Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita ngayong November 5, 2026

22-anyos na lalaki, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem; 14-anyos niyang kaibigan, sugatan matapos madamay

Heat Index, Nov. 5

Class suspension, Nov. 5

DOE: Price freeze sa LPG at kerosene, ipinatutupad sa Guinayangan, Quezon na nasa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Phl Statistics Authority: Inflation rate nitong October, bumilis sa 7.8%; pinakamabilis mula noong February 2023

Law professor Ralph Sarmiento, tumanggi bilang testigo sa impeachment trial

Lalaking umawat umano sa riot ng mga kabataan sa Sampaloc, sugatan

Mahigit 30, sugatan sa salpukan ng bus at SUV sa Brgy. Quezon

Dept. of Agriculture: Nasa 20 milyong registered farmers at fisherfolks, bibigyan ng ayuda

Presyo ng karneng manok, bumaba sa ilang pamilihan

2, sugatan sa sunog sa isang pabrika; Biyahe sa Subic Freeport Expressway at SCTEX, apektado ng usok

Petisyong kumukuwestiyon sa pasya ng impeachment court kaugnay sa voting threshold, ipinababasura ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema

INTERVIEW: IBP Pres. Atty. Allan Panolong

Lalaking naka-underwear na pinaniniwalaang dating nagnakaw sa isang bahay, namataan

OCTA Research Tugon ng Masa Survey: Lamang ni VP Sara Duterte kay Naga City Mayor Leni Robredo kung gagawin ang eleksiyon ngayon, lumiit

Chinese Foreign Minister Wang Yi, hinimok ang Pilipinas na maging maingat sa paghawak ng maritime issues

Video ni Rep. Romualdez sa loob ng New Quezon City Jail, inilabas ng BJMP para pabulaanang nakalalabas siya ng kulungan

Jail warden Pacion: May kasamang personal assistant si Dating Speaker Martin Romualdez simula nang ma-i-turn over siya sa BJMP Male Dormitory

Yumi ng "Born to shine", ano ang magiging papel sa bagong misyon ng "Taskforce Firewall?"

DILG Sec. Remulla: Mayroong kompletong CCTV footage para patunayan na walang katotohanan ang impormasyong nakakalabas ng kulungan si Dating Speaker Martin Romualdez

Mga cell phone at P50,000 halaga ng mga alahas, natangay ng 2 lalaking nanloob sa isang bahay sa Brgy. Greater Fairview

Democrats, panalo sa U.S. Midterm Elections

Santa Claus School, may 55 new graduates; T-rex display sa isang museum, naka-sweater at Santa hat

