00:04Wednesday latest, grateful si Asia's multimedia star Alden Richards sa pagkakataon na mapasama sa upcoming documentary na Rebuilding Broken Rooms,
00:14hatid ng GMA Public Affairs.
00:17I hope with this documentary maraming mamulat na mata, maraming ma-inspire na this is the current situation of the
00:25educational system here in the Philippines and it's not doing really good.
00:30Ang Docu ay tumatalakay sa sitwasyon ng sektor ng edukasyon at hinaharap na problema. Ngayong August nakatakdang mapanood ang Docu.
00:39Sabi ni Alden na mga ganitong klase ng Docu ay bahagi ng kanyang advocacy sa edukasyon.
00:44Hiling niya na mas marami pa ang mamulat sa Docu, lalo na raw ang mga nasa posisyon.
00:50Binanggit yan ni Alden sa aking coverage sa kanya sa isang brand event.
00:54Game ding nakipagkulitan si Alden sa akin na nag-ala reporter at ako naman ang kanyang interviewee.