Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Ang mahahalagang nangyari sa ikaapat na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, UH Summary.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, sa bilis na mga balita, bawal pong maiwan.
00:03Kaya ang pinakamahalagang detali ay bibigay namin sa loob ng ilang minuto dito sa UH Summary.
00:12Narito po ang mga naganap sa Day 4 na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:18In summary, iniharap po ng prosekusyon bilang ikalawang testigo si NBI Regional Director Attorney Jeremy Lotok
00:25upang magbigay ng testimonya kaugnay ng Article 4 ng Articles of Impeachment.
00:30Ipinakita rin po sa impeachment trial ang video ng umano'y pagwabanta ni Vice President Sara Duterte
00:36laban kinapangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Lisa Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Ramualdez.
00:43Sinita naman ang depensa si Prosecution Council Attorney Amando Ligutan matapos itong gumamit ng wikang waray
00:50sa pakikipag-usap sa testigo si Attorney Lotok.
00:53Iginiit ng depensa na dapat sa Filipino o Ingles lamang isagawa ang pagtatanong upang matiyak
00:59na nauunawaan ng lahat at ng Senado bilang impeachment court ang mga pahayag sa pagdinig.
01:05Kinumpirma rin kahapon ni Attorney Lotok na dalawang beses naglabas ng sabpina ang NBI
01:10sa Vice Kaugnay na investigasyon sa kanyang mga naging pahayag noong November 2024.
01:15Sabi pa niya, bahagi ito ng due process upang bigyan ang Vice Presidente
01:19ng pagkakataong magpaliwanag bago maghain ang NBI na reklamang grave threats
01:24at inciting to sedition sa Department of Justice.
01:27Sinabi rin ni Attorney Lotok na nagpadala sila ng sulat noong December 2, 2024
01:32upang imbitahan si Vice Presidente Sara Duterte sa isang investigasyon kaugnay ng kanyang mga pahayag
01:37tungkol sa manoy banta sa kanyang buhay.
01:41Itinanggi naman ng depensa ang alegasyong kumontrata si Vice Presidente Sara Duterte ng isang hitman.
01:47Ayon sa defense panel, nabigo ang prosekusyon na magharap ng direktang ebedensya
01:51na nagpapatunay sa naturang paratang.
01:54Iginiit din ang depensa na ang mga pahayag ng Vice Presidente noong November 2024
01:59ay hindi sapat na patunay na mayroon siyang aktual na kinontratang assassin.
02:05Hinimay din ang depensa ang investigation data form ng NBI
02:10matapos mapansing may manual marking ang Department of Justice received stamp sa dokumento.
02:15Ayon sa defense panel, mahalagang linawin kung kailan talaga natanggap ang dokumento.
02:20Hinighlight ang depensa ang mga discrepancies sa investigation data form
02:24gaya ng receive dates at docket numbers.
02:27Mga pagkakamaling ayon sa testigong si Atty. Lotok, DOJ lamang ang makakasagot.
02:32Inihayag din po ng depensa kahapon na maaari sila magharap ng mga testigo
02:37upang patunayan ang umunoy Operation Romanov
02:39na ayon sa kanila ay isang planong nagbanta sa kaligtasan ni Vice Presidente Sara Duterte at sa kanyang pamilya.
02:47Sa cross-examination naman po, tinanong ni Defense Council Attorney Mark Vinluan, si Atty. Lotok,
02:52kung mayroong bias ang isinagawa ang investigasyon ng NBI,
02:55tawag na yun ang mga pahayag ni Vice Presidente Sara Duterte.
02:58Iginiit naman ni Atty. Lotok na isinagawa ng NBI ang kanilang trabaho
03:02alinsunod sa batas at sa itinakdang proseso.
03:06Sa lunes, July 20, inaasahan na manghaharap na bilang witness,
03:10si NBI Director Melvin Matibag.
03:12Mamaya po, muling maghaharap ang defense at prosecution teams
03:16para sa ikalimang araw na impeachment trial sa Senado.
03:20Mga kapuso, yan po ang mga mahalagang punto kahapon sa impeachment trial.
03:24Ito po si Mariz Umali para sa UH Summary.
03:28Wait! Wait, wait, wait!
03:30Wait lang! Huwag mo muna i-close.
03:33Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
03:37para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
03:40I-follow mo na rin ang official social media pages na ang unang hirit.
03:45Thank you! O sige na!
03:46Thank you!
03:47Thank you!
03:47Thank you!
Comments

Recommended