- 12 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Wala pang pinal na halaga pero tiyak nang magkakaroon ng rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Energy Department.
Sa gitna niyan, may dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong Abril. Hindi pa raw 'yan dahil sa epekto ng mahal na petrolyo, kundi dahil pa lang sa pagtaas ng generation charge bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar.
Tuloy ang panaghoy ng iba't ibang sektor, kabilang ang mga magsasaka sa Ifugao na nanawagang magtakda ang gobyerno ng minimum price sa kanilang ibinabagsak na gulay sa trading post.
Sa sektor ng transportasyon, may mga inilatag na hakbang ang gobyerno gaya ng service contracting program. Pero may mga transport group na inaalmahan 'yan.
Panuorin ang report.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Sa gitna niyan, may dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong Abril. Hindi pa raw 'yan dahil sa epekto ng mahal na petrolyo, kundi dahil pa lang sa pagtaas ng generation charge bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar.
Tuloy ang panaghoy ng iba't ibang sektor, kabilang ang mga magsasaka sa Ifugao na nanawagang magtakda ang gobyerno ng minimum price sa kanilang ibinabagsak na gulay sa trading post.
Sa sektor ng transportasyon, may mga inilatag na hakbang ang gobyerno gaya ng service contracting program. Pero may mga transport group na inaalmahan 'yan.
Panuorin ang report.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi pa man umaarangkada, may pag-alma na agad ang ilang transport group sa service contracting program ng gobyerno.
00:09Para kasi mamonitor ang biyake ng mga lalahok na chuper, kakailanganin ng Global Positioning System o GPS na sila na
00:17naman daw ang gagastos.
00:19Nakatutok live si Salima Rebran. Salima!
00:26Mel, Emil, mababa nga ang pasahe at agapay sa mga driver sa gitna ng taas presyo ng langis.
00:32Yan ang hangad ng service contracting program ng pamahalaan.
00:36Pero tanong ng mga nakausap naming driver at pasahero, makikinabang nga ba talaga sila sa programang ito ng pamahalaan?
00:48Ilalathala pa lang ng Depopino Transportation at ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board
00:54ang mga panuntunan sa pagsali sa inanunsyo ng Pangulong Service Contracting Program.
00:59Pero tinataya nilang 50,000 pampublikong sasakyan ang lalahok sa nationwide implementation ng programa sa 823 na mga ruta.
01:08Para sa mga pasahero, may 20% na discount kapag sasakay sa mga jeep, uv express at bus na bahagi
01:15ng programa.
01:16Dagdag pa yan sa 20% discount mo kung ikaw ay estudyante, PWD o senior citizen.
01:22Tinatayang 15 milyong pasahero raw ang makikinabang dito.
01:26Sa mga PUV naman na kalahok sa programa, mabibigyan sila ng 30 hanggang 100 pesos na bayad sa kada kilometro.
01:34Pero may cap yan na 100 kilometro kada araw. Pag sumobra dyan, niinabayad ng gobyerno.
01:40Pero paano ba mamamonitor ng gobyerno ang biyahe ng mga choper para sila'y mamayaran ng tama?
01:47Sabi ng DOTR sa pamamagitan ng GPS o Global Positioning System,
01:52kailangan kumuha ng gadget para matukoy ang real-time na lokasyon ng mga PUV.
01:56Pero pwede rin naman daw sa pamamagitan ng manual monitoring ng LTFRB, LTO, PCG at MMDA.
02:04Nag-ipag-usap na rin po ang LTFRB with I think 22 GPS providers at kinausap natin sila na nababaan
02:14nila yung presyo ng kanilang GPS at sila naman po ay sumangayon 500 pesos na lang po yung kanilang renta
02:23ng GPS monthly.
02:25Umaalma dito ang ilang transportation group.
02:27May mga service provider po ng GPS na lumapit sa LTFRB.
02:34Mas mahukunan naman po ulit kikita sa amin yun kasi kailangan namin bumili ng GPS para mamonitor po yung ilang
02:41kilometro po yung kinakubo namin.
02:43Sa kompetasyon ng DOTR, kung aabot sa 5,000 piso makukolektang pasahay ng isang jeepney driver,
02:50hindi mababa sa 1,000 piso maiuwi niya sa programa kada araw.
02:54Naka-awas na raw dyan ang dispwento sa pasahe, diesel at boundary ng jeep.
02:59Hindi pa kasali rito ang inihahandang 10 pisong kada litrong subsidiyan ng gobyerno.
