Skip to playerSkip to main content
Buhay na buhay ang mga pelikulang Pilipino, kabilang ang mga tumatalakay sa iba’t ibang isyu ng lipunan. Syempre, bumibida diyan ang ilang Kapuso star!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Happy Wednesday, chikahan mga kapuso!
00:06Buhay na buhay ang mga pelikulang Pilipino,
00:08kabilang ang mga tumatalakay sa iba't ibang issue ng lipunan.
00:12At syempre, bumibida dyan ang ilang kapuso star.
00:16Makichika kay Aubrey Carampel.
00:21Full of gratitude si Asia's multimedia star Alden Richards,
00:25dahil ang kanyang directorial debut film na Out of Order,
00:28nag-number one trending movie in the Philippines
00:30sa online streaming platform na Netflix.
00:38Very proud si Alden sa movie,
00:40na tumatalakay sa paghahanap ng katotohanan at hustisya.
00:45Bukod sa siya rin ang director, siya rin ang bumida at nag-produce nito.
00:50This just fuels me to do more films as a director.
00:53And maraming salamat po kasi parang,
00:56of course, to all my supporters and to everyone who believes in me,
00:59sana, I did not fail you with this.
01:01Pinag-iisipan na raw ni Alden ang gagawing next movie.
01:05Sa November, kalahok din ang Out of Order sa Jagran Film Festival sa India.
01:11Buhay na ako, babay!
01:12Bida naman si Sparkle star Clea Pineda sa Cinemalaya 2025 entry na Open Endings.
01:19Sa Gala Screening, sinabi ng cast na umaasa silang magpapalaganap pa ng awareness ang pelikula
01:25tungkol sa iba't ibang ipinaglalaban ng LGBTQIA plus community.
01:31Kasama ni Clea sa pelikula,
01:33sina Jasmine Curtis-Smith,
01:34Lian Mamonong at ang nalilink sa kanyang si Janela Salvador.
01:37Na kahit konti lang yung oras na pagsasama namin,
01:42ang galing kasi friends agad kami.
01:44Actually, right after audition, right after chemistry test.
01:46Chemistry test!
01:47Yes!
01:47Doon na namin na feel na,
01:49oh, may chemistry kami tatapag.
01:52I will lead this nation into prosperity.
01:55Bumalik sa nakaraan para mas maunawaan ang kasalukuyan.
02:00Isa lang daw ito sa goal ng pelikulang Quezon
02:03na tungkol sa buhay ng bayani
02:05at dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.
02:09Historical film man,
02:11very relevant pa rin daw ang pelikula
02:13lalo na sa nangyayari ngayon sa ating bansa.
02:17Kasama sa cast ang Sparkle Stars
02:19na sina Benjamin Alves
02:20na gaganap bilang young Quezon.
02:23At si Therese Malvar
02:24as young filmmaker na si Nadia Hernando.
02:28May blueprint ng isang bayani.
02:30Meron tayong mga kriteriya
02:31na sana makita nyo sa pelikula na ito
02:34na magagamit nyo.
02:36Magagamit natin lahat.
02:38And the next time we get
02:40the privilege and the right to choose our leaders.
02:44Ano ba yung dapat nilang gawin para sa atin?
02:47Hindi lang yung sapat na ginagawa nila.
02:49Kailangan they have to really serve
02:50and go above and beyond
02:51and hopefully they see it here in this movie.
02:53Napaka-important at relevant ngayon yung Quezon
02:56para talagang isipin natin
02:58tama ba yung mga nilalagay natin
02:59sa pwesto ngayon
03:02and yun, para maging critical voters rin tayo
03:05sa next na election.
03:06Aubrey Carampel, updated sa showbiz sa Pening.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended