00:00Naipit sa pagitan ng dalawang container van ang isang truck driver sa Barangay Puntod sa Cagayan de Oro City.
00:06Sa video, kitang inaatras ng forklift truck ang container van.
00:10Doon nakita ang naipit na driver na pinuntahan at binuhat ng kanyang mga kasamahan.
00:15Kwento ng isa sa mga kasamahan ng driver, hindi napansin ng forklift operator na naroon pala sa gilid ng container
00:21van ang driver
00:21nang idinikit niya ang isa pang container van.
00:24Nagpapagaling na sa ospital ang driver na nabalian ng braso at tadyang.
00:28Nagkaareglo na raw ang driver at forklift operator.
Comments