- 17 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Arrestado ang isang lalaki matapos magbanta at manakot umano sa isang may pagkakautang sa kanya.
00:07Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:11Nasa loob ng isang convenience store sa Quirino Highway, San Jose del Monte, Bulacan, ang lalaki ito.
00:18Maya-maya dumating ang mga polis at agad siyang pinadapa.
00:21Ang lalaki, suspect pala sa pagbabanta at pananakot sa isang lalaking nangungupahan sa lugar.
00:27Tatakutin lang sana nila because yung victim natin is allegedly mayroong atraso, sum of money sa ating mga suspect.
00:34So gusto nila sigurong mangolekta ng pera dun sa ating victim.
00:40This is a parang bayad sa drugs na allegedly lang na atraso niya dun sa mga suspect natin.
00:49Ayon sa polis, nakatakbo palayo ang biktima at nakahingi ng tulong.
00:54Nakahingi siya ng tulong sa ating barangay.
00:56And in turn naman, yung barangay natin is humingi ng polis assistance dito sa ating himpilan.
01:03Nagtago sila sa isang convenience store at dun namin na tuntun yung suspect.
01:08Itinuro naman ang suspect ang apat na kasama niya na totoong may alam daw sa kanilang pakay.
01:37Tinutugis pa ng polis siya ang apat niyang kasama.
01:39Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang 45 anyos na biktima ukol sa paratang nasangkot siya sa iligal na droga.
01:46Sa ngayon, iniimbestigyan pa rin namin kung may link talaga sa iligal activity yung ating biktima.
01:54Nakumbis ka sa sospek ang dalawang hindi lisensyadong baril na kargado ng mga bala.
01:59Mahaharap siya sa mga reklamong grave threat at illegal possession of firearms.
02:03Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:09Sa kontrasona ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,
02:13pinunan niya na tila may selective justice daw sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:19Can we add, the President is also not only the President of the Administration,
02:24he is also the President of the Opposition.
02:29And respectfully, I believe that Senator Bato is fleeing unjustly because he cannot get justice.
02:38I believe Senator Jingoy and Senator Marcoleta are political prisoners.
02:43And that if it wasn't weaponized, they will be able to at least go out on bail.
02:48Sabihin niyo na mali ako, but should they be allowed to attend the impeachment?
02:52Pantay-pantay bang justicia o selective justice po tayo ngayon?
02:57Nakakulong ngayon si Estrada para sa mga kasong gravel plunder
03:00dahil sa pagtanggap o manon ng kickback sa flood control projects.
03:04Meron ding plunder case si Marcoleta dahil sa pagtanggap niya ng donasyon
03:08noong siya ay kongresista pa bago ang campaign period noong eleksyon 2025.
03:12Si De La Rosa naman ay may arestwarant mula sa International Criminal Court.
03:16Pino na naman ni Senadora Pia Cayetano
03:18ang ibinida ng Administrasyong Marcos na nasa upper middle income status na ang Pilipinas.
03:23Anya, hindi ito tumutugma sa kasalukuyang nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino.
03:29Kinesyon din niya rin ang implementasyon ng Zero Balance Billing Policy na ibinida ng Pangulo sa Sona
03:34kabilang ang magkapatid na Cayetano sa mga hindi dumalo sa Sona na Pangulo nitong Lunes.
03:39Sinisikap ang kunin ang pahayag ng Malacanang kaugnay sa kanilang kontra-Sona.
03:45Out of more than 1,200 government and private hospitals nationwide,
03:51Zero Balance Billing is available in only 87 DOH-run facilities
03:56and four GOCC specialty hospitals and six LG hospitals that are now being piloted.
04:04So wala pang 100.
04:06So 1,100 other hospitals do not have Zero Balance Billing.
04:18Patay ang isang lalaking senior citizen matapos pagbabarilin sa Anilaw-Ilo-Ilo kahapon.
