00:00Good morning, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:11Sinusuyod ng mga otoridad ang Marilau River sa San Jose Dalmonte, Bulacan
00:15para hanapin ang apat na kabataang tumalon sa gitna ng malakas na ragasan ng tubig.
00:22Ayon sa barangay, sinaway nila ang mga kabataang naliligo nang makita ang mga ito pero bumalik muli.
00:28Nagpapaligsahan umano ang mga kabataan sa kung paano makakatawid sa rumaragasang ilog.
00:35Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:42Sa kasagsagan ng malakas na ragasan ng tubig sa Marilau River sa San Jose Dalmonte, Bulacan itong lunes,
00:48sinaway sa paliligo ng mga tanod ng barangay Gaya-Gaya ang mga kabataang nasa pampang ng ilog.
00:55Animo'y naghihintay ng tamang pagkakataon para muling mag-swimming sa rumaragasang ilog.
01:01Sumunod naman ang mga bata.
01:05Pero makalipas ang ilang sandali, muling bumalik ang ilang kabataan.
01:09Walang takot na tumalon sa ilog kahit napakalakas ng agos.
01:16Kaya pakikpit po namin, kaya lang sadya pong matitigas din yung ulo ng mga bata.
01:24Nagagalit pa nga po.
01:26Nagpapaligsahan sila kung paano makakatawid.
01:29Na talagang para sa kanila isang laro lang yun.
01:32Yung pong nakita niyo sa video na limang mga bata ay lahat po yun nakatawid.
01:36Minsan may nagsalita pa doon, anong pakialam niyo sa amin?
01:40So ganoon po.
01:41So ngayon nagtawag pa kami ng ibang mga tanod para matulungan po kami na mapaalis sila.
01:46Hindi na kunaan ng video,
01:48pero may apat paumanong kabataang magkakahiwalay na tumalon
01:51sa iba't ibang bahagi ng nasabing ilog noong araw na yun.
01:55Pero inano daw ng malakas na agos ng tubig at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.
02:00Kabilang dyan ang 13 anyos na taga barangay Gaya-Gaya na si Ron Jean Alciso
02:05na kagagaling lang sa Takloban.
02:08Ayon sa barangay, sinuyod nila ang magkabilang pampang ng ilog na sakop ng barangay Gaya-Gaya
02:14pero hindi pa rin makita.
02:16Maging ang tatlo sa apat na kinilala ng barangay.
02:19So sa ngayon po ay missing pa siya.
02:22Although maghapon po kahapon ang search and rescue
02:27nakarating po hanggang kabilang bayan ng Bulacan which is Marilaw
02:33pero wala pa po kaming nakita so far.
02:38Ang mga magulang ni Ron Jean, labis-labis na ang pag-aalala.
02:42Hindi ko nga pa matanggap lalo hindi ko pa po siya nakikita eh.
02:45Dapat oras na ako lang mag-isa, naisip ko bakit nangyari yun.
02:50Taka kung sana nga dapat hindi na lang muna dumiretso dito,
02:54doon na lang sa Maynila para rin kasama namin.
02:57Ako na lang po sana kinukuha, wag lang po yung anak ko.
03:00Ako na lang.
03:01Yung anak ko kasi may ano pa yun eh, may kinabugasan pa yun eh.
03:04Sa ripra po na ito sa baba ng bakal na tulay dito po sa barangay Gaya-Gaya
03:09pinaniniwala ang tumalon niyong isa sa mga biktima.
03:12Ayon po sa barangay, ito pong ilog na ito eh talagang pinaliligoan ng mga residente tuwing normal na araw.
03:19Pero kapag bumuhos na po ang malakas na ulan, lubha na po itong mapanganib
03:23dahil lumalakas ang ragasa ng tubig at lumalalim po ang ilog.
03:27Pakibantayan po ang inyong mga anak ano?
03:29At pagsabihan na pagka po mga kasagsagan ng ulan, wag pong sumabay ng pangliligo
03:34dahil napakadelikado po ng ilog na yan.
03:37Nananawagan ang barangay at ang mga kaanak ng mga bata, ipagbigay alam sa kanila
03:42kung namataan ang mga batang ito sa Marilao River.
03:46Magpapatuloy naman ang rescue operation sa bahagi ng ilog na sakop na ng Marilao
03:50kung saan pinaniniwala ang inanod ang mga biktima.
03:54Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
03:57At kakatanggap lang po na balita, may nakitang labi sa bahagi ng barangay Parada
04:03sa Santa Maria, Bulacan.
04:05Ayon sa San Jose del Monte Disaster Risk Reduction and Management Office,
04:10hinihintay pa nila ang pamilya ng apat nakabataang pinagahanap
04:14para ma-verify kung kaanak nila ang natagpuan.
Comments