03:04Kada unit ay may maximum allocation na 150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
03:11Magsisimula ang rollout ng fuel subsidy sa NCR at mauuna sa Commonwealth.
03:16Palalawakin din ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, Espanya, Zapote, Ebonifacio, Rizal at Marcos Highway hanggang sa
03:26mapatupad ito sa buong bansa.
03:28Kasi 10 piso, maliit na bagay lang po yung kututuusin. Pero that will start them off for the day.
03:35Yung 30 liters a day sa 10 piso, bawat litro, that's around the 300, that can start them off to
03:42roll in para makapag-collectan mo sila.
03:45So this is one of many programs na nakahilera po sa ating gobyerno.
03:49Ang tatlong dekada ng jeepney driver na si Roberto Corpin, magamat umaasang makakatulong ang service contracting program, napasunaraw dati nang
03:59sumali siya noong pandemya.
04:02Buwan raw ang inabot noon bago nila nakuha ang bayad sa kanila.
04:06Maganda yan. Kumaganda rin yung bigay sa mga driver.
04:13Kasi sa amin kasi araw-araw ang pera, kailangan namin.
04:16Kasi pandisil eh. Hindi naman kasi pwede utang sa kasalinan eh.
04:20Kung bigayan, matagal, buwan-buwan, tapos hindi mo naman makukuha, kawawa driver.
04:28Sabi ng operator na si Basilio Henioso, sana raw ngayon, diretso na sa driver at operator ang kita.
04:35Yun na nga, dumadaan pa sa ibang tao, hindi naibigay lahat para sa driver, eh nababawasan pa.
04:45Pag titiyak ng DOTR, diretso sa bank account o e-wallets ang bayad sa mga tsupera at operator.
04:52Nagutos tayo sa LTFRP. Ang payment nito must be 3 to 5 days.
04:58Hindi na po tulad dati, nahabot ng isang buwan.
05:02Kasi it defeats the purpose, it defeats the program.
05:05Pabor naman ang mga pasaherong nakausap namin sa diskwentong pangpasahe.
05:09Mas okay po kasi mas dagaan po yung para po sa budget ng transport.
05:14Kawawa din yung mga pumapasada which is nauwi nila sa bayad, 200 to 300.
05:19So sila yung bumabiyaheng magdamag po.
05:21Makakatipid. Pag nagbigay lang 40% ba yun, eh di pa bursa amin yung mga senior.
05:29May babala naman ang DOTR sa mga nais magsamantala.
05:34Makikiusap po muna ako sa inyo. Lahat naman po tayo ngayon ay apektado sa krisis.
05:40Sana huwag niyong isipin pagsamantalaan pa ang ating mga commuters pasahero.
05:45Kasi po makakahasa kayo na mapipilitan po talaga kaming i-revoke,
05:50i-suspend ang iyong prangkisa at hindi lang po kayo tatanggalin sa programang ito.
06:01Imiilang sagop lamang ng Service Contracting Program ay yung mga PUV na nakabase sa ruta at hindi sa destinasyon.
06:09Ibig sabihin hindi kasali ang mga taxi, TNVS at motorcycle taxi.
06:15Hindi rin sila kasali pa doon sa fuel subsidy.
06:18Pero sabi naman ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II ay nasa first phase pa lamang ang pagpapatupad nito.
06:25Yan muna letas mula nga dito sa Quezon City.
06:28Imiil.
06:29Maraming salamat sa Lima Refran.
06:32Ang Department of Energy na mismo ang nagsabi tiyak na ang magkakaroon ng rollback sa produktong petrolyo.
06:40Wala pang pinalalaga pero ang mga nakausap namin super eh hindi masyadong umaasa.
06:47Naka, nakatutok si Bernadette Frey eh.
06:53Sigurado na ang rollback sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy.
06:58Batay raw yan sa magandang indikasyon sa 4-day trading bagamat hindi pa pinal kung magkano.
07:04Merong rollback so far as of last night's trading.
07:08One day na lang.
07:10Hopefully, ano, mas steady lang siya na huwag na munang makyat.
07:13Pagdasal natin na walang bomba na namang mangyari muna ngayon.
07:17Base sa kwenta ng Oil Industry Sources, sa apat na araw na trading ng langis sa world market,
07:225 pesos and 50 centavos hanggang 6 pesos and 50 centavos ang maaaring bawas presyo sa kada litro ng diesel.
07:31Hanggang piso naman sa gasolina.
07:33Pero maaari pang magbago.
07:35Depende sa trading ngayong araw.