04:24Sa emisigasyon ng pulisya, sakay ng motosiklo ang biktima at kanyang 14-anyos na anak na babae
04:30patungong Barotak Viejo para sa hearing ng isang kaso.
04:34Huminto ang biktima sa highway sa barangay Danggulaan.
04:37Habang may kausap, dumating daw ang riding in tandem na pinaulanan sila ng bala.
04:44Nakatakbo raw ang mag-ama pero hinabol sila ng mga suspect at pinagbabaril ulit.
04:50Nakaligtas po ang anak.
04:51Nagtamu naman ang hindi bababa sa sampung tama ng bala ng baril ang biktima.
04:57Patuloy ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
05:00Ayon sa pulisya, posibleng konektado ang pamamaslang sa kasong grave threat na kinasasangkutan ng biktima.
05:07Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima.
05:14Pwede nang i-rewatch ang groundbreaking historical kapuso series ng Maria Clara at Ibarra.
05:21May rerun yan sa GMA Afternoon Prime simula sa lunes.
05:26Samahan ulit si Binibining Clay, played by Barbie Forteza, sa kanyang magical journey ng mapadpad sa mundon ng no-limitangere.
05:35Kasama sa award-winning series si na Julie Ann San Jose, David Licauco, Dennis Trillo at marami pang iba.
05:43Lunes hanggang Biernes ang Maria Clara at Ibarra, 4.30pm.
05:50Global Pinoy sa Canada, get ready para sa kilig na iahatid ni Sparkle star Ronnie Liang.
05:57This August 1 and 2, abangan si Ronnie sa Taste of the Philippines 2026 sa Calgary, hatid ang special performance.
06:04Sa August 2, makikisaya rin ang Kapuso Star sa Niagara Fiesta Extravaganza 2026 sa Ontario.
06:12At sa August 9, magahatid ng ngiti si Ronnie sa Brampton Fiesta Extravaganza 2026 sa Ontario.
06:24Samantala, bantay panahon po tayo lalot may dalawang LPA na binabantayan.
06:29Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
06:32Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
06:36Magandang umaga rin po sa kanila at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
06:39Nasaan na po yung eksaktong lokasyon ng dalawang low-pressure area?
06:44Sa ngayon, yung isang low-pressure, Connie, ay nandito na sa may bandang vicinity ng Baaw Camarines Sur.
06:53At ito yung low-pressure na nagdudulot nga ng pagulan, hindi lamang dito sa Metro Manila,
06:58kundi maging sa mga karatig region at lalawigan.
07:00Samantala, isa naman ay nasa lahing 1,580 kilometers silangan ng Visayas
07:06at hindi pa po ito nakaka-apekto sa naman bahagi ng ating bansa.
07:09May chance ho bang lumakas at maging bagyo yung LPA na nasa Bicol area?
07:13At ano ho yung inaasahan natin magiging galaw kaya nito?
07:17Well, sa ngayon, Connie, dahil nga nandito na siya sa mga coastal area na malapit sa lalawigan sa ating bansa,
07:23ay maliit ang chance sa magiging galaw.
07:25Pero inaasahan nito magdudulot na pagulan dito nga sa Metro Manila,
07:29sa Bicol Region, sa Calabarzon, sa Mimaropa, Mindoro Provinces, Romblon at Marinduque.
07:34At sa mga oras na tayong may nakataas po tayong heavy rainfall warning number 3.
07:38We have a yellow rainfall warning dito nga sa may bandang Quezon and then Laguna at Rizal.
07:45Ibig sabihin nakakaranas dyan ng moderate to heavy rains
07:47at inaasahan po natin na over the next 3 hours ay posibleng ganun din amount
07:52yung bumagsak sa mga naturang lugar.
07:54Kaya paalala po natin sa mga kababayan natin yung maging alerto pa rin
07:57sa mga posibleng pagbahat paguhon ng lupa.