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

Category

🗞
News
Transcript
00:00A
00:09Magandang tanghali po!
00:10Oras na para sa maiinit na balita.
00:30Matay ang isang lalaki sa pamamaril sa Malabon.
00:33Damay rin ang kaibigan niyang minor de edad, nakatabi niya ng siya'y barilin.
00:37Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:42Dead on the spot ang 22-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Mercurio Street sa barangay Tugatog, Malabon, bandang alas
00:518 kagabi.
00:52Ang mga salarin sakay ng isang kulay orange na motosiklo.
00:56Ayon sa isang saksi, magkakasunod na putok ng baril ang kanyang narinig bago nakitang nakabulagtana ang biktimang si Alyas Tisoy.
01:05May naglapitan po ng mga tao, tapos lumapit na rin po ako. Nakahandusay na siya.
01:10Na-recover sa crime scene ang isang deformed fired bullet at anim na basyo ng bala.
01:16Nadamay rin sa pamamaril ang barkada ni Alyas Tisoy na isang 14-anyos na lalaki na nooy katabi niya nang
01:23siya'y barilin.
01:24Hindi bababa sa dalawang tama ng bala ang tinamon ng kanyang kaibigan.
01:29Ayon sa barangay, madalas na napapaaway ang nasawing biktima.
01:33Lagi pong may mga kaaway, mahilig sa riot.
01:37Actually may nagre-reclama po dito na meron siyang sinapak.
01:41Then narinig na lang po nga namin na may binaril po doon sa area na yun.
01:45Nung nag-responde po, yun po siya po yung nakita namin doon.
01:48Ayon sa lola ng biktima, napag-initan lang ang kanyang apo.
01:52Hindi po siya may harahin kaaway.
01:54Kailangan sinasapo niya yung away ng iba.
01:57Nagkasakaw ko niya, katulad niyo, kailadan niyo siya, may kaaway ka, pagtatanggol ka niya.
02:04Naulilan ang biktima ang kanyang asawa at kambal na anak.
02:08Iniimbestighan na ng pulisya ang pamamaril.
02:10Nagsasagawa na rin ang CCTV backtracking sa lugar para matukoy ang mga salarin.
02:16Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
02:25Asahan ng malinsangan at matinding init ngayong Huwebes, lalo na sa ilang lugar sa bansa.
02:30Ayon sa pag-asa, aabot sa danger level na 43 degrees Celsius ang posibleng heat index sa Coronpalawan at Dipolog
02:37-Sambuanga del Norte.
02:3942 degrees Celsius naman sa Iloilo City, Dumangas Iloilo at sa Butuan, Agusan del Norte.
02:46Extreme caution level na 41 degrees Celsius naman ang posibleng heat index sa Puerto Princesa, Aburlan at Kuyo sa Palawan.
02:54Pati na sa La Carlota, Negros Occidental, Borongan at Giwan sa Eastern Samar, Sambuanga City at Surigao City.
03:02Pusibleng umabot naman sa 36 degrees Celsius ang heat index dito sa Metro Manila.
03:07Sa kabila ng matinding init, posibleng pa rin ang bigla ang ulan o thunderstorm.
03:11Ayon sa pag-asa, hanging-amihan ang umiira sa Northern Luzon habang easterlies naman dito sa NCR at sa nalalabing
03:17bahagi ng bansa.
03:20Dahil sa banta ng mataas na heat index ng pag-asa ngayong araw, suspendido ang face-to-face classes sa
03:27elementary at secondary level sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa Dagupan, Pangasinan.
03:32Shift muna sa online learning ang klase sa Filamer Christian University habang alternative delivery mode ang ipatutupad sa Mili-Bili
03:42National High School sa Rojas Capiz.
03:45Wala namang pasok sa Tiu-Chong-Tig, Anna Ross Foundation Integrated Farm School at sa Jalandoni Memorial National High School
03:53sa Iloilo City.
03:54Sa Peñaranda, Nueva Ecija, sa umaga lamang ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan doon
04:02dahil naman sa scheduled power interruption.
04:05Tutok lang dito sa balitang hali para sa ibang anunsyo ng class suspensions.
04:15Isinailalim sa state of calamity ang giniangan, Quezon Province dahil sa epekto ng El Niño.
04:20Dahil dito, umiiral na ang price freeze sa 11 kilogram pababa ng liquefied petroleum gas o LPG at kerosene products
04:27doon.
04:28Ayon sa Department of Energy, efektibo ang price freeze doon hanggang November 15.
04:33Ibig sabihin, bawal magtaas ng presya sa LPG at kerosene pero kung may rollback, dapat itong ipatupad.
04:44Mainit na balita sa ikalawang sunod na buwan, bumilis ang inflation o antas ng pagmahal na mga produkto at serbisyo
04:52sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority.
04:55Sabi po ng PSA, nasa 7.8% ang inflation rate nitong Oktubre.
05:00Di nakamataas po yan mula noong February 2023.
05:04Ayon sa PSA, ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation ay dahil sa mabilis din na pagtaas ng presyo ng
05:11pamasahe sa land, transportation, tulad ng mga jeep at bus.
05:15Gayun din ang mabilis na pagtaas ng presyo ng gasolina.
05:19Nakaambag din sa pagbilis ng inflation ang mabilis na pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas o LPG at renta
05:27sa bahay.
05:28Sabi ni PSA National Statistician Claire Dennis Mapa, nakaka-apekto sa inflation ang mahinang piso kontra dolyar dahil mas mahal
05:37bumili ng imported na produkto.
05:39Ma-epekto rin po ang pagbilis ng inflation sa purchasing power ng piso.
05:46Parang yung value ng 1,000 natin noong 2018, 722 pesos.
05:56So parang yun yung ating impact ng kabuang inflation rate mula 2018 hanggang 2026, October.
06:050.7215 to be exact.
06:14Tinanggihan ni Law Prof. Ralph Sarmiento ang pagtestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
06:20Si Sarmiento ay dating din ng University of St. Tassel College of Law sa Bacolod City.
06:24Sa isang video po sa social media kaninang umaga,
06:27sinabi ni Sarmiento na tinanggihan niya ang pagtestigo sa alinmang panig sa impeachment trial.
06:31Ayan niya, mahalaga na manatili siyang independent at makapagbigay ng opinion ng malaya at patas.
