00:00Hindi raw kukonsintihin ng Department of Education Schools Division of Davo de Oro
00:05ang pananakit ng dalawang estudyante sa isang guro sa bayan ng Mako.
00:09Hindi raw nila palalampasin ang anumang uri ng karahasan o misconduct sa loob ng paaralan.
00:13Nanawagan din ng Davo de Oro sa SDO sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon
00:20kaugnay sa insidente sa Elizalde National High School.
00:23Nagpapatuloy na raw ang investigasyon sa insidente.
00:26Sa viral video, makikita ang sinapak ng isang lalaking estudyante ang gurong nanita sa kanya
00:31dahil sa suot na hikaw na labag sa kanilang school policy.
00:35Inatake rin ang lalaking teacher ng isa pang estudyante na kapatid ng unang nanapak.
00:40Sugatan ang 55 taong gulang na guro.
00:42Dinala ang dalawang minor na edad na estudyante sa Municipal Social Welfare and Development Office.
00:48Dahil sa insidente, nanawagan muli ang Teachers Dignity Coalition
00:51para sa isang komprehensibong teacher protection policy
00:54at pagpapalakas ng guidance and counseling program sa mga eskwelahan.
Comments