00:00Umawat lang sa Rambol, napatay pa ang isang barangay tanod sa Pasig.
00:05Binarela siya ng isang sa mga lalaking sangkot sa gulo.
00:08May unang balita si EJ Gomez.
00:13Ilang lalaki ang nakatayo sa gilid ng kalsata sa barangay Buting, Pasig City, July 12 ng madaling araw.
00:20Kitang may itinuturo ang isang lalaki.
00:23Isang kasama naman niya ang Sumenyas.
00:26Maya-maya, ilang lalaki ang sumugod sa kanila.
00:29At nakipag-rambulan.
00:31Sakto namang napadaan ang nagpapatrol yung mga barangay tanod sakay ng tricycle.
00:36Tumawid sila ng kalsada para awati ng gulo.
00:39Isa sa mga lalaking sangkot sa gulo ang kumuha ng baril sa sasakyang nakapark sa gilid ng kalsada.
00:46Ang baril kinuha ng kasama niya na siya namang nagpaputok.
00:51Hindi nahagip sa CCTV pero tinamaan ang isa sa mga barangay tanod.
00:56Ilang beses pang nagpaputok ang gunman.
00:59Sa gitna ng kalsada, isang lalaki naman ang pinagtulungan at pinagpapalo sa ulo ng gunman gamit ang baril.
01:07Ang binaril na tanod.
01:08Nakatawid pa sa nakaparadang barangay patrol pero di na siya nakasakay at humandusay na sa gilid ng kalsada.
01:16Ilang minuto makalipas, dumating ang isang motorsiklo.
01:20Umangkas ang gunman at isa pang lalaki.
01:23Saka sila tumakas.
01:25Ang binaril na tanod isinakay sa pickup ng ilan sa mga sangkot sa rambulan.
01:31Dinala siya sa ospital at sinubukang i-revive ayon sa barangay.
01:36Tumama raw sa isang vital organ.
01:38Lumusot sa likod yung bala.
01:40Tsaka may isang bala pang tumama sa paan na nandun pa yung slug.
01:43Mabilisan lang.
01:44Wala pang isang oras na binawian na siya ng buhay.
01:48Base sa investigasyon, taga-tagig ang dalawang grupong sangkot sa insidente.
01:53Nakainom pareho sila.
01:56Nagkakursunadahan, katitigan, masamaro tumingin.
02:00Doon na nauwi sa away.
02:02Hustisya, ang gusto ng mga naulilang magulang ni Marlon Samandal,
02:07na labing tatlong taon na raw, nagtatrabaho bilang isang barangay tanod.
02:12Ang anak ko napakabay na tao, naglilingkod lang sa bayad.
02:17Siya lang ang aming sandikan mag-asawa dahil siya lang ang nagtatrabaho sa amin.
02:23Tapos binatay mo pa siya.
02:25Sana mauli ka at makulong ka.
02:29Napakasakit nang nangyari sa ano.
02:31Kasi wala naman siyang ginawa ng ano, kundi magtrabaho lang at pagsilbihan yung barangay namin dito.
02:37Kung sino-sino naman ngayon, sumuko na kayo.
02:40Makonsensya kayo.
02:42Dalawa sa mga sospek na kagrupo ng gunman ang naaresto ng pulisya.
02:47Wala silang pahayag.
02:49Tinitingnang susi para matunto ng iba pang sangkot
02:52ang naiwang sasakyan kung saan kinuha ang baril na ginamit sa insidente.
02:57Ito ang unang balita.
03:00EJ Gomez, GMA News.
Comments