06:38Hiniling na raw ni Sarmiento sa defense team na bawiin ang hinihingi nitong subpina para sa kanya na humarap sa
06:43impeachment court.
06:44Batay sa kopi ng manifestation at request for subpina ng depensa na ibinigay ni House Prosecutor Terry Ridon at kinumpirma
06:51rin ang depensa.
06:53Gusto sana nilang tumistigo si Sarmiento sa lunes kaugnay saan nilang iligal at constitutional principles
06:57na mahalaga sa impeachment case at sa Article 2 o unexplained wealth umano ng vice-presidente.
07:04Sabi ng tagapagsalita ng defense team na si Atty. Michael Powa,
07:07iginagalang nila ang personal na desisyon ni Sarmiento
07:10at ikinalulugod nila ang inisyal na konsiderasyon ni Sarmiento sa kanilang imbitasyon.
07:18Huli kam ang takbuhan ng ilang kababata o kabataang lalaki sa barangay 534 sa Sampaloc, Maynila.
07:25Ang dalawang lalaking hinabol, may inihagi sa grupong papalapit sa kanila.
07:30Tinamaan ang isang lalaki na nagtamo ng sugat sa ulo.
07:33Ang tumama sa kanya, si Rang Itak.
07:36Ayon sa barangay, isinugod po siya sa ospital.
07:40Ayon sa biktima, umaawat lang siya sa gulo.
07:42Base po sa imbestigasyon ng barangay, may isang babaeng na pagtripan daw nang pumunta sa kabilang barangay.
07:48Bumalik daw ang babae kasama ang kanyang mga kamag-anak at doon na nagsimula ang gulo.
07:53Sugatan din ang isang barangay tanod na umawat din at isang polis na rumisponde sa insidente.
08:00Dalawang sangkot sa riot ang naaresto.
08:02Mahaharap sila sa patong-patong na reklamo.
08:05Sinusubukan pa silang kuna ng pahayag.
08:07Patuloy ang imbestigasyon.
08:18Piniyak ng Department of Agriculture na sapat ang supply ng digas, karning baboy at manok sa gitna ng El Niño.
08:24Pino na naman ng ilang grupo ang pagdidepende ng gobyerno sa impormasyon ng mga produktong agrikultural.
08:29Balita ng atin di Mav Gonzalez.
08:34Sa susunod na taon pa ay naasahang darating ang pinakamatinding epekto ng Super El Niño.
08:39Pero ngayon pa lang, bilyong-bilyong piso na ang pinsala nito sa sektor ng agrikultura.
08:44As of October 21, nasa 8.5 billion na po ang damage natin and bulk of this ay for corn.
08:51At ang pinakamalaking pong damage dito, kung titignan natin out of the 8.5 billion, almost 5 billion po is
08:58attributed to corn alone, followed by rice.
09:03Nagsasagawa na ang pamahalaan ng cloud seeding, nagpapaganan ng shallow tube wells at namimigay ng water pumps, fertilizers at seeds
09:10ng palay at high-value crops na kayang tumubo kahit tagtuyot.
09:14Ayon din sa Department of Agriculture, nasa 4.8 million metric tons na nambigas ang inimport ng Pilipinas bago pa
09:22sumipa ang presyohan sa international market.
09:24Inaasahang madaragdagan pa yan.
09:26Ang 1997-1998 El Niño, that was the strongest so far, we recorded almost 1.7 or 1.8 million
09:36metric tons. Losses po during that time.
09:39Pwede rin natin maabot o malampasan yun kung hindi handa po talaga tayo.
09:44Ang i-estimate namin siguro mga 5.5, 5.8 million metric tons ay pwede pumasok sa atin hanggang December.
09:52Tiniyak ng DA na sapat ang reserba natin ng lokal at imported na bigas para sa 80 to 90 days.
09:58Ang baboy, sapat para sa 150 to 170 days. May oversupply naman daw ng manok sa ngayon, sapat para sa
10:05125 days.
10:07Pero nagbabala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated sa peste pagsapit ng tag-init.
10:13Ang hindi po natin nakikita, yung insect, yung pest. Alam mo, pagdating ng tag-init, nag-a-accelerate ang reproductive
10:22cycle ng mga insect.
10:25Pati isda, apektado rin daw ng El Niño.
10:28Yung mga peace plant, ang challenge ngayon dyan, ang risk, bababa ang level ng tubig.
10:33So, yun naman ang nag-aalaga ng bangos at shrimp, yung brackish water, tataas ang salinity ng tubig dahil bababa
10:43yung fresh water.
10:45Yun naman pong mga isda na nasa baybay na pupunta yan sa gitang dagat dahil mainit dito sa pampang.
10:52That will definitely have an impact on the production.
10:58Sabi ng DA, posible ang mga fish kill.
11:01Ang problema po natin, yung aquaculture natin, posible yung mga fish kill.
11:07Dahil nga po, pwedeng bumaba ang level ng oxygen, yung salinity problem.
11:12So, isa po sa project ni Secretary, ni Presidente po, yung pamamahagi po natin ng solar aerators.
11:20Mamimigay rin daw ng ayuda ang DA sa nasa 20 milyong registered farmers at fisherfolk.
11:25Malaki rin daw ang inaasahang taripang makukolekta sa susunod na taon dahil sa malaki ang importasyon ng bigas.
11:31At ibabalik daw ito sa mga magsasaka.
11:33For those areas na lubang maapektuhan dahil matindi yung dagok ng alien ninyo sa kanila at walang sapat na patubig,
11:44sila po yung iko-coordinate namin sa DSWD para sa Cash Forward at doon sa AX at sa Dole para
11:52doon sa Tupad Program.
11:53Mamamahagi kami by December na mga mobile solar irrigation systems.
11:58Pumihiling din ang DA ng mas malaking Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program o PAFFP.
12:04Pero ang pribadong sektor, hindi daw ayuda ang hiling nila.
12:08Mas gugustuhin po namin na bigyan ng magandang presyo yung farm gate prices kaya sabigyan nyo kami ng ayuda.
12:14Ang ilang grupo ipinunto na malaki ang problema sa agrikultura dahil sa pagdidepende ng pamahalaan sa importasyon.
12:21May impact lahat sa buong ASEAN. Yung El Nino, this super El Nino. Tapos nakaasa ka sa Vietnam,
12:31this El Nino should be a wake-up call for everyone. You cannot rely. You will not develop if the
12:40mentality of death deb,
12:43if the mentality of our mainstream economies, dependence, wala tayong pupuntahan.
12:50Nagbabala rin ang Ilo-Ilo Provincial Veterinarian na posibleng tumaas ang mortality rate o pagkamatay ng mga alagang hayop sa
