Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Muling nagsanay ang mga sundalong Pilipino sa paggamit ng iba't ibang missile system. Kabilang diyan ang high mobility rocket system ng Amerika na kayang tamaan ang target na may layong sampung kilometro.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling nagsanay ang mga sundalong Pilipino sa paggamit ng iba't ibang missile system.
00:06Kabilang dyan, ang High Mobility Rocket System ng Amerika na kayang tamaan ang target na may layong 10 km.
00:14Nakatutok si Chino Gaston.
00:2021 missile ang sunod-sunod na pinakawalan mula sa High Mobility Artillery Rocket System o HIMARS ng US Army
00:27bilang bahagi ng Salaknib 2025 Exercises sa Palayan, Nueva Ecija.
00:35Ang target, isang bundok na may higit 10 km ang layo.
00:39Halos 50 sundalo ng Philippine Army ang nagsilbing forward observers para magbigay ng feedback kung tumama nga ang mga raket.
00:49Higit isang taon ang nagsasanay ang mga sundalo ng Philippine Army sa paggamit ng HIMARS na itinuturing ng isang modernong sandata
00:56na kailangan para itaguyod ang seguridad at soberenya ng bansa.
01:00Here we have on our observation point 46 Filipino forward observers and we also have the Philippine MLR regiment out here with us today that are training on the HIMARS.
01:11They're absolutely ready to use the HIMARS system. They are going to continue training with us.
01:17This exercise will help us improve our long-range precision shooting skills and ensure that our forces can work together to protect our sovereignty.
01:30Bukod sa HIMARS, nagsasanay din ang Philippine Army sa paggamit ng Typhoon Medium Range Capability Missile System
01:40at pinag-aaralan din ang pagbili ng Brahmos Medium Range Missiles na nauna nang na-deliver sa Philippine Marines.
01:47Dalawang battery o grupo ng mga Pilipinong sundalo ang nagsanay na sa paggamit ng HIMARS rocket system ng US Army.
01:55Bilang paghahanda sa panahong handa na ang Philippine Army na bumili ng mga sandata gaya nito para idipensa ang ating bansa.
02:04Para sa GMA Integrated News, sino gastong nakatutok 24 oras?

Recommended