar.
00:45Dumating si Senadora Amy Marcos pero di rin nakapasok.
00:49Itinalaga sa lugar ang anti-riot police ng Eastern Police District.
00:53Dahil mas tumarami pa ang mga kawa sa MRT Ortigas Station at sa sidewalk ng EDSA Mandalayong Southbound.
01:00Mag-aalauna na ng hapon ang papasukin ng media at vlogger sa events plays.
01:04Walang namataan na senador kaya mala press conference na lang ang naganap.
01:09Nauna na rin sinabi ni Senador Erwin Tulfo ng Blue Ribbon Committee ng Gatchelian Block
01:14na pinag-aaralan nila ang paghahain ng reklamang usurpation of authority kung itutuloy ang pagdinig.
01:20Ayon kay Defensor, batidaan nila ang nangyayari sa Senado at ang special session anya ay para sa liderato ng Senado
01:27at para makuha ang Blue Ribbon Committee kaya magsasalita ang mga dating sundalo na dati ring mga bodyguard ni dating
01:33congressman Zaldico.
01:34Kaya po minabuti namin na kunin na ang pagkakataong ito dahil maring ito na ang huling pampapahayag ng ating mga
01:44butihing sundalo,
01:46ang ating mga bayani na nagsalita noong unang Blue Ribbon Committee hearing.
01:52Ngayon no, may karagdaga na apat.
01:54Naintindihan naman ni Atty. Levy Baligod kung bakit wala ang mga senador.
01:59Na iparating po sa amin na matindi ang panggigipit, pananakot, kaya hindi yata sila nakarating ngayon.
02:10Maliban sa 18 dating bodyguard ni dating representative Zaldico, apat na bagong witness ang kasama ni Baligod.
02:17Isa sa kanila ang dati raw sundalo na si Jeron Valderrama na kasama raw na nag-deliver ng mali-malitang
02:23pera
02:23kay dating speaker Martin Romualdez, pati na kay Sen. Erwin Tulfo noong siyong kongresista pa lang.
02:29Nabanggit niya rin si Commonwealth Chairman George Erwin Garcia sa nahatiran ng pera.
02:34Ang una pong lamabait sa amin ay yung driver niya.
02:39Then binuksan ni Martin Xide yung doon sa right slide door, inabot sa driver ni George Garcia.
02:48Then pakalagpas po ng mga ilang metro, magkasalabong po sila ni George Garcia.
02:53Then lumabit din po si Chairman George Garcia.
02:55Then binuksan po ulit ni Martin Xide yung sliding door.
02:59Then inabot po yung receiving copy.
03:01Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Romualdez at Tulfo.
03:05Pero nauna na nila itinanggi ang mga paratang.
03:08Si Garcia, pinasinungalingan ang sinabi ng bagong witness.
03:11Anya, hindi na nagtutugma ang mga sinasabi nila dahil dati apat na maleta daw ang binigay sa kanya.
03:18Ngayon, bag na maliit na lang.
03:20Mahirap anya kung may nagdidikta lang kung anong sasabihin at ano naman anya ang kinalaman niya sa flood control.
03:28Ibat-ibang larawan naman ang ipinakita ng mga ex-bodyguards patungkol sa mga maleta deliveries.
03:33Meron ding larawan ang mga tagpo sa hangar na pag-aari ni Co.
03:38sa Missivis Aviation and Development Corporation.
03:41Kabilang na ang larawan doon ni na Sen. Kiko Pangilinan at Missis na si Sharon Cuneta kasama ang mga empleyado
03:47umano ni Co.
03:48Pero walang ibang binanggit na detalye ang mga dating bodyguard ni Co.
03:53Sinisika pa namin makuha ang panig nila.
03:55Isa naman sa mga dating tauhan ni Co,
03:57i-dinitalye ang paghahatid daw ng mali-malitang pera sa bahay,
04:01i-dating Senate President Cheese Escudero.
04:03Noong 2024, mula Horizon Homes BGC, kasama ako sa convoy papunta sa convoy ni Saldico bilang security detail
04:16at pupunta kami sa bahay ni Sen. Francis Cheese Escudero sa New Manila.
04:24Nag-atid kami ng apat na malita na may iba-ibang sukat.