12:57gitna ng matinding init.
12:59Nababawasan daw kasi ang gana nilang kumain at nanghihina ang mga katawan dala ng dehydration.
13:05Dapat daw tiyakin na may sapat na tubig, vitamins at electrolytes ang mga hayop.
13:09For example, for poultry, considerin kung mainit, hindi niya magkaon ang ato niya mga poultry layers na ato,
13:15broilers and others na ato niya mga manok. So i-extend nato sa hapon ang feeding and same with this
13:20ato niya mga livestock.
13:22Kung hindi sila magkaon sa adlaw, butangan nato sila sa pagkaon o halarbon sa ilang natural para dito sila magkaon
13:31sa gabi.
13:31Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
13:40Good news para sa mga consumer. Malaki ang ibinabasa presyo ng manok sa ilang pamilihan.
13:45Sa Blumentary Market sa Maynila, nasa P160 hanggang P170 ang kada kilo ng buong manok ngayon.
13:53Noong nakarang linggo, umabot yan sa P200 hanggang P210 kada kilo.
13:57Sa Choice Cuts naman, P175 pesos per kilo ang legs habang P180 pesos per kilo ang breast.
14:03Mabibili naman ang wings ng P190 pesos kada kilo at chicken feet, P160 pesos kada kilo.
14:10Sabi ng mga nagtitinda sa Blumentary Market, nagmura ang kuha nila sa supplier kaya bumaba ang presyo.
14:16Ayon naman sa Department of Agriculture, may oversupply ngayon ng manok.
14:21Sa price monitoring nila sa mga pamilihan sa Metro Manila kahapon,
14:25mahigit P200 pesos per kilo pa rin ang average price ng whole chicken.
14:34Thursday latest, may pasilip ang ilang kapuso star sa kanilang vitamin C as in dagat.
14:43Breathtaking ang bagong Instagram post ni Asia's multimedia star Alden Richards sa kanyang scuba diving experience.
14:50Ipinasilip din niya ang ilang sea creatures na nakasabay niya underwater.
14:55I'm overboard but I'm safe, sabi ni Alden sa caption ng kanyang clip na may pahabol pang hashtag amanpulo.
15:05Si Task Force Firewall star Miguel Tan Felix naman, nagshare ng snaps ng kanyang fishing trip.
15:11Kasama niya sa trip ang kapuso actress at girlfriend na si Isabel Ortega.
15:16Real good times ang caption ni Miguel sa kanyang post na hatid ay good vibes sa mga netizen.
15:25Nasunog ang isang paggawaan sa Subic Bay Freeport Zone kagabi.
15:28Apektado ng usok ang biyahe sa expressway.
15:32Balita natin ni EJ Gomez.
15:36Sa video ni U-Scooper Rexy Roan, nagtatakbuhang palabas ang ibang empleyado matapos sumiklabang sunog sa isang pasilidad sa loob
15:45ng Subic Bay Freeport Zone pasado alas 10 kagabi.
15:48Kuwento ni U-Scooper Rexy, nagmula umano ang apoy sa ground floor ng pasilidad at naamoy nila ang usok mula
15:54rito habang nasa ikalawang palapag.
15:57Kita rin ang naglalagablab na apoy sa video na ito sa pasilidad.
16:01U-Boost, pati-trap!
16:04Tulong-tulong sa pag-apula ng apoy ang Disaster Risk Reduction Management Office o DRRMO at mga bumbero ng Subic
16:11Bay Metropolitan Authority, Olongapo at Angeles at Lubaw sa Pampanga.
16:16Kinailangan gumamit ng aerial ladder ng mga bumbero para maapula ang apoy.
16:20May ilang traffic patrol ng SETEX naman ang nagmumonitor ng sitwasyon sa lugar, lalo't delikado sa mga motorista ang makapal
16:28na usok.
16:28Nang lumiwanag, mas nakita ang maitim at makapal na usok mula sa nasusunog na pabrika.
16:35Ilang sasakyanang na paminor mula sa Subic Freeport Expressway, patawid sa Subic Clark Tarlac Expressway.
16:41Ayon sa SBMA Fire, base sa kanilang huling tala, may dalawang tao ang nagtamu ng minor injuries.
16:47Isa raw dyan ay bumberong rumispondi sa sunog.
16:50Binigyan sila ng pangunang lunas.
16:52E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
17:02Ipinapapasura ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema,
17:06ang petisyong kumikustyon sa pasya ng impeachment court kaugnay sa bilang ng botong kailangan para makonvict si Vice President Sara
17:14Duterte.
17:14Ayon sa soldier na nagsisilbing abogado ng Senate Impeachment Court,
17:18na ayon ang pasya ng Senate Impeachment Court bilang tanging may kapangyarihang maglitis at magpasya sa lahat ng impeachment cases.
17:27Hindi raw dapat manghimasok ang Korte Suprema sa pangganap ng Senate Impeachment Court sa tungkulin at kapangyarihan nito batay sa
17:36konstitusyon.
17:38Pwede lang daw baliktarin ng Korte Suprema ang mga desisyon ng Impeachment Court kung malinaw at labis ang pangaabuso sa
17:46kapangyarihan nito.
17:47Piling ng soldier, hayaan ng Senate Impeachment Court na gawin ang tungkulin nito alinsunod sa konstitusyon para mapanatili ang balanse
17:55sa tatlong sangay ng gobyerno,
17:57ang executive, legislative at judiciary.
18:01Ang komento ng soldier ay sagot sa petisyon ni na Sen. Robin Padilla at Bonggo at partidong PDP laban kaugnay
18:08sa naging desisyon ng Senate Impeachment Court
18:11na maguhin ang basihan ng voting threshold alinsunod sa ilang kundisyon.
18:19Kaugnay sa napipintong pagpili ni Pangulong Bongbong Marcos ng susunod na Chief Justice ng Korte Suprema,
18:25kawasapin natin si Integrated Bar of the Philippines, President Attorney Alan Panolong.
18:29Magandang umaga at welcome po sa Baritang Hali.
18:33Ako magandang umaga, Rafi, at sa ating mga taga-subaybay sa ating programa.
18:38Apo, gaano po kahalaga yung gagawing pagpili ni Pangulong Bongbong Marcos ng susunod na Chief Justice sa mga panahon ito?
18:46Well, napakahalaga yung gagawing pag-appoint ni President Bongbong Marcos ng bagong Chief Justice
18:54kasi siya po yung magpo-provide ng liderato sa ating Korte Suprema.
18:59Alam naman po natin na ang ating Korte Suprema yung pinakamataas nating korte
19:05dito sa ating bansa na kung saan, kung meron po tayong gustong litisin,
