00:00Kasunod ang kanyang ikalimang State of the Nation address,
00:03bumisita si Pangulong Bongbong Marcos sa iba't ibang lugar sa Davao Region,
00:08kabilang isang housing project at hospital doon.
00:12Yan ang unang balita ni John D. Esteban ng GMA Regional TV.
00:20Matapos niyang ikutin ang iba-ibang ward ng Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Monte Vista,
00:25personal na iniabot ni Pangulong Bongbong Marcos sa hospital chief nito ang 147 million peso check na pandagdagpondo ng pasilidad.
00:35Tamang-tama ayon sa jepe para sa mga kailangan nilang equipment at pagpapaayos sa mga pasilidad na sinira ng nakaraang
00:42mga lindol sa Mindanao.
00:44So this will be used for equipments for the hospital, the needed equipments for the hospital, the needed repairs and
00:50the needed new equipment for the hospital.
00:52Sa administrasyong ito, napakahalaga para sa amin na maganda ang pag-alaga sa mga nagkakasakit sa ating mga kababayan
01:01at hindi lamang sa mga nagkakasakit, inuunahan po natin ngayon, hindi na natin inaantay na magkasakit.
01:08Sa Nabunturan Davao de Oro naman, pinangunahan na Pangulo ang distribusyon ng agricultural machineries at farm inputs
01:15para yan sa mga benipisyaryo sa Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Occidental.
01:21Namahagi rin ng financial assistance sa ilalim ng Social Civic Projects Fund para sa Presidential Scholars at Barangay.
01:28Binisita rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang Peoplesville sa Barangay Riverside sa kaninan Davao City
01:34na isang housing project na sinimulang i-develop noong 2023.
01:39Sa susunod na taon, target matapos sa proyekto, pero 30. Sa 72 planong gusali pa lang ang tapos.
01:47May 101-bedroom unit ang kada building, kaya inaasahang mahigit 7,000 benipisyaryo ang makikinabang.
01:54Gumagawa tayo ng community na kumpleto na lahat dahil mahirap tirahan kung wala naman pupuntahan yung mga bata,
02:03walang malapit na palengke, hindi malapit sa trabaho.
02:06So, yun ang mga dating na natin, hindi lang yung pagpatayo ng bahay.
02:10Ito ang unang balita. Jandy Esteban, ng GMA Regional TV, para sa GMA News.