04:30Matatanda ang kaalyado noon ni Sen. Alan Peter Cayetano si Escudero hanggang nakiisa ito sa paglukluk sa grupo ni Sen.
04:37Wien Gatchalian.
04:38Sinisika pa namin makuha ang panig ng Senador.
04:40May larawan din si dating PNP Chief at ngayon MMDA General Manager Nicolás Torre III kasama ang mga witness.
04:47Ayon sa kanila, panahon ito nang hinihikayat sila na kontrahin ang naging pahayag ni Orly Guteza sa Senate Duribund Committee
04:54noong 2025.
04:56Wala pang tugon sa aming si Torre, kognay sa akusasyon.
04:59Ilang media personality rin ang binanggit ng ilan sa kanila na dinadalhan umano ng perang naka-paperbag sa utos ni
05:06Co.
05:06Kabilang dyan ang mamamahayag na si Arnold Clavio.
05:09Na-assign po ako kayo sa isang PR na taga-medya na si Bernard Peralta.
05:15Doon ko po nakita yung mga nabibigyan po ng mga paperbag na mga anchor na mga taga-medya.
05:24Kagaya po ni Arnold Clavio.
05:35At doon lang po muna at sa apidapit ko na lang po yung...
05:39Binanggitin ang kolumnist ng Simon Tulfo.
05:41Pero tinawanan lang ni Tulfo ang aligasyon.
05:44Paano raw magkakasya ang limpak-limpak na salapi sa isang supo?
05:49Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
05:53Sa isang paya, itinanggi naman ni Arnold Clavio ang aligasyon ng ex-bodyguard ni Co.
06:01Tinawag niyang mga kasinungalingan ng bintang na anyay nakakatawa at nakakalungkot.
06:08Haharapin daw niya ito ng walang takot at hinamon ang nagbintang na maglabas ng ebidensya.
06:14Hindi raw siya natatakot at wala raw siyang tinatago.
06:17Sa korte na lang daw sila magkita at doon daw nila ulitin ang kanilang mga anyay walang kakwentak-kwentang bintang.
06:28Taglabas din ang pahayag ang GMA Network ukol sa bintang ng ex-bodyguard ni Co kay Clavio.
06:34Ayon sa GMA Network, siniseryoso nito ang mga bagay na may kinalaman sa integridad ng mga maumahayag nito.
06:41Susuluiin ang network ang usapin.
06:43Nananatili rin ang paninindigan ng GMA Network sa responsabling paumahayag.
06:47Nanawagan din ito sa publiko na huwag gumawa ng mga konklusyon.
06:51Basis sa mga hindi verifikadong impormasyon.
06:57Binatikos naman ni Acting Senate President Chairman Gatchanyan.
07:01Ang ginagawang pag-anunsyo ni dating Congressman Mike Defensor na magkakaroon ng hearing ang Senate Blue Ribbon Committee.
07:09Ani Gatchanyan, hindi naman chairman ng Blue Ribbon Committee si Defensor at ni hindi senador para sabihin mayroong pagdinig ang
07:19komite.
07:20Pinagaaralan na raw nila ang legal na aksyon laban kay Defensor.
07:26Linoloko niya ang taong bayan.
07:29Hindi tama yun.
07:30Dahil pag linoloko niya, ginagamit niya ang titulo ng Senado, hindi tama yun dahil panloloko ang ginagawa niya.
07:42Nagbabala naman si Senador Kiko Pangilinan kasunod ng mga pagpapakita ng larawan niya at kanyang kabyak na si Sharon Cuneta.
07:49Sa press conference ng mga ex-bodyguard ni dating representative Zaldico, sabi ni Pangilinan.
07:55Para naagutan ang anya ay mga nagpapresko ng paninirang ginagawa nila, pati na ang pagdamay sa kanyang pamilya.
08:02Puro pasaring, aligasyon at palabas lamang anya mga ito.
08:06Gusto lamang anyang manchahan ang naiulat na pagupo niya bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa
08:13flood control scam.
08:15Dagdag ni Pangilinan, walang basayan ang anya ay tangkampagdungis sa kanyang pagkataw.
08:19Dagdag ni Pangilinan.
Comments

Recommended