19:13halimbawa, especially on constitutional issues, sila po yung magde-decide kung ano po yung kapalaran nito.
19:21So, ganun po kahalaga. Napakahalaga sa ating demokrasya, sa ating institusyon,
19:25dahil ito po yung last vanguard ng ating justice or justicia.
19:30Yung mga Duterte supporters, nananawagan na na-resolvahin na yung pending legal petitions
19:35para kinadating Pangulong Duterte at Senator Ronald Bato de la Rosa.
19:40Paano po ito dapat tugunan ng susunod na Chief Justice?
19:44Well, we hindi po natin masasabihan kasi we cannot speculate on how the next Chief Justice will handle this case.
19:54But essentially, it is also a judicial discretion.
19:57Ibig sabihin, nasa kanila po yan kung paano po nila iwewe yung relevance or yung importansya po
20:03ng mga petitions na pending po relative to yung cases ni former President Duterte at yung pong kayong Senator Bato.
20:12But at the end of the day, of course, the Supreme Court, especially the upcoming Chief Justice,
20:20knows the relevance and importance of this.
20:23Pero gaano ho kalaga na agad na itong ma-resol ba?
20:27Well, for one, it will settle the issue.
20:30So, yun ang pinaka-importante.
20:32Ano ba talaga?
20:34Pati ho kami na nagtatanong gaano ho ba?
20:37Ano ho ba talaga ang posisyon natin dito para po matapos na po yung issue?
20:41At yung pong mga procedural or yung mga available legal remedies ng mga parties,
20:47eh, they kind of fail po.
20:48So, mas mamuti ho pong ma-desisyonan na po ito para po ma-settle once and for all
20:55yung mga seeming legal issues na involved dito.
21:00Matanong na rin ho namin kayo, patungkol naman sa impeachment ni Vice President Duterte,
21:05ano po yung implication sa impeachment trial ngayong tumanggi yung unang witness ng defense
21:08na si Atty. Ralph Sarmiento?
21:13Ah, from an ordinary citizen, no, watching and monitoring the progress of the impeachment,
21:22isang malaking dagok yun.
21:25Eh, kasi unang-una, ito yung first supposed witness na ipapresent nila at biglang tumanggin, no?
21:32So, siguro, sa tingin ko, medyo may kakulangan sa coordination ng legal team,
21:38with all due respect to them, no, doon sa kanilang witness.
21:42So, malaki ang impact nito kasi ang iisipin ng mga nanonood is,
21:53baka, ano nga ito, nahihirapan sila maghanap ng titistigo para sa kanilang kliyente.
22:00Mm-hmm. Pero may epekto kaya ito sa mga Senator Judges?
22:06Ah, tingin ko wala naman po, no?
22:09Kasi unang-una is, hindi naman po nila didesisyonan yung kaso,
22:14batay lang po sa isang testigo ng isang witness.
22:17So, ito po yung mga usual po ito na nangyayari,
22:21na kung minsan merong witness na inakala natin, pwede natin ipresenta,
22:25pero at the end of the day, nung darating na yung panahon na ipapresenta natin,
22:29is biglang nagbago ang desisyon.
22:31So, natural naman po na nangyayari ito sa mga ordinaryong cases rin.
22:36Mm-hmm. Okay. Maraming salamat po sa oras na binahagin nyo po sa Balitang Hali.
22:42Maraming salamat po.
22:43Yan po si IBT President Atty. Alan Panolong.
22:52Namataan ang isang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa pagnanakaw na underwear lang ang suot sa General Santos City.
22:59Sa kuha ng CCTV sa barangay Cunel,
23:02malakad-lakad ang lalaki sa pagitan ng dalawang bahay noong gabi ng October 30.
23:07May nakasabit na bag at walya sa kanyang balikat at may bitbit na tsinelas.
23:11Sumilip ang lalaki sa isa sa mga bahay at umalis din kalaunan.
23:16Naniniwala ang Police Regional Office 12 na ang lalaking niyan din na naka-underwear ang nahulikam na nanloob sa isa
23:24pang bahay sa ibang barangay noong October 8.
23:2670,000 pesos na halaga ng alahas at gamit ang tinangay ng salarin noon.
23:31Hinala ng biktima, modus ng lalaki ang pagsusuot ng underwear para mabilis na makatakas.
23:37Patuloy siya ang tinutugis ng pulisya.
23:42Lumiit ang lamang ni Vice President Sara Duterte kay Naga City Mayor Lenny Rubredo sa isang hypothetical na pagtatapat ng
23:48dalawa sa presidential elections.
23:50Sa survey na ay sinagawa noong September 28 to October 4, 2026,
23:54tinanong ang respondents kung sino ang iboboto nila kina Duterte at Rubredo kung gagawin na ang presidential elections sa panahon
24:01yun.
24:0140% ang nagsabing iboboto nila si Duterte, habang 33% naman ang boboto raw kay Rubredo.
24:0826% ang undecided at 1% ang tumangging sumagot.
24:12Ayon sa Okta, panipis ng panipis ang agwat ng dalawang opisyal mula 11 points noong first quarter ng 2026,
24:19naging 9 points nitong second quarter, hanggang sa naging 7 points sa huling survey.
24:23Ang lumiliit na pagitan hindi raw dahil sa pagtas ng numero ni Rubredo,
24:27kundi dahil sa pagbaba ng numero ni Duterte.
24:30At ang nawawalang puntos daw mula kay Duterte, mukhang napupunta raw sa undecided.
24:35Ayon sa Okta Research, non-commissioned ang survey at napili nila na si Rubredo ang itapat sa bise
24:40dahil siya raw ang patuloy na may magagandang numero laban kay Duterte.
24:52Nagkasundo ang ating Department of Foreign Affairs at ang Chinese Foreign Ministry
24:55na panatilihin ang diplomasya sa ugnay ng Pilipinas at China.
24:59Kasunod niya ng palitan ng salita ng Chinese Embassy at ilang politiko sa Pilipinas.
25:03Malita hatid ni JP Soriano.
25:09Prangkahang nag-usap umano sa telepono si the Department of Foreign Affairs of DFA
25:13Secretary Teresa Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Yi ayon mismo sa DFA.
25:18Pero ininarawan ding constructive ang pag-uusap.
25:22Batay sa Chinese State News Agency na Xinhua,
25:25hinimok umano ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang Pilipinas
25:28na maging maingat sa paghawak ng maritime issues
