Skip to playerSkip to main content
19, PATAY SA TOBOSO, NEGROS OCCIDENTAL; ENGKUWENTRO NGA BA ANG NANGYARI SA PAGITAN NG MGA SUNDALO AT NEW PEOPLE’S ARMY O ISANG… MASAKER?

Babala: Sensitibong video ang inyong mapapanood. Maging disente sa pagkomento.

Umaga noong April 19, nabulabog ang mga residente sa Brgy. Salamanca dahil sa sunod-sunod na putok ng mga baril sa pagitan ng militar at armadong grupo.

Sunod na lumabas online ang mga litrato ng labi ng 19 na nasawi. Ayon sa militar, ang mga namatay ay mga miyembro ng NPA o New People’s Army.

Ayon sa NPA, sa 19 na namatay, 10 lang ang kanilang mga miyembro o mga armado. Ang 9 diumano, mga sibilyan.

Ang mga pamilya ng dalawa sa 19 na napatay, umaalma sa mga paratang na puro sila miyembro ng NPA. Sibilyan daw ang kanilang mga kaanak, na-red tag lang o na akusahan na armado.

Lumipad si Jessica Soho sa Negros upang magsagawa ng imbestigasyon at kausapin ang magkabilang panig, mula sa militar hanggang sa mga naulila.

Panoorin ang #KMJS Special Report.

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Comments

Recommended