07:37Base sa trading ng Dubai Crude, pababa ang presyo mula mahigit $120 per barrel noong lunes sa mahigit $102 per
07:46barrel kahapon,
07:47isang araw matapos i-anunsyo ang ceasefire sa pagitan ng US at Iran.
07:51Ang Brent Crude mula $110 per barrel noong lunes, bumabasa $95 per barrel hanggang kahapon.
08:00Pero tumaas naman sa $97 ngayong araw sa gitna ng mga pag-atake ng Israel sa Lebanon sa kabila ng
08:07ceasefire.
08:07Base sa datos ng Department of Energy, mula ng sumiklab ang kaguluhan sa gitnang silangan,
08:14mahigit doble na ang itinaas ng presyo ng diesel.
08:17Mahigit 50% naman ang isinipa ng presyo ng gasolina.
08:21Kaya naman ayon sa mga motorista at mga POJ drivers, mainam na magkakaroon ng rollback sa susunod na linggo.
08:28Pero tanong nila, bakit tila kakarampot lamang ang ibababa ng presyo?
08:32Pag nag-rollback sila, maliit lang. Pero pag nagtaas sila, dubla-dubladong ang pan, pinatas nila.
08:40Wala din mangyayari mga rollback-rollback na yan. Walang pinta yun. Wala.
08:44Wala rin pong mangyayari dun mami. Kasi syempre, magkano na lang kinikita namin tapos wala rin po.
08:53Parang ganun din. Useless din po eh. Dapat po talaga bumalik sa dating presyo.
09:00Paliwanag ng DOE, kahit bumaba man ang presyo ng krudo sa world market, mahal pa rin pag dumating na ito
09:06sa bansa.
09:08Mathematical yan eh. Hindi yan yung, ay sabihin ng oil company, eto lang yung babawas ko ngayon.
09:13Dapat may basis. Ang basis niyan, yung average ng limang araw.
09:17Hindi yan yung usang dinidecide lang ng oil company kung ano yung presyo.
09:23It has to be justified and they have to show us also their calculations.
09:27Kaugnay naman sa supply, sabi ng DOE, kasha para sa 50 days ang produktong petrolyo sa bansa.
09:34Patuloy naman na pagsisika para mapalaki ang ating imbentaryo.
09:38Brunadette Reyes, nakatutok, 24 oras.
09:42Maigpit na ang seguridad sa Islamabad sa Pakistan para sa negosyasyon ng Amerika at Iran bukas.
09:48Kaugnay sa gera sa kitang silangan.
09:49Sa Lebanon, umakit na sa maygit tatlong daan ng mga namatay sa pinakamatinding pag-atake roon ng Israel.
09:55Pero, pinangangambahang aakyat pa ang bilang na yan.
10:00Iyan at iba pang mga updates sa gulo sa Middle East.
10:03Tinutukan ni June Feneration.
10:11Ilan lang ang mga pag-ataking ito sa itinuturing na deadly strikes ng Israel laban sa grupong Hezbollah sa Lebanon.
10:18Matapos sabihin ng Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi ito kasama sa ceasefire.
10:24Ay sa Health Ministry ng Lebanon.
10:26Umabot sa mahigit tatlong daan ang namatay sa bagong pag-atake.
10:29Pero inaasahang tataas pa ito sa pagpapatuloy ng retrieval operations.
10:42Sinalakay ng Israel ang Lebanon noong Marso para puntirahin ang Iran-aligned Hezbollah Militia.
10:51Pero sabi ngayon ng Israeli Prime Minister Netanyahu,
10:54ipinag-utos niya pagsisimula ng direct peace talks ng Israel sa Lebanon.
10:58Saklaw niya ng pagdisarma sa Hezbollah.
11:01Layon nila nilang magkaroon ng Sustainable Peace Agreement
11:04sa pagitan ng Israel at Lebanon.
11:06Wala pang reaksyon ng Lebanese government tungkol dyan.
11:10Samantala, kahit na umiiral ang ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran,
11:14kakaunti pa rin ang mga barkong dumadaan sa Strait of Ormuz,
11:18batay sa ship tracking data.
11:20Hindi raw yan ang kanila na pagkasunduan,
11:22ayon kay U.S. President Donald Trump.
11:24Sa kanyang truth social,
11:26tinawag niyang dishonorable ang ginagawa ng Iran
11:29sa pagpapahintulot ng pagdaan ng langis sa Strait of Ormuz.
11:32May mga ulat din daw na naniningil ang Iran sa mga tanker na dumadaan sa Strait.
11:38Sabi ni Trump,
11:39hindi nila yan dapat ginagawa.
