Skip to playerSkip to main content
Tatlong araw na lamang bago magbukas muli ang sesyon ng Kongreso na susundan ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos, parang kailan lamang nang halos hindi matiyak kung sino’ng senate president ang makakasama ng pangulo sa podium ng Batasan para sa SONA dahil sa agawan ng liderato.


Sa huling paksa ng Pre-SONA Series ng GMA News, talakayin natin ang mga pagtatalo sa pulitika, ugat nito, at epekto, at anong magagawa pa ng administrasyon?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:10Transcription by CastingWords
00:30Sa huling paksa ng ating Pre-Sonus Series, talakayin natin ang mga pagtatalo sa politika, ugat nito at epekto at
00:37anong magagawa pa ng administrasyon.
00:40Tutukan yan sa Special Report ni Ian Cruz.
00:46May habulan!
00:55Putukan!
00:57Iyakan!
01:00Di isa sa inyong nangangustan sa amin!
01:03Kantahan!
01:04Our country free!
01:10At mala Game of Thrones na rigodon sa liderato.
01:19Sa dami raw ng naganap ngayong taon sa Senado, biro ng ilan para ka nang nanood ng Senate Flicks.
01:26Pumasok ang taon na si Senador Tito Soto ang Senate President.
01:33Pero pagsapit ng Mayo, biglang sumulpot sa Senado si Senador Ronald Bato de la Rosa na ilang buwan ang nagtatago
01:42sa gitna ng arrest warrant na inisyo ng International Criminal Court.
01:47Ang pagdating ni Bato, naging susi para makuha ni Senador Alan Peter Cayetano ang Senate Presidency.
01:55There are now at least 13 members of the Senate who wish to have a leadership change.
02:03Alan Peter Schramm Cayetano.
02:05Hindi ko kayo sinisise kung sinasabi niyo sa news na ang pagpalit ng leadership ay tungkol sa impeachment.
02:11Hindi po.
02:12Pero dalawang araw lang, makalipas ng palit ni Derato, naging balang buong bayan sa sunod na nangyari.
02:28Nagkaroon ng sinog-sunod na pangkakot.
02:30Itatakuhan kami dahil malakas sa mga puto.
02:34Nangyari yan sa gitna ng pag-ugong, naarestuhin ng NBI si De La Rosa at nataon din sa araw ng
02:42pag-transmit sa Senado ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
02:49The Senate is under attack. Was under attack.
02:56Kasunod nito, si De La Rosa umalis sa Senado sa tulong ni Senador Robin Padilla.
03:10Opo, sasakyan ko po yan.
03:12Pero ilang linggo lang, matapos ang putukan, muling nabawasan ang hanay ni Nakayetano.
03:18Hindi ako matitinag saan naman panggigipit, pananakot, political maneuvering.
03:28Nang ipag-utos ng Sandingan Bayan, ang pag-aresto kay Senador Jingo Estrada sa kasong plunder,
03:35kaugnay sa kanya umunong pagtanggap ng kickbacks sa flood control skandal.
03:40Naging mitya ito nang muling pagpapalit ng liderato ng Senado,
03:44nang si Senador Chis Escudero, pumanib sa panig ni na Senador Win Gatchalian na naihalal bilang acting Senate President.
03:53Pero dahil sa kwestiyon sa korong, hindi kinilala ng grupo ni Kayetano ang liderato ni Gatchalian
04:00at ilang araw ding naging tanong, sino ba ang may kontrol sa Senado?
04:12Sa gitna ng bangayan ng dalawang panig, may mga nabimbing batas.
04:17Dahilan para magpatawag ng special session si Pangulong Marcos.
04:22At sa pagbubukas ng special session,
04:25buulaga ang paglipat-bakod naman ni Senador Joel Villanueva sa panig ni Gatchalian.
04:31Dahilan para formal siyang mailuklok bilang Senate President.
04:36Senator Shervin Gatchalian is declared Senate President of the Republic of the Philippines.
04:44Tapos na ang deadlock, pero hindi ang tensyon.
04:51Lalo ng arestohin din si Senador Rodante Marcoleta
04:54dahil sa mga tinanggap namang donasyon noong kongresista pa siya.
05:01Sa kabilayan ng pagtutol ng kanyang mga taga-suporta,
05:09ang bangayan tumawid hanggang sa pagpili
05:13ng magiging presiding officer ng impeachment court.
05:18Mas matindi ang nakataya,
05:20lalot ang nililitis na si Vice President Sara Duterte.
05:24Pero paano ba na uwi sa ganito
05:28ang administrasyong tumakbo sa plataforma ng pagkakaisa?
05:35Ayon sa political analyst si Professor Julio Tijanqui,
05:40malaki ang epekto ng pagkalas ng vice sa administrasyon noong 2024
05:45na lalong naramdaman sa 2025 midterm senatorial elections.
05:50Dahil nga nagkaroon ng split ang uni-team alliance ng Marcos at Duterte,
05:57medyo humina at for the first time in a long while,
06:04natalo ang administration coalition at kinapos sila sa numero.
06:10Ayon kay Tijanqui, may tila alas na naggamit ang palasyo.
06:16Halos kalahati ng Senado ngayon ay politically compromised.
06:21May mga asunto na nakaambasa kanila.
06:27Do you think may kinalaman ba ang impeachment trial ni VP Sara
06:31kung bakit talagang ganun na lang?
06:33Parang merong talagang laban ng matindi sa Senate leadership?
06:36Oh yes, oo.
06:37Kasi kung sino ang Pangulo ng Senado ay may control din sa agenda ng impeachment trial.
06:45Pero giit ng palasyo, walang kinalaman si Pangulong Bongbong Marcos
06:49kahit sa palitan ng liderato sa Senado na nangyari sa special session.
06:54Ayaw niya agad mang himasok kasi nga may run tayong separation of powers.
06:59Nagpatawag ng session.
07:02Dahil yun naman ang hiniling.
07:03Binigyan po kasi ng pagkakataon ng Pangulo na sila-sila mismo ang umayos ng kanilang problema.
07:09Sabi ng palasyo, sadyang may mga nagpapagulo lang ng politika.
07:15Yung gulo na to, nakaka-apekto to sa ekonomi niya eh.
07:19Yung gulo na dulot nila, kapag nakaka-apekto to sa ekonomi niya,
07:23isisisi na naman nila to sa Pangulo.
07:26Para naman sa kasalukuyang liderato ng Senado.
07:29Right now, we need to build trust, but not only me, but lahat kami.
07:34Both sides, majority and minority.
07:37Everyone wants to move forward.
07:39At alam rin nila na hindi rin maganda para sa imahe ng Senador na maraming bangayan, maraming politika.
07:49Tingin ni Tihanki, ang gulo sa politika ay hindi na lang tungkol sa termino ng Administrasyong Marcos.
07:56Ang major driver dito ay siyempre kung sino ang may advantage din sa dadating na electoral cycle sa 2028.
08:06Magkakaroon to ng implikasyon, hindi lamang kung sino ang uupong Pangulo sa 2028.
08:13May dalawang taon pa sa pwesto si Pangulong Marcos.
08:16Sa gitna ng mas mataas na rating ni Vice President Uterte kumpara sa kanya,
08:21sabi ng eksperto, kailangang makapaglatag ang pangulo ng mga programang pabago sa pagtingin sa kanya ng publiko.
08:30At ang mga dati nang ipinangako,
08:34Mahiyang naman kayo!
08:36kailangang matupad niya.
08:38Kailangan niyang ipakita na siya ay in control at i-consolidate din niya ang kanyang political coalition,
08:48political alliances.
08:50Meron naman mga specific na policy at mga political action na pwede niyang gawin para makabawi siya.
08:59Or else, pag hindi niya nagawa ito, pagiging lame duck na siya.
09:04Ian Cruz Nakatuto 24 Horas
Comments

Recommended