25:31at magkaroon ng iisa at makatuwirang posisyon pagdating sa China policy.
25:37Partikular umano niyang binanggit ang mga politikong paulit-ulit na umaatake at naninira sa China
25:43dahil sa pansarili umanong interes at political prejudice.
25:47Walang pinangalanan sa ulat.
25:49Bago nito, ilang beses nang inalmahan ang China
25:52ang paninindigan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
25:56sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
25:59Sabi ng DFA,
26:01nagkasundo ang dalawang foreign ministers na panatilihin ang diplomasya at dialogue.
26:06Iwasan ang mga hakbang at pahayag na makapagpapalala ng tensyon
26:11at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan ng mapayapa at responsable.
26:17Napag-usapan din ang maritime issues
26:19pero nakatuon ito sa pagbabalik ng relasyon ng dalawang bansa sa dati.
26:23Binigyang diin din ang DFA na nananatiling committed ang Pilipinas
26:28sa maayos na relasyon sa China
26:30ng naaayon sa national interest at independent foreign policy ng Pilipinas.
26:36Natanong ang Malacan niyang,
26:38Umpisa na ba ang kasundoang ito na tigil na rin ang sagutan ng China at Pilipinas?
26:43Dapat nadadaan sa diplomasya.
26:46Pero hindi natin mapipigilan ang iba natin mga liderato
26:49na ang mandato ay ipagtanggol ang ating karapatan at ang interest natin sa West Philippine Sea.
26:55Ang nabuong kasundoan sa pagitan ng China at Pilipinas na ituloy lang
26:58ang diplomatic dialogue ng dalawang bansa na taon ilang araw bago ang nakaschedule na
27:03ASEAN Leaders at Related Meeting Summit dito sa Pilipinas.
27:07Nadadalohan ng mga pinakamakapangyarihan leader sa mundo gaya na US President Donald Trump.
27:11Pero wala rong indikasyon sa ngayon na pupuntahan ito ni Chinese President Xi Jinping.
27:16Sa ngayon, ang ikalawang pinakamatas na leader ng Communist Party ng People's Republic of China pa lang
27:22ang inaasahang dadalo.
27:24Ipinaabot na ng DFA kay Wang na inaabangan ito ni Pangulong Bongbong Marcos
27:29kapwa tiniyak ng dalawang opisyal na bibigyan ng kaukulang pag-asikaso
27:33ang mga leader sa kanilang pagdalo sa dalawang summit.
27:37JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
27:42Sa pamamagitan ng CCTV footage, pinabulaan na ng Bureau of Jail Management and Penology
27:47ang aligasyong nakalalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez.
27:52Sa video ngayon nirelease ng BGMP, makikitang nasa loob ng New Quezon City Jail Mail Dormitory
27:57si Romualdez na binabantayan ng isang jail guard.
28:00Base sa timestamp, nakunan ng video 10.38 ng umaga kahapon.
28:05Ayon sa BGMP, bahagyan ng schedule ng pagpapaaraw at pag-eksersize ng dating speaker.
28:10So, mailalim raw ang CCTV footage sa verification ng BGMP National Headquarters
28:15at lumabas na tuloy-tuloy ang recording sa loob ng tiitan.
28:19Wala rin ang movement na lumabas ng kulungan si Romualdez.
28:28Arestado ang dalawang unong hold-upper sa Dagupan, Pangasinan.
28:32Ayon sa pulisya, nagpapatrolya sila sa bahagi ng Karanglaan Road
28:36nang sitahin ang dalawang lalaking nakabonnet at sakay ng motosiklong walang plaka.
28:41Pumarurot paalis ang mga lalaki at na-corner sa bahagi ng AB Fernandez East.
28:47Nasa bat sa kanila ang mga patalim, wig at mapa kung saan nakalagay ang lokasyon
28:52ng target umano nilang looban.
28:54May nasamsam ding notebook na may nakasulat na hold up to walang kikilos ng masama.
29:01Pusibli raw na isasagawa pa lamang nila roon o noon ang krimen.
29:05Tumangging magbigay na pahayag ang mga suspect na nahaharap sa patong-patong na reklamo.
29:09Nakikipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa ibang hintilan ng pulisya
29:14para malaman kung may record ng pagnanakaw ang mga suspect.
29:21Para naman kay Defense Secretary Gibo Chudoro,
29:23hindi pwedeng pigilan ang mga nagsasalita ng katotohanan kaugnay sa West Philippine Sea.
29:29Rendahan ng katotohanan. Kalimutan na natin ang arbitral award.
29:34Yan ba ang gusto nila? Kasi let's relate this doon sa posisyon nila na shelved disputes.
29:43I mean, we're willing to do that if we get our rights.
29:49Kaso hindi, hindi ganun eh.
29:52So kung ako ang pinapatutsyadahan, nakikinig lang ako sa Presidente ng Republika ng Pilipinas.
29:58Hindi kay Wang Yi.
30:01Sinabi niya yan kasunod ng naging pahayag ng Chinese Embassy
30:04na ang mga politikong sumisira o mano sa pangalan ng China
30:07ang dahilan kung bakit hindi nakakatamasa ng mga Pilipinong benepisyo
30:10mula sa sariling exclusive economic zone.
30:13Dagdag ding Secretary Chudoro,
30:15kapakanan ng susunod na henerasyon ang isa sa mga rason
30:18kung bakit patuloy na ipinaglalaban ng gobyerno ng Pilipinas
30:21ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
30:25Nasawi ang isang lalaki matapos siyang sumabit at mahulog sa isang SUV sa Mandaluyong.
30:31Sinubukang pigilan ng biktima ang driver na tumangay umanosa
30:34ay binibenta niyang cellphone.
30:36Balitang hatiit ni Mark Salazar.
30:43Sa kuha ng dashcam ng isang sasakyan sa EDSA Southbound pa Ortigas noong linggo
30:49na hagip ang isang lalaking nakasabit sa isang SUV sa Outer Lane.
30:54Maya-maya nahulog sa gilid ng kalsada ang lalaki.
30:58Imbis suminto, humarurot palayo ang SUV.
31:01Ang lalaking nahulog ang 23-anyos na si Muhammad Sheikh Dugar.
31:06Pagdating ko sa emergency room, sinasaksyon na yung pasyente
31:11kasi bleeding, hemorrhage.
31:14Kinabukasan, ano na yun, akuma na.
31:17Hindi na makapagsalita.
31:19Nasawi si Muhammad.
31:20Ayon sa kanyang ina, nakipagkita umano si Muhammad at kanyang girlfriend na si Donalyn
31:25sa buyer nang ibinibenta nilang cellphone noong linggo.