07:59Sir Chris, medyo naputo lang ho yung inyong audio kanina.
08:03So maliit po ang chance na itong maging bagyo. Tama ho ba?
08:06Tama po. Ito pong low pressure nandito sa may bahay ng Kabikulan
08:12ay bagamat malit ang chance na maging bagyo,
08:15inaasahan pa nga rin pong magdudulot ng pagulan.
08:17Hindi lamang dito sa Metro Manila.
08:19Ano ho yung inaasahan galaw naman ng LPA sa labas po ng PAR?
08:22Sabi nyo kanina, wala pa itong direktang epekto sa ngayon.
08:26Pero magkakaroon ho ba? Are we predicting na baka magkaroon ho ng
08:29sabay na LPA po sa loob po ng Philippine Area of Responsibility?
08:35Well, sa ngayon po, maliit din ang chance ang maging bagyo nito.
08:38Tinaasahan na ito. Pugkilos man ito ay pa west-northwest dito sa Philippine Sea.
08:44Nagkakaroon naman po ng pagkakataon na talagang nagkakaroon tayo ng case
08:47ng multiple low pressures or even bagyo inside the PA.
08:51With the current scenario po,
08:53inaasahan natin na possibly itong mas malapit sa kalupa natin,
08:57yung sa kasala ko yung nakakapekto sa atin,
08:59ay possibly nang magdissipate in the next maybe 24 to 48 hours.
09:02At ito namang nasa labas, kung mananatiling mga low pressure at pumasok ng par,
09:07ay kikilos ng pa west-northwestward or generally in the direction towards the southern part of Japan po.
09:14Okay. Pero ito pong pag-uulan sa Metro Manila,
09:17dulot pa rin ho ba ito ng LPA?
09:19At hanggang kung kailan kaya yan tatagal?
09:23Well, asahan po natin ang possible ng mga pag-ulan dito sa Metro Manila
09:26in the next 24 hours po hanggang bukas.
09:29Okay. Marami pong salamat sa inyong pong update sa amin.
09:31Yan po naman si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
09:36Sa iba pang balita, isinumitin ni Sen. Ping Lakson sa Ombudsman
09:40ang mga ebidensya tungkol sa manumaliumanong infrastructure projects sa Taguig.
09:44Ang mga akusasyon tinawag na malisyoso
09:47ni dating Taguig Congressman at ngayon Sen. Alan Peter Cayetano.
09:52Balita natin ni Ian Cruz.
09:57Isinumitin na rao ni Sen. Ping Lakson at kanyang team sa Office of the Ombudsman
10:02ang mga ebidensya ang kanilang nakalap
10:04tungkol sa umano yung mga kwestiyonabling infrastructure projects sa Taguig City
10:08na baluarte ni Sen. Minority Leader Sen. Alan Peter Cayetano.
10:12Naniniwala si Lakson na sapat na ang mga ebidensya
10:15para magsampa ng mga kasong plunder, malversation at paglabag sa anti-graft law
10:21laban sa mga responsable.
10:23Ani Lakson, kakaiba ang mga anomalya sa Taguig sa mga kwestiyonabling flood control projects
10:28na una nilang nadokumento sa Bulacan.
10:31Gumamit umano ng old and new tricks ang mga infrastructure projects sa Taguig.
10:36Kabilang anya ang pagpapanggap sa isang ilegal na reclamation project
10:41bilang mga slow protection structure na may kasama ang ilang ghost project.
10:46May mga kaso rin umano ng double appropriation at pag-recycle ng mga larawan mula sa mga luma
10:52at tapos ng kontrata para singilin at kubrahin ang bayad para sa mga bagong proyekto.
10:58Lahat anya ito, isang tao lang ang kumontrol simula 2019.
11:02Mula 2020 hanggang 2025, nasa 14.5 billion pesos anya ang infra-projects ng Taguig.
