Skip to playerSkip to main content
Wanted si dating Cong. Zaldy Co para sa mga kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.


Ang kanyang itinatag na construction company, nakakuha ng pinakamalaking halaga ng flood control projects. Siya rin ang chairman ng House Committee on Appropriations na bumalangkas ng national budget na kinuwestiyon dahil sa mga insertions at unprogrammed appropriations.


At ang alegasyon niya, napunta ang pera kay Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wanted si dating Congressman Saldico para sa mga kasong may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.
00:08Ang kanyang itinatag na construction company nakakuha ng pinakamalaking halaga ng flood control projects.
00:14Siya rin ang chairman ng House Committee on Appropriations na bumalangkas ng national budget na kinwestyon dahil sa mga insertions
00:24at unprogrammed appropriations.
00:26At ang aligasyon niya na punta ang pera kay Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
00:35Balikan natin ang mga pangyayari sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:42Unang nakilala si Saldico bilang isa sa pinakamalaking kontraktor sa Bicol Region.
00:48Itinatag niya ang SunWest Inc. noong 1997 na kalaunan ay naging isa sa pinakamalaking government contractor sa bansa.
00:55Taong 2019, nang una siyang maging mambabatas bilang isa sa mga kinatawan ng Ako Bicol Party List.
01:02At noong 2022, hinirang siyang chairperson ng makapangyarihang House Committee on Appropriations na siyang bumabalangkas ng pambansang budget.
01:11Walang pera ang maaring gastusin mula sa kabaan ng bayan ng labag sa batas.
01:18Kaya't mahalaga ang pagpasa ng General Appropriations Bill.
01:24Sa gitna ng deliberasyon para sa 2025 national budget, inakusahan ni Vice President Sara Duterte Sico at nooy House Speaker
01:32Martin Romualdez
01:33ng umano'y pagmamanipula sa budget.
01:36Kasunod dito ng mga hakbang para tanggalan noon ng confidential funds ang Office of the Vice President.
01:42Ang budget ng Pilipinas ay hawak lang ng dalawang tao.
01:46Hawak lang siya ni Congressman Zaldico at ni Congressman Martin Romualdez.
01:52Tandaan, kowa at hindi kongreso ang nagsasabing mali ang paggamit ng 73 million sa 125 million confidential funds na ginamit
02:06lang sa loob ng 11 days.
02:08Ang ipinasan ng kongreso ang mahigit 6 trillion pesos na 2025 national budget, maraming naging kwestiyon.
02:16Vinito o inalis ng Pangulo ang mahigit 168 billion pesos na unprogrammed appropriations at mahigit 26 billion pesos na proyekto
02:26ng DPWH.
02:28Kasunod nito, pinalitan si Ko bilang chairperson ng House Appropriations Committee.
02:33Ang sabi noon ni Ko, dahil ito sa lagay ng kanyang kalusugan.
02:37Wala rin siya ng ibunyag ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address
02:41ang mga anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
02:45Mahiyang naman kayo!
02:46Mula noon, hindi na pumasok si Ko sa kamara.
02:50Sa imbesigasyon sa mga ibinunyag ng Pangulo, lumabas na ang SunWest Inc. ng pamilya ni Ko,
02:56ang kontraktor na nakakuha ng pinakamalaking halaga ng mga kontrata ng mga flood control projects.
03:03Pagsapit ng Setiembre, kinumpirma ng kamara na noong Agosto pa umalis ng bansa si Ko.
03:09Nagpunta raw ito sa Amerika para magpagamot.
03:11Nasa United States siya for medical treatment with appropriate travel documents.
03:19Sa record ng U.S. Customs and Border Protection, dumating sa New York si Ko noong August 26 at umalis
03:26ng September 13.
03:27Walang impormasyon kung saan siya nagpunta.
03:30Sa puntong ito, kasagsagan na ng imbesigasyon sa mga kickback mula sa maanumalya umanong flood control projects.
03:37Lagi rin binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Saldico.
03:42Mataas ang hinihingi sa project, dagdag pa niya.
03:45Hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya, kundi para kay Speaker at kay Saldico.
03:49Sa gitna rin ang kontrobersya, nag-beat you bilang Speaker si Martin Romualdez
03:54para raw malayang makausad ang mga imbesigasyon.
03:57Pero kasabay nito ay giniit niya rin wala siyang kasalanan.
04:01Ang pumalit kay Romualdez na si Speaker Faustino D. III,
04:05binawi naman ang travel clearance ni Ko at binigyan siya ng sampung araw para bumalik sa bansa.
04:10Pero sa mismong deadline, nag-beat you bilang mambabata si Ko
04:13dahil sa mga bantao mano sa kanyang buhay.
04:16Itinanggi rin ni Ko na kumita siya bilang kongresista mula sa mga proyekto ng SunWest Inc.
04:22dahil nag-divest na raw siya sa kumpanya.
04:25Nung mga panahon ito, hindi malinaw kung saan nagtago si Ko.
04:28Bagamat may mga lumabas na impormasyong nagpalipat-lipat ito ng bansa,
04:33kabilang ang Singapore, Spain at Portugal,
04:35habang nagtatago, nag-post siya ng serye ng mga videos sa social media noong November 2025,
04:42kung saan.
04:43Inakusahan niya si Pangulong Marcos na siya raw nag-utos ng 100 billion pesos na insertions sa 2025 national budget.
04:51Ang sabi niya, katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng 100
04:59billion worth of projects sa BICAM.
05:01Sinabi niya sa akin, what the President wants, he gets.
05:05Male-maleta ng pera umano ang diniliver nila sa Pangulo at kay Romualdez.
05:10Wala pong perang napunta sa akin.
05:12Lahat po ng insertion napunta sa ating Pangulo at Speaker, Martin Romualdez.
05:18Gagamitin ako bilang panakitbutas sa kanilang kampanya laban sa korupsyon.
05:24Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat.
05:28Itinanggi ng palasyo ang mga aligasyon ni Ko.
05:32Sinampahan si Ko ng kasong graft at malversation of public funds at pinaaresto ng Sandigan Bayan.
05:38Kinansela na rin ang passport ni Ko.
05:40May babalita ko po sa inyo na ang passport po ni Salvi ko ay kanselado na.
05:47Pero pinaniniwala ang may Portuguese passport din si Ko kaya nakapunta pa rin siya sa Sweden.
05:52Matapos ang ilang buwang paghahanap kay Ko,
05:55inanunsyo ni Pangulong Marcos mag-aalas 10 kagabi
05:58na nahuli na si Zaldi ko at nakaditineraw sa Prague, Czech Republic.
06:03Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended