00:00Hanggang sa kanyang state visit sa India,
00:03tinanong si Pangulong Bongbong Marcos ng Indian Media
00:07tungkol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:12Iginiit niyang maliit lang ang papel niya roon
00:14at siya ay isang interesadong tagapagmasid lang.
00:19Live mula roon, nakatutok si Salima.
00:21Salima?
00:26Mel, namaskar dyan sa inyo sa Pilipinas.
00:28Alas 4.30 na ng hapon dito sa Bengaluru sa India
00:32kung saan nga pinagpapatuloy ni Pangulong Bongbong Marcos
00:35ang kanyang state visit dito sa India.
00:38Pero bago umalis ng New Delhi, nagkomento ang Pangulo
00:41tungkol nga sa in-archive na impeachment complaint
00:43laban kay Vice President Sara Duterte
00:45at sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
00:52Sa panayam ng Indian program na First Post,
00:55tinanong ang Pangulong Bongbong Marcos
00:57kung suportado ba niya ang impeachment
00:59ni Vice President Sara Duterte.
01:01Tinanong rin ang Pangulo kung naniniwala siyang may kakayanan
01:29si VP Duterte na isagawa ang isang assassination plot
01:33laban sa kanya.
01:34The charge against her to hatch an assassination plot,
01:37you've worked with her.
01:37Do you think she's capable of something like that?
01:39I don't know.
01:41You know, but I'm really not in a position to say what that's about.
01:49But you have to be careful.
01:55But then, you know, in my position, there always is some kind of threat.
02:01And we take them all very seriously.
02:04Sa harap naman ng mga negosyante, mambabatas, akademya,
02:07at mga miyembro ng Observer Research Foundation sa New Delhi,
02:11sinabi ng Pangulo na may mga pilit na pinapalabnawang usapin
02:15ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
02:33Walang tinukoy na bansa o personalidad ng Pangulo,
02:36pero gumagamit raw ito ng maling impormasyon
02:39at nagpapalaganap ng sariling naratibo.
02:42Ayon pa sa Pangulo, kailangan rao na aayon ang mga claim
02:46o pag-aangking ito sa itinakda ng international law,
02:49tulad na lang ng sa umklos at sa 2016 arbitral ruling.
03:12Malaki ang maya ang bag ng ugnayan ng Pilipinas at India rito.
03:18Bago tumulak pa India,
03:19nagtapos ang Joint Maritime Cooperation Drills
03:22ng Pilipinas at India sa West Philippine Sea at South China Sea.
03:27Lumipad naman ang Pangulo at ang kanyang delegasyon
03:29pa Bengaluru o Silicon Valley ng India
03:31para sa bahagi ng kanyang stake visit sa India.
03:34Agad sumabak ang Pangulo sa mga pulong sa mga negosyante
03:38at mga kumpanya sa larangan ng teknolohiya,
03:40kalusugan at pharmaceuticals.
03:43Samantala, humarap rin ang Pangulo at ilang miyembro
03:45ng kanyang gabinete sa Philippines India Business Forum.
03:49Labing walong business agreements sa pagitan ng Pilipinas
03:52at mga Indian companies ang tinirmahan
03:53sa kasagsagan ng stake visit ng Pangulo sa India.
03:57Mel, mamayang gabi nga ay makakapulong ng Pangulo
04:05ang gobernador ng Karnataka.
04:07Ito yung estado nga nakakasakop dito sa Bengaluru
04:10bago siya dumalo sa banquet dinner na inihanda para sa kanya.
04:14At yan muna ang latest mula nga dito sa Bengaluru sa India.
04:18Mel.
04:18Maraming salamat sa iyo sa Lima Refran.
Comments