11:11Sa kanyang paning, sinabi naman ni Cayetano na welcome sa kanya
11:15ang mga isinumiting dokumento ng kampo ni Lakson sa ombudsman.
11:20Nagulat lang daw siya sa pagkukumpara ng Bulacan sa Taguig patungkol sa flood control projects.
11:26Honestly, nagulat ako na ito compare sa Bulacan kasi napakalayo.
11:29May witness ang buong kababayan namin sa Taguig at lahat ng nagiging bisita
11:34ang produkto ng good governance for wala pa naman 20 years.
11:412010 till now and ako 1998 till now bilang congressman.
11:46Nauna ng sinabi ni Cayetano na walang ghost project sa Taguig.
11:50Sabi niya, malisyoso ang akusasyon.
11:53But from my point of view, it's malicious because nga hindi ko alam kung ano exactly
11:59at bakit ganun ang akusasyon at bakit suddenly etc.
12:04But as I told you, always ready to face the consequences.
12:09May cost parati po talaga ang lahat ng ating pakikibaka,
12:15ang lahat ng ating struggle maging opposition, mga administrasyon.
12:18Ang asawa ni Cayetano na sila ni Cayetano, ang kasalukuyang mayor ng Taguig.
12:23Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Taguig LGU sa pahayag ni Lakson.
12:28Ngayong nagsumiti na ng dokumento sa ombudsman si Sen. Lakson patungkol sa Taguig.
12:34Iimbestigahan pa rin ba ito ng Senate Blue Ribbon Committee?
12:36Yung kay Sen. Ping po, choice niya po yun, alam nga ba naman agawin ho namin sa ombudsman
12:42e nasa ombudsman na po yun.
12:44So hindi ho kami makapag-ikang papakialaman ho namin.
12:49Sabi ni Sen. Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Erwin Tulfo,
12:53kapag naisa formal na ang membership ng komite,
12:57magpapatawag na siya ng imisigasyon ukol sa flood control.
13:00Isa sa lumutang na magbibigay ng pahayag sa pagdinig,
13:03ang kapadid ni Sen. Cayetano na si dating Taguig Mayor Lino Cayetano.
13:09What I heard is willing, he has documents and mga na pwede isumiti po sa Blue Ribbon.
13:16Pati nga po yung dating mayor po ng Taguig, may mga documents ni po nga isusumiti.
13:20So we will entertain that.
13:22Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
13:27Ibinasura ng Sandigan Bayan 5th Division ang motion to fix bail o ang hiling
13:32ni Sen. Jingo Estrada na magtakdana ang Korte ng Piansa para sa kasong plunder.
13:38Batay sa resolusyon ng Anti-Graft Court, masyado pang maaga
13:41at walang legal na basihan para pagbigyan ang hiling ng Senador.
13:46Sabi ng Sandigan Bayan, kailangan muna ang mapatunayan sa isang pagdinig
13:50na mahina ang ebidensya laban sa Senador.
13:53Kailangan din muna ang mapatunayan na po pwede magpiansa si Estrada para sa plunder
13:57bago niya hilingin sa Korte na magtakdana ng piansa.
14:01Dahil diyan, mananatiling nakakulong si Estrada sa New Quezon City Jail
14:06para sa plunder case kaugnay sa pagtanggap umano ng kickbacks
14:10sa flood control projects.
14:12Dati nang itinanggi ng Senador na tumanggap siya ng kickback.
14:22Pasok na sa Round of 16 ng Mubadala DC Open si Pinay Tennis star Alex Ayala.
14:27Nakatapat ni Ayala si dating World No. 4, Kinwen Jeng ng China sa Round of 32.
14:33Nakuha ni Jeng ang first set sa score na 6-4.
14:36Hanggang makabawi si Ayala sa susunod na dalawang sets, 6-4 at 6-1.
14:41Sunod na makakaharap ni Ayala sa torneo si Leila Fernandez ng Canada.
14:53Update po tayo sa day 10 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw.
14:58Iniharap ng prosecution bilang testigo ang isang dating branch manager ng Land Bank.
15:03Ang mga detalya sa ulot on the spot ni Ian Cruz.
15:07Ian?
15:11Yes, Connie, wala nga naganap na diskusyon ang depensa at prosecution patungkol nga doon sa pagpapalit ng sequence ng impeachment
15:19trial ni Vice President Sara Duterte.
15:21At Connie, sa opening kaagad ng day 10 ng trial ay tinawag kaagad ni Presiding Officer Chief Escudero ang prosecution.
15:30At si Rep. Joel Achua nga ang nagpipresenta para sa prosecution para sa Article 1 o muna yung maling paggamit
15:39ng confidential funds.
15:41Bago ipresenta ang witness nila, pinagsalita muna si Rep. Leila Delima para sa opening remarks.
15:46Pinayagan naman ito ni Escudero.
15:47Pero sa gitna ng opening remarks nag-object si Atty. Michael Powa na conclusion of fact and law na raw
15:54ang sinasabi ni Delima.
15:55Kaya kalaunan, Connie, pinatigil na rin Escudero si Delima.
15:58Unang isinalang ni Congressman Chua sa witness stand, ang dating manager ng Land Bank ng Shaw Boulevard na si Violeta
16:06Constantino.
16:07Para ito sa apat na cheque na in-incash ng Special Disbursing Officer ng OVP na si Gene Acosta.
16:13Na bawat isa ay nakakahalaga ng 125 million pesos o kabuang 500 million na pesos sa bahagi ng confidential funds.
16:21Hindi na nagkaroon ng pagtatalo ukol sa pakakakilanda ni Costantino at mga cheque.
16:26Matapos itong kilalani ng depensa sa pamagitan nga ng stipulation ni Atty. Michael Powa.
16:32Kinumpirma ni Costantino na sila nga ang nagproseso ng cheque noong 2023.
16:36Kinuharaw ito ng disbursing officer na si Gene Acosta kasama si Lemuel Ordoño.
16:41Ayon kay Costantino, sinabi sa kanila ng mga tag-OVP na may malaking withdrawal sila.
16:47At hindi naman, Connie, nag-cross-examination.
16:51Ang depensa sa testimonya nga ng Tagalan Bank.
16:54Kaya inaasahan nga na ito so far ang pinakamabilis na pagsalang ng isang witness na hindi gaya nung iba na
17:00inabot ng dalawang araw.
17:02May interjection at intervention din ng mga senador.
17:05Sa pagtatanong ni Sen. Irwin Tulfo, sinabi nga ni Costantino na nilipat ang OVP account sa Showa branch
17:12na nga lumipat ang OVP mula Quezon City tungo sa Mandaluyong noong 2022.
17:17Tinanong ni Tulfo kung normal ba ang pag-withdraw ng 125 million pesos.
17:23Ang sagot naman ni Costantino, unusual ito.
17:25Hindi rin daw nila alam na confidential funds pala ito.
17:28Pero bilang taga-Banko ay nag-isip din sila kung saan nga ba ito gagamitin.
17:33Nang usisayin naman ni Sen. Bam Aquino kung inire-report pa nila ang bagay na ito sa AMLOC.
17:39Sinabi ni Costantino, lahat naman daw ng 500,000 pesos transactions pataas ay covered ng mga transactions
17:47at inire-report nga ito ng AMLOC.
17:50So Connie, hanggang sa ngayon ay yung intervention ng mga senador ay nasa final na punto na.
17:58At inaasahan natin na may kasunod pa ang prosecution na isasalang si Ninita Camposano
18:07na branch manager din ito dati sa Land Bank branch doon naman sa DepEd.
18:12So Connie, patuloy natin inaantabayanan kung ano pa nga yung mga magiging huling kaganapan
18:18dito sa patuloy na gumugulong na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte
18:24at nakalipat na ng article ngayon, ito na yung Article 1 o yung Confidential Funds.
