Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Ano ang mahahalagang nangyari sa ikawalong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Balikan ang mga highlights at pangunahing detalye sa UH Summary. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, sa bilis ng mga balita, bawal maiwan.
00:03Kaya ang pinakamahalagang detalye ay bibigay namin sa loob ng ilang minuto dito sa UH Summary.
00:11Narito po ang mga pinakamahalagang detalye sa Day 8 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:18In summary, kahapon po sumalang po bilang testigo si NBI Director Atty. Melvin Matibag sa impeachment trial.
00:25Ayon kay Matibag, ang mga sinabi ng Bisse laban sa Pangulo, Unang Gina at dating House Speaker,
00:31itinuturing daw ng NBI bilang serious, active at continuing.
00:37Inihambing naman ang prosekusyon ang naging pahayag ni Vice President Duterte
00:40sa isang naunang pahayag ng kanyang kapatid na si Mayor Baste Duterte
00:45na binanggit sa isang broadcast video ng Rage Coalition Rally.
00:49Kinwestyo naman ang depensa ang halaga at kaugnayan ng paghahambing na ito
00:54at iginiit na ang mga pahayag ni Mayor Baste Duterte
00:58ay hindi maaaring otomatikong iugnay kay Vice President Sara Duterte.
01:02Binasarin po kahapon ang kopya ng salaysay ni Arturo Lascañas,
01:06ang nagpakilalang dating hitman ng Davao Death Squad.
01:09Tinutulan ang depensa ang pagbasa nito, ngunit pinayagan din ito na impeachment court.
01:15Ang prosekusyon ipinakita ang anilay pattern of violence ni Duterte.
01:19Ipinalabas nila ang video ng pananapak ni Vice President Duterte sa isang court sheriff.
01:24Inilabas ang footage upang bigyan ng konteksto ang testimonya ng mga testigo
01:29at iba pang ebidensyang isinumiti.
01:31Kinwestyo ng depensa ang kahalagahan at interpretasyon ng naturang video.
01:37Ang NBI sinabing may persons of interest na kaugnay sa kung sino ang kinausap umano
01:43ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pahayag laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:47Ayon kay Atty. Matibag, 100% sure siya na mayroong nakausap ang Vice Presidente
01:53para gawin ang mga nasabing banta pero tumanggi siyang pangalanan ang mga ito
01:58dahil patuloy daw ang investigasyon at kailangan nilang protektahan ang kanilang mga impormante.
02:04Samantala, tinawag ng depensa na hearsay o hindi direktang ebidensya
02:08ang ilang bahagi ng testimonya ni NBI Director Melvin Matibag
02:12dahil umano'y nakabatay lamang ito sa mga ulat at impormasyong ibinigay ng iba
02:18at hindi sa kanyang personal na kaalaman o aktwal na nasaksihan.
02:24Pinalungkat din ang depensa ang kaugnaya ng asawa ni NBI Director Melvin Matibag
02:28na si Ann Matibag sa impeachment proceedings.
02:31Kinwestiyon ng depensa kung maaari bang magkaroon ng bias o conflict of interest
02:36sa naging papel ni Atty. Melvin Matibag sa investigasyon
02:39dahil si Representative Ann Matibag ay kabilang sa mga mambabatas
02:43na may kaugnayan sa proseso na impeachment.
02:47Ipinunto naman ni Santa Rafi Tulfo sa impeachment trial
02:50ang warrantless arrest na isinagawa ng NBI laban kay Ronel Mas
02:54matapos itong magbanta-umano kay former President Rodrigo Duterte.
02:59Itinanong ni Senator Tulfo kung bakit nagkaroon ng agarang pag-aresto sa kasong iyon
03:03kumpara sa naging paghawak ng NBI sa investigasyon
03:07kaugnay ng mga kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte.
03:12Ipagpapatuloy po na impeachment court ang cross-examination ng depensa
03:15kay Atty. Melvin Matibag ngayon pong araw, July 22
03:17at itinakda naman ang Senado ang susunod na trial date sa July 29
03:22upang ipagpatuloy ang impeachment proceedings.
03:26Yan po ang mga halagang punto sa impeachment trial
03:28kay Vice Presidente Sara Duterte.
03:31Ito po si Maris para sa UH Summary.
03:35Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:39Bakit? Mag-subscribe ka na dali na
03:41para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:45I-follow mo na rin ang official social media pages
03:47ng unang hirit.
03:49Salamat ka puso!
Comments

Recommended