31:29Pagdating sa meet-up place sa isang kainan sa Green Hills,
31:33nagkita sila ng buyer sa parking area.
31:36Sabi niya, hindi ako po walang parking.
31:39Sumakay na lang kayo.
31:40So sumakay sila.
31:41Yung lalaki, ang daming sinasabi, nililito-nililito si Muhammad.
31:49Pagkakuha ng cellphone, sinabi umano ng buyer na pupunta sila sa bangko
31:53at doon niya babayaran ang usapang P57,000.
31:58Pagdating sa bangko, pinababa umano ng buyer si Donalyn
32:02para ipaalis ang harang sa parking.
32:04Pero ayaw pa rin daw pumarada ng buyer kaya nagduda ang mga biktima
32:09at sinubukang bawiin ang cellphone.
32:12Bakit po kunin niyo?
32:13Sabi niya, ano ba tingin siya? Magbabayad naman ako eh.
32:16Sabi niya, huwag kang ganyan. May baril ako.
32:18Bumaba. Pagkababa, hinarangan niya.
32:20Oo, malaki mama eh. Mas times to sayo eh.
32:24Hinarangan niya.
32:25Why are di para ni makaano?
32:26Umatras pagka tatakas.
32:30Dahil dito, sumabit si Muhammad sa SUV mula Green Hills hanggang sa nakabitaw siya sa Edsa Ortigas.
32:37Ang dashcam footage, hawak na ng pulis siya pero hindi kita rito ang plaka ng SUV.
32:43Hindi malinaw.
32:44Pag sabi ko bakit hindi malinaw, kuha na eh.
32:47Dapat i-ganon yun.
32:49Sabi naman nila pa makipag-cooperate kayo sa MMDA.
32:54Nakikipagugnayan pa ang GMA News sa Mandaluyong Polis at MMDA pero wala pa silang tugon.
33:00Kosti siya ang sigaw ng pamilya at mga kaibigan ni Muhammad.
33:03Sumburong bigat na ginawa yung kuya namin sa walang karapatan yung gawin sa kanina.
33:13Yung batang yung mabait po, breadwinner.
33:16Tapos nagninegosyo po siya para sa pamilya niya.
33:19Pinapaaral niya yung isa niyang kapatid na yung bunso po.
33:23Wala na din silang papa.
33:24Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA News.
33:30Kinwestiyon ng Sandigan Bayan ang siguridad at guidelines ng BJMP Male Dormitory sa Quezon City
33:35kaugnay sa pananatili roon ni dating Speaker Martin Romualdez.
33:40May ulat on the spot si Maki Pulido.
33:42Maki?
33:43Sa pagbusisi ni Sandigan Bayan 3rd Division Chairperson Associate Justice Carl Iranda
33:49sa status ni dating Speaker Martin Romualdez ng humarap, si Jail Warden Maria Lourdes Passion.
33:55Lumabas na may personal assistant na kasama si Romualdez sa loob ng kulungan.
34:00Nagsimula raw ito mula ng maturnover si Romualdez sa BJMP Male Dormitory sa Quezon City noong Sepyembre.
34:07Tinanong si Miranda si Passion kung pinapayagan ba ito ng BJMP guidelines.
34:11Sabi ni Passion may prerogative ang mga warden lalo kung hindi mapunan ng BJMP
34:16ang personnel na kinakailangan ng isang TDL o Person Deprived of Liberty.
34:21Dagdag ni Passion pinayagan niya ito dahil sa assessment niya, hindi pa stable ang mental health ng kongresista.
34:28Sa ngayon, nasa regular cell na si Romualdez, inuokupahan niya ang cell dang ginamit ni dating Senator Bong Revilla.
34:35Wala pang masabi tungkol dito ang abogado ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo.
34:40Physically, sabi ni Medical Officer Dr. Henry Fabro, stable na si Romualdez.
34:45Hindi raw nagkaroon ng pagkakataong.
34:47Kinailangang itakbo siya sa ospital gamit ang ambulansya.
34:49Sabi ni Warden Passion, may 424 CCTV camera sa loob ng BJMP male dormitory pero sira ang sampu rito.
34:59Pero dahil walang decoder, putol-putol ang recording.
35:02Sabi tuloy ni Associate Justice Carl Miranda, security concern nito dahil ilang daan ang blind spots kung putol-putol ang
35:10recording ng CCTV.
35:12Maliban dyan, nakakabahala rin daw, sabi ni Justice Miranda, na iisa lang ang nagbumonitor sa bawat shift ng mga CCTV
35:19camera.
35:19Kaya ikulang ang BJMP personnel.
35:22Wala pa raw budget para mapalitan ang sirang CCTV.
35:25Kaya hinihiraw sila ng donasyon mula sa mga NGO.
35:29O, nasabi tuloy ni Associate Justice Miranda na, kaawa-awa naman ang BJMP.
35:34Pero giit ni Patron, gumagana ang mga CCTV camera sa mga lokasyon ni Romualdez.
35:39At mula naman daw, nung umupo siyang warden ng male dorm, ay hindi pa nagkaroon ng power interruption.
35:46Siniyak din ang BJMP na lahat ng mga sasakyan, papasok at palabas ng BJMP facility ay monitored.
35:53Giit ng abogado ni Romualdez na si Atty. Pajardo, makikita namang walang katotohanan ang mga aligasyong kumalat na nakakalabas si
36:01Romualdez ng detention facility.
36:03Napabahala raw ang kampo ni Romualdez dahil may tendency raw to inflame the public laban kay Romualdez.
36:09Ang kampo ni Romualdez nag-issue ng demand letter kay Montulfo, ang nagsulat ng Facebook post, na di umano'y
36:15nakakalabas si Romualdez sa kainang ambulansya.
36:18Ang demand nila, itigil ang publishing at sharing ng post, itigil ang mga insinuation na lumabas ang kongresisa ng New
36:26Quezon City Jail, at tanggalin o i-correct ang post.
36:29Pag-uusapan pa raw ng kampo ni Romualdez kung maghahain sila ng kaso.
36:33Inutusan ng korte si Warden Pashon na idala lahat ng BJMP records tulad ng visitor logs at mga CCTV recordings
36:41sa Lunes, November 9th.
36:43Connie?
36:43Maraming salamat, Maki Pulido.
36:51Halloween is not yet over sa GMA Prime action series na Task Force Firewall na nag-undercover sa kanilang Halloween
36:59costumes.
37:00Kasabay niyan ang pag-welcome sa special guest nila.
37:10Hindi nga nagpatinag ang peepop girl group na Born to Shine na Yumi na napanood sa episode ng Task Force
37:17Firewall kagabing.
37:18Hatawang Yumi sa kanilang performance sa isang event.
37:22Ano kaya ang magiging papel nila sa panibagong misyon ng Task Force?
37:26Yan ang dapat abangan mamaya sa GMA Prime pagkatapos ng The Master Cutter.
37:33Andaro patunayan ni Department of the Interior and Local Government Secretary John Vic Remulia