18:31Connie?
18:31Marami salamat, Ian Cruz.
18:34Ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang zona nitong lunes
18:37ang ilang target sa mass transportation ng bansa.
18:40At kaugnay niyan, makakakapanayim natin si DOTR Secretary Giovanni Lopez.
18:44Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
18:50Magandang umaga po, Sir Rafi, at sa lahat po ng iyong taga-subaybay.
18:54Ano po sa mga ongoing transportation project ang malapit ng mapakinabangan ng ating mga kababayan?
19:00Para po sa taon na 2026 po, for the remaining months of this year po,
19:04may mga iba't-ibang mga proyekto po sa mga iba't-ibang sektor po natin.
19:10Unahin na lang po natin sa Pantalan, by next month po o August po,
19:14kaya na po natin inaugurate at mag-operate yung sinatabi nating Port of Lucena.
19:20At inasahan din po natin sa bago matapos ang taon, yung mga tatlong additional busway stations po natin.
19:27At ito ay yung sa bagong baryo, Balintawak at Guadalupe.
19:31Pagdating naman po ng Desembre, inasahan din po natin na matatapos na rin po yung terminal natin
19:37pagdating dito sa paliparan sa Bukidnon.
19:39At yun din po yung sinasabi nating tiya, mula pong Santo Tomas, yung phase 1 po niyan hanggang sa Chaong.
19:47Ngayong October naman po, within our timeline and target, yung bagong terminal din po dito sa Siargao Airport natin.
19:56Ito mga target po na pagbubukas, wala naman po nagiging aberya so far?
20:04So far po, Sir Rafi, within timeline pa rin po kami at nasa timeline kami, nasa target pa rin po
20:10namin.
20:10Pero ang isa po talagang binabantayan namin at sa tingin naman po, kumpiyansa kami,
20:15yung pagdating po ng second quarter ng 2027, yung sinasabi nating 12 stations ng MRT 7
20:22at partial operations na po yan by second quarter of 2027.
20:26At ano naman po status ng subway project sa ngayon?
20:30Yung subway pa rin po natin, within timeline po tayo, maganda po dito, 90% na po tayo as of
20:36June
20:36nung sinasabi nating right-of-way acquisition po natin.
20:40Pagdating nga po dito sa mga tunnel, mula Valenzuela hanggang sa Quirino Station, 100% na po yan.
20:47Both sides, northbound at saka southbound.
20:50Ganun din yung mga tunnel natin dito sa North Avenue hanggang Tandangsora naman.
20:55Tapos yung Ortigas natin, papuntang Anonas, saka papuntang Camp Aguinaldo po,
21:02almost 90% na rin po yung tunnel natin dyan.
21:06Ma rin natin na magkakaroon tayo ng demonstration run po by 2028
21:11bago po matapos yung termino ng ating pangulo.
21:14So, ibig sabihin kung demonstration run pa lang, kailan po ang magiging fully operational po ito?
21:20Yung buong 33 kilometers po ng ating subway, mangyayari po yan around mga 2031 or 2032.
21:28Kasi alalahanin po natin, kailangan din pa po ng testing at commissioning ng ating mga relays.
21:33At wala na po problema doon sa mga construction?
21:36Nabanggit nyo, naplan siya na yung mga right-of-way issues.
21:39Isa ito sa mga nagpapadalay sa mga proyekto ng gobyerno.
21:44Tama po, Sir Rafi, hindi lang po yung right-of-way issue.
21:47Ngayon nga po, sabi ko nga po, meron na tayong 90%.
21:50Ang pangalawa po na talagang importante po dito is,
21:54we are assured of the funding po kasi for the longest time po,
21:58ilang taon din po na hindi po nabigyan ng sapat na pondo
22:02ang ating mga ganitong malalaking proyekto.
