00:30Pagpapalit ng sequence ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at Conid sa opening kaagad ng Day 10 ng
00:36trial ay tinawag kaagad ni Presidenting Officer Chief Escudero ang prosecution at si Representative Joel Chua nga ang nagpipresenta para
00:47sa prosecution para sa Article 1 o umano yung maling paggamit ng confidential funds.
00:52Bago ipresenta ang witness nila, pinagsalita muna si Representative Leila Dilima para sa opening remarks. Pinayaga naman ito ni Escudero.
00:59Pero sa gitna ng opening remarks nag-object si Atty. Michael Powa na conclusion of fact and law na raw
01:06ang sinasabi ni Dilima.
01:07Kaya kalaunan, Connie, pinatigil na rin Escudero si Dilima. Unang isinalang ni Congressman Chua sa witness stand ng dating manager
01:14ng Land Bank ng Shaw Boulevard na si Violeta Constantino.
01:19Para ito sa apat na tseke na inincash ng Special Disbursing Officer ng OVP na si Gene Acosta na bawat
01:26isa ay nakakahalaga ng 125 million pesos o kabuang 500 million na pesos sa bahagi ng confidential funds.
01:33Hindi na nagkaroon ng pagtatalo ukol sa pagkakakilanda ni Cosantino at mga tseke.
01:38Matapos itong kilalani ng depensa sa pamagitan nga ng stipulation ni Atty. Michael Powa.
01:44Kinumpirma ni Cosantino na sila nga ang nagproseso ng tseke noong 2023.
01:48Kinuharaw ito ng disbursing officer na si Gene Acosta kasama si Lemuel Ordoño.
01:53Ayon kay Cosantino, sinabi sa kanila ng mga tag-OVP na may malaking withdrawal sila.
01:59At hindi naman, Connie, nag-cross-examination ang depensa sa testimonya nga ng Tagalan Bank.
02:05Kaya inaasahan nga na ito so far ang pinakamabilis na pagsalang ng isang witness na hindi gaya ng iba na
02:12inabot ng dalawang araw.
02:14Pa-interjection at intervention din ng mga senador.
02:17Sa pagtatanong ni Sen. Irwin Tulfo, sinabi nga ni Cosantino na nilipat ang OVP account sa Showa branch
02:24na nga lumipat ang OVP mula Quezon City tungo sa Mandaluyong noong 2022.
02:30Tinanong ni Tulfo kung normal ba ang pag-withdraw ng 125 million pesos.
02:34Ang sagot naman ni Cosantino, unusual ito. Hindi rin daw nila alam na confidential funds pala ito.
02:40Pero bilang taga-Banko ay nag-isip din sila kung saan nga ba ito gagamitin.
02:45Nang usisayin naman ni Sen. Bam Aquino kung inire-report pa nila ang bagay na ito sa AMLOC.
02:51At sinabi ni Cosantino, lahat naman daw ng 500,000 pesos transactions pataas ay covered ng mga transactions
02:59at inire-report nga ito ng AMLOC.
03:03So Connie, hanggang sa ngayon ay yung intervention ng mga senador ay nasa final na punto na.
03:10At inaasahan natin na may kasunod pa ang prosecution na isasalang si Anenita Camposano na branch manager din ito dati
03:22sa Land Bank branch doon naman sa DepEd.
03:24So Connie, patuloy natin inaantabayanan kung ano pa nga yung mga magiging kuling kaganapan dito sa patuloy na gumugulong na
03:33impeachment trial
03:34laban kay Vice President Sara Duterte at nakalipat na ng article ngayon.
03:39Ito na yung Article 1 o yung Confidential Funds.
03:43Connie?
03:43Marami salamat, Ian Cruz.