37:37na hindi totoo ang impormasyong nakakalabas ng kulungan si dating Speaker Martin Romualdez.
37:43Mayulat on the spot si June Veneracion.
37:45June?
37:47Kani sabi ni DIRD Secretary John Vic Remulia, meron silang kumpletong CCTV footage para patunayan
37:53na wala katotohanan ng kumakalat na ulat na nakalalabas ng kulungan si dating Speaker Martin Romualdez.
37:59Dahil hindi pwedeng ilabas sa publiko ang kuha ng mga CCTV camera ng Quezon City Jail Mail Dormitory
38:05ni Aya ni Remulia ang media ng panoorin ng mga ito kasama siya.
38:09Tisnis lang daw ang pinapakalat na impormasyon na nakalalabas ng kulungan si Romualdez
38:14na nakakulong dahil sa pagkakasangkot sa flood control scandal.
38:18Naka-medical confinement pa rin daw si Romualdez at sa pagkakaalam ni Remulia
38:22nabawasan na raw ang kongresisa ng 100 pounds sa loob ng isang taon.
38:26Tungkol naman sa isyo ng iligal na droga, sabi ni Remulia, ipa-plag na raw nila lahat ng shipment
38:31may allows kasulad ng pagkakasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency
38:35at Bureau of Customs sa mahigit isang bilong pisong siyabu.
38:39Gumagawa raw ng paraan ng mga sindikato para makahanap ng lugar
38:42para mag-smuggle ng droga papasok ng Pilipinas.
38:45Mahitpit daw kasi ang bantayan ngayon, hindi tulad noong nakarang administrasyon
38:49na nakakalusot daw ang droga, sabi ni Remulia.
38:52Patunay raw dito na noong 2019 at 2020,
38:57nasa 3,900 kg ang siyabu.
39:00Ngayon, 6,800 pesos per gram.
39:04Kumakyat ang presyo.
39:06Ang ibig sabihin, mababa raw ang supply.
39:09Alicier Connick.
39:10Maraming salamat, June Venerasyon.
39:14Arestado ang isa sa dalawang suspect na nanloob sa isang bahay
39:17sa barangay Greater Fairview sa Quezon City
39:19na bawi ang dalawang ninakaw na cellphone
39:21habang hindi na nakuha ang natangay na 50,000 pisong halaga
39:25ng mga alahas.
39:27Balitang hati ni James Agusti.
39:32Naglakad ang dalawang lalaki papalapit sa isang bahay
39:34sa barangay Greater Fairview, Quezon City.
39:37Matapos ang halos isat kalahating oras,
39:39nakunan sa CCTV ang paglabas ng dalawa.
39:42Nilooban na pala nila ang bahay.
39:44Ayon sa pulisya, walang tao noon sa bahay
39:46dahil nasa trabaho may-ari nito.
39:48Doon nagkaroon ng opportunity itong suspect natin
39:52na sirain yung lagayan ng aircon.
39:56Doon sitira talaga nila yung bakal
39:58para maka-entry sila doon sa loob ng bahay.
40:01Napansin niya dahil yung mismong aircon ng kwarto nila
40:05is nalaglag.
40:07Sa follow-up operation ng pulisya,
40:09na-aresto ang isa sa mga sospek.
40:11Nakuha mula sa 18-anyo sa lalaki
40:14ang ninakaw na dalawang cellphone.
40:16Bigo namang mabawi ang mga alahas
40:18na nagkakahalaga ng 50,000 pesos.
40:20Through doon sa tulong ng ating mga CCTV,
40:23yung backtracking natin.
40:27Doon itong mga sospek kasi is dati nang may mga kaso.
40:30At sa tulong din ng mga barangay natin,
40:34doon na-identify na itong mga sospek is
40:38same residente ng barangay.
40:43Dati nang nahuli ang sospek ng minoridad pa siya
40:46dahil din sa pagnanakaw.
40:47Aminado siya sa krimen.
40:49Nayaya lang po ako ng bargada.
40:51Humingi po ako ng kapatawaran po sa mga nagawa ko sa kanya.
40:54Sa kanila po dahil
40:57gawa lang din po ng kairapan.
41:00Kaya ako po nagawa yun.
41:02Sinampahan na ang sospek ng reklamong robbery.
41:04Patuli na tinutugis ang polisya ang kanyang kasabuan.
41:07James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
41:44Ang pagkapanalo na yan ng Democrats tinatawag na blue wave sa American politics.
41:49Makasaysayan din ang pagkapanalo ng Democrats
41:51dahil pitong states na traditional na Republicans
41:54ang na-flip o bumaliktad ngayong eleksyon.
41:57Ilan sa nakikitang dahilan ng pagkapanalo ng Democrats sa midterms
42:00ay ang tungkol sa usapin ng inflation,
42:03nagpapatuloy na gyera sa Iran,
42:05pagtataas ng taripa,
42:06at maging ang issue sa immigration.
42:09Sa isang pinaya-panayam,
42:10binati ni US President Donald Trump
42:12ang Democratic Party sa pagkapanalo
42:14at tanggap ang resulta ng midterms.
42:16Andaro siya makipagtulungan din sa Democrats.
42:2250 days before Christmas,
42:24may 55 new Santa Claus daw.
42:28Ho! Ho! Ho! Ho!
42:33Feliz Natal!
42:35Feliz Natal!
42:36O Portuguese ng Merry Christmas
42:38ang maagang body na mga bagong graduates
42:40ng isang Santa Claus school sa Rio de Janeiro, Brazil.
42:44Sila ang newest batch ng mahabang linya
42:47ng maygit 1,000 Papay Noel
42:50na nag-training doon mula pa 1993.
42:53Sabi ng isang graduate,
42:55nag-retire siya sa pagiging truck driver
42:57dahil sa kanyang kalusugan.
42:59At ngayon, handa na siyang mag-deliver
43:02ng Christmas magic sa ibang tao.
43:04Sabi ng director ng Santa Claus school,
43:07ipadadala sila sa mga mall,
43:09hospital, daycare center,
43:10at iba pang lugar para maghatid
43:13ng Yuletide gym.
43:16May Christmas makeover naman
43:18ang isang T-Rex display
43:20sa Natural History Museum sa London.
43:22Nakasweater at Santa hatang
43:24halos 15 feet tall na dinosaur.
43:27May bagong sweater kada taon
43:30ang itinuturing na star of the show
43:32ayon sa isang museum official.
43:35In festivatar ang dino
43:36hanggang January 7, 2027.
43:42At yan ang may init na balita ngayong tanghali.
43:45Ako po si Connie Cesar.
43:46Rafi Tima po.
43:47Kasama niyo rin po ako,
43:48Aubrey Caramper.
43:49Ito po ang GMA News.
43:50Walang kinikilingan,
43:51walang pinaprotektahan.
43:53Noon at ngayon,
43:53serbisyong totoo.
43:59Hepha incentive continue toegout.
44:00Malang pinapotes
44:01Malang pinapote
44:02Malang pinapote
44:03Beimpyang.
44:04Malang pinapote

Recommended