22:05Pero sinisiguro po ng ating Pangulo na ngayon po,
22:08kung anumang pondo kakailanganin para sa isang taon,
22:11ay may bibigay po at ma-program po sa budget po ng DOTR.
22:19E gayong itong subway project po, tatawid sa kabilang administrasyon,
22:22mapapondahan pa rin po rin ito?
22:24May kasiguruhan na may pondo po ito?
22:28Tama po, at kahit tatawid ito sa susunod na istasyon,
22:32ay ito po isang loan covenant po natin.
22:35Ang katulong po natin dito is a JICA.
22:37So this is a sovereign commitment.
22:39So kailangan po talaga, under the loan proceeds,
22:42meron po tayong sinasabi na government counterpart,
22:45kailangan po mapondohan talaga yung GOP po nito.
22:49Yung mga jeepney drivers po natin na naghihintay,
22:52hindi kasi nabanggit sa zona ng Pangulo,
22:54yung tungkol dun sa pending fair hike petation ng transport groups.
22:58Ano pong update dito?
23:02Kung maalala nyo po, Sir Rafi,
23:04ang nabanggit po ng ating Pangulo ay yung mga ayuda po,
23:09mga tulong po, mga government interventions po
23:11na binigay ng ating Pangulo, ng administration,
23:15para sa mga naapektuhan po dito sa ating oil crisis.
23:18Ngayon po, nagsumit recommendation po sa Malacanang
23:23at ang talagang option one po namin is
23:26to expand pa yung ating ongoing government intervention.
23:30Ito po yung fuel subsidy or fuel discount,
23:34not 10 pesos per liter,
23:35which has a cup of 150 liters per week po.
23:39Kailangan po kasi na ito yung bigyang tuon natin at pansin
23:43sapagkat po targeted yung approach natin dito.
23:46Ibig sabihin, matutulungan natin yung mga transport group,
23:49transport operators.
23:51At the same time po,
23:52hindi tayo makakapagbigay ng karagdagang pasanin sa ating mga commuters po.
23:57So tinitingnan namin ngayon kung kailangan pa natin na palakihin
24:02yung diskwentong nakukuha nila
24:04from 10 pesos, maaari bang 15 pesos na lang po,
24:07or 20 pesos,
24:08or padatamahin po yung litrong makukuha nila sa isang linggo.
24:13Kasi right now is limited sila sa 150 liters per day
24:17and 150 po yung diskwentong makukuha nila.
24:21E paano naman po yung magiging sistema
24:23sa binanggit ng Pangulo na pag-shift
24:24sa electric public transportation?
24:27Ito po yung kasado na ba?
24:28Opo, nasimulan na po natin.
24:30One good example po yung ginagawa natin proyekto
24:33dito sa Davao City,
24:37sa Davao ay yung tinatawag natin
24:38Davao Modernization Public Transport Program po natin.
24:43Ito po ay part of our commitment here.
24:46Ito po yung mga buses,
24:48almost 1,000 buses po ang tatagbo dito
24:50kapag natapos yung programa.
24:52386 po dito ay already electric vehicles.
24:56Yung mga ating ongoing naman po
24:59at kasalukuyan ng mga transport group
25:01sa pag-ipagtulungan din po ng mga ibang-ibang ahensya
25:04tulad po ng DTI
25:06ay sila na rin po ay pumapayag
25:09at tinatangkilik itong sinasabi nating electric vehicle
25:12at may mga pautang at sa mga subsidiyan naman po
25:15na inaalok ang ating gobyerno.
25:18Marami po tayong aabangan at kami po yung mga ngulit
25:20hanggat ito yung mapakinabangan ng taong bayan.
25:23Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa balitang hali.
25:27Salamat po, Sir Rafi. Thank you po.
25:29Yan po si DOT, our Secretary Giovanni Lopez.
25:31Thank you so much.
26:01Magde-desisyon ng ombudsman kung may sapat na ebidensya
26:04para magsampan ng mga kaso sa Sandigan Bayan.
