00:00Patay ang isang lalaki matapos saksakin at hampasin ang bote ng dalawa niyang kainuman sa Antipolo Rizal.
00:06Sumuko ang dalawang suspects sa polisya at humingi ng tawad.
00:11May unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:17Patay ang 42-anyos na nagtitinda ng Sampagita matapos siyang saksakin at paluin sa ulo
00:23gamit ang bote ng alak sa barangay Santa Cruz, Antipolo City.
00:27Ang mga sospek ang dalawang kainuman ng biktima nitong linggo.
00:32Ayon sa mga nakasaksi, nagkakasiyahan ng biktima at dalawang sospek nang bigla silang magtalo na nauwi sa krimen.
00:40May tumawag po sa amin na meron nga daw pong stabbing incident dun sa Sitcho Gumamela Phase 5.
00:47Agad naman po kami ang responde agad dun sa pinangyariyan.
00:50Pagdating po namin dun, talagang no false no breathing na po talaga yung pasyente.
00:55Batay sa mga nakakita sa insidente, dito po mismo hinampas ng bote sa ulo at sinaksak ang biktima.
01:02Nadatna na lang ng mga responder na nakatihaya na at duguan ang biktima dito sa aking kinatatayuan.
01:09Yung mga sumaksak nakita pa raw na nagtago doon sa sapa malapit dito sa lugar.
01:14Sumuko sa pulisya ang mga sospek kalaunan.
01:17Base sa pahayag nila sa mga pulis, may sinabi raw ang biktima na hindi nila nagustuhan.
01:23Sinuntok din umanaw ng biktima ang isa sa mga sospek, kaya dumampot siya ng bote ng alak at ipinalo sa
01:30ulo ng biktima.
01:31Ang isa pang kainuman, inundaya naman ang saksak ang biktima.
01:35Labis daw nila itong pinagsisisihan.
01:56Ang asawa ng biktima na isa rin sa pagita vendor.
01:59Labis-labis na nagdadalamhati.
02:17Nakakulong ang mga sospek sa Antipolo Police Community Precinct 2 at maharap sa reklamong homicide.
02:24Dahil sa insidente, lalong maghihigpit ang barangay sa pagpapatupad ng mga ordinansa.
02:29Sa mga lagi-inuman, alam po natin ang limitasyon natin kung hanggang anong oras lang po tayo.
02:34Hanggang alas 10 lang po at kumaari, alas 9 the evening, end na ang alak, end na ang kasiyahan.
02:42Ito ang unang balita, Gabriel Gonzalez, GMA News.