Skip to playerSkip to main content
Sa Quezon city, pinabagsak ng hangin ang isang puno at bahagi ng isang billboard. Dalawa ang sugatan dahil diyan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Quezon City, pinabagsak ng hangin ang isang puno at bahagi ng isang billboard.
00:06Dalawa ang sugatan dahil dyan. At nakatutok si Chino Gaston.
00:13Umaga kanina ng maramdaman ang malalakas na hangin at ulan sa Quezon City.
00:20May ilang sumilong sa isang simbahan, pero pinasok pa rin doon ng tubig.
00:30Sa Katipunan Avenue, may bumagsak pang bahagi ng electronic billboard matapos tangayin ng malakas na hangin.
00:37Nasira tuloy ang likurang bumper ng nabagsakan nitong sasakyan.
00:41May nagkalat pang yero sa kalsada. Tinamaan yan ang isang motorcycle taxi rider at kanyang pasahero.
00:48Agad silang nilapatan ng pangunang lunas at dinala sa ospital.
00:52Bagaman ayaw magbigay ng pahayag sa media, nangako ang building management kung saan nakakabit ang billboard
00:58na tutulong sa pagpapagamot ng mga biktima.
01:05Bukod sa mga nasugatang individual, may nasira ring solar panel na nakakabit sa Katipunan flyover
01:11matapos tamaan ng nahulog ng mga yero.
01:15Isinara muna ng QCPD Traffic Division ang southbound lane ng Katipunan Service Road
01:20maging ang Esteban Abada na lagusan mula Xavierville Avenue para maiwasan na ang iba pang aksidente.
01:27Nirecommend po natin ng closure kasi sa preventive measure po natin
01:33just in case may bumagsak at is wala tayong matatamaan na tao o sasakyan.
01:38Temporary lang po ito until such time na ma-insure natin na safe na po itong lugar.
01:42Isang malaking puno naman ng kaimito ang bumagsak sa K1st Street sa barangay Kamuning
01:50sa kasagsaga ng malakas na ulan kagabi.
01:53May nadaganan niyang poste ng kuryente at telco kaya nawala ng kuryente sa lugar.
01:59Inabot ng kalahating araw ang pag-chainsaw at pagtanggal ng nabual na puno
02:04na hinarangan din ang buong kalsada.
02:07Ayon sa Quezon City Government, umabot sa higit 8,000 pamilya
02:11na nakatira malapit sa mga sapat-ilog ang pinalikas sa mga evacuation center ng lungsod.
02:17Pinauwi din sila kalaunan matapos humupa ang baha.
02:20Umabot po kami ng 616 combined of two evacuation centers
02:25which is the Dalupan Elementary School na meron pong 99 na evacuaries
02:30samantalang dito po sa San Francisco Elementary School ay meron pong 517 evacuaries po.
02:35Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
02:41At kaugnay ng bumagsak na LED billboard, humingi na ng paumanhin ang kumpanyang nagmamay-arin yan.
02:49Nakipag-ugnayan na sila sa tinamaang motorista para mabigyan ng tulong medikal at iba pang pag-alalay.
02:56Sasagutin nila yan, gayon din ang danyo sa sasakyan.
02:59Isolated umano ito pero sinuspindi na rin ang operasyon ng LED billboard habang iniimbestigahan ang nangyari.
03:11Isolated umano ito?
03:12Isolated umano ito but some reason.
03:13Isolated umano ito but some reason the
Be the first to comment
Add your comment

Recommended