26:07Ang pagsasampan ng kaso laban kay Romualdez
26:10ay binanggit ng panghulo sa kanyang state detonation address nitong lunes.
26:13Sagot ni Romualdez,
26:15wala siyang ginawang anumang labag sa batas
26:16at handa ro siyang patunayan nito.
26:21Update po tayo kaugnay sa imbisigasyon ng pulisya sa pagsabog ng improvised explosive device sa Maynila
26:27at pagkakarecover sa isa pa sa Pasay.
26:30May ulot on the spot si June Veneracion.
26:33June?
26:35Kanyang tatlong araw, matapos lang na pagsabog ng IED sa Maynila
26:38at pagkakarecover ng isa pa sa Pasay,
26:41may ligs na rolo ang Philippine National Police
26:43kung sino ang pusibling may pakanaan ng mga ito.
26:45Hindi nagbigay ng dagdag na detalye
26:47pero tiniyak ni PST Chief José Melencio Nartates Jr.
26:51na nakatutok ang kanilang mga investigador 24 oras para malutas ang krimen.
26:55Sabi ni Nartates,
26:57bigyan lang sila ng panahon at malulutas din nila
26:59ang mga IED incident ng SONA.
27:02Sa inisyal investigasyon ng PNP,
27:04pananakot ang nakikita motibo base sa lumabas
27:07sa pagsusuri na walang shock nairo ang mga IED.
27:12Yanagigas mula kang krame, belay si Con.
27:14Maraming salamat, June Veneracion.
27:20For the very first time,
27:22isang Filipino act ang magpe-perform sa isa sa biggest
27:26at most prestigious festivals in the world,
27:29ang Lollapalooza 2026.
27:32Ready na to make history ang P-Pop Kings SB19.
27:36Puspusa na ang paghahanda ng five-member ensemble
27:39na ngayon ay nasa Amerika
27:41para sa kanilang magiging epic at historic performance
27:45sa Chicago this Friday.
27:46Chika ng SB19, years of patience and hard work
27:50have finally paid off.
27:52Surreal pa rin daw ang feeling
27:54nang matanggap nila ang invitation
27:55at confirmation para sa event.
27:58Very grateful si na Pablo, Josh,
28:00Stell, Ken at Justin sa 18
28:02at sa buong team na nakasama nila
28:05all throughout their music journey.
28:07Higit daw sa isang world-class performance,
28:09mission din ng SB19 na dalhin sa international stage
28:12ang tunay na kwento, talento at kulturang Pilipino.
28:19Hopefully, it becomes a ripple effect.
28:22It becomes one of the stepping stone
28:24where people could, you know,
28:27dive deep in the rabbit hole
28:28and see what Filipino music
28:30and what Filipino culture is all about.
28:37Ito naman, taas kamay
28:39ang mga mahilig manood ng video
28:41tuwing kumakain.
28:43Balitang halik.
28:45Masarap kasing sabayan yan,
28:47lalo na yung mga nagmumukbang.
28:49Kagaya po ng isang pet sa panggasinan
28:51na nasobrahan naman yata sa takang.
28:55Yan o,
28:57tutok sa isang mukbang video
28:58ang kapatid ni Yusko Parovic Agotaya.
29:01Nakijoy naman ang alaga nilang pusa
29:03dahil beton din yata
29:05ang yung chinichibog sa video.
29:07Yun nga lang,
29:08abay hindi natiis ng kuting
29:09ang kanyang craving.
29:10Ayun, kinagat pati ang cellphone screen.
29:13Sa unang kagat,
29:14imagination lahat.
29:15Halos 2 million na ang views ng video.
29:18Relate daw kasi
29:19ang netizen sa eksena na kuting na
29:23main character.
29:25Masarap kaya yung sin.
29:27Pag nagda-diet ka,
29:29tingin ka na lang.