11:41Pero kung totoo ang mga ulat,
11:43ay dapat daw tumigil agad ang Iran.
11:46Sa gitna niyan,
11:47paghikayat naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky,
11:52kasurod ng ceasefire,
11:54i-reimpose ang Russian oil sanctions.
11:57Bukas lang ang negosyasyon ng U.S. at Iran
11:59na gaganapin sa Islamabad, Pakistan.
12:03Hinigpita ng siguridad sa kanilang red zone
12:05kung saan matatagpuan ang top government buildings.
12:09Patuloy namang binabantaya ng Department of Foreign Affairs
12:11ang sitwasyon sa Middle East.
12:13Nauna na nagpahayag ng lubhang pagkabahala sa gulo sa Lebanon ang DFA.
12:17Pero kinumpirman nilang wala namang Pilipinong nasaktan doon.
12:26June venerasyon na katutok, 24 oras.
12:29Balik Pilipinas ng mahigit tatlong daan at apat na pong OFW
12:33sakay ng ikawalong chartered flight ng gobyerno.
12:38Bahagi pa rin niya ng repatriation na ginagawa ng pamahalaan
12:41sa gitna ng digmaan sa gitnang silangan.
12:44Nakatutok si JP Soriano.
13:02Sinalubong ng kanyang anak na si Marietta
13:04ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas mula sa Abu Dhabi kanina.
13:08Dursing aid si Marietta roon
13:09at matagal na raw niyang hindi nakapiling ang anak.
13:128 years po kung hindi naka-uwi.
13:14Tagal po kasi hindi nakasama.
13:16Sa mismong city po ng Abu Dhabi,
13:19ano po narinig namin yung pabamban.
13:21Di namin alam kung saan po babagsak.
13:23Kabilang siya, sa mahigit tatlong daan at apat na pong Pilipinong umuwi sa bansa,
13:28sakay ng ikawalong chartered flight ang gobyerno
13:30mula ng sumiklabang gulo sa Middle East.
13:33Karamihan sa mga sakay, mga OFW mula sa United Arab Emirates,
13:37agad silang ipnoroseso ng OWA para sa iba't-ibang tulong na nakalaan para sa mga OFWs.
13:46Sa Lebanon, may labing apat talibong Pilipino na patuloy na nasasaksihan
13:51ang pag-atake ng Israel sa Hezbollah.
13:54Sakuhangang ito ng isang OFW sa Beirut kahapon.
13:57Kita ang makapal na usok, hindi kalayuan sa bahay ng kanyang employer.
14:01Kwento ng OFW, isang malakas na impact blast mo na raw ang kanyang narinig.
14:06Bago ito nangyari.
14:07Kabado na raw sila, lalo't wala pang indikasyon na ititigil na ng Israel ang pag-atake sa Hezbollah.
14:14Ayon sa Department of Migrant Workers, tinitignan nila na posibleng mas madagdagan ba
14:18ang mga mairarapatriate sa Lebanon sa mga susunod na araw,
14:21lalo pat mas sumisentro na raw sa Beirut ang mga pag-atake.
14:25Ang kakaiba dito ay sa central Beirut ang atake, usually nandun lang sa southern Beirut.
14:32But having said that, wala naman na paulat na Pilipino na saktan.
14:37We hope it stays that way at nakikisa rin tayo sa bansang Lebanon sa pinagdadaanan.
14:43But we're hoping na humupang sitwasyon.
14:47Binabantayan din ng DMW ang kalagayan ng mga Pilipinong tripulanting sakay
14:51na mga barkong nasa Persian Gulf pa rin at hindi pa nakakalabas sa Strait of Hormuz.
14:56Ayon sa DMW, isisumite na sa mga kausap tila sa panig ng Iran
15:00ang listahan ng mga pangalan at detalya ng mga tripulanting Pinoy.
15:05So today we will endorse the corresponding list to the DFA
15:09para mapatupad na yung sinasabing passage out of the Strait of Hormuz
15:14ng mga barkong na may dalawang Pilipino.
15:16Pukod sa mga chartered flight, may mga commercial flight na sakay din
15:20ang iba pang Pilipinong nirepatriate ngayong araw mula sa Kuwait
15:23at iba pang bansa sa Middle East.
15:27Sa kabuan, naabot na sa halos limang libong Pilipino
15:30mula sa iba't ibang bahagi ng Middle East ang napabalik dito sa Pilipinas
15:33simula na mag-upisa ang gulo ng US, Israel at Iran.
15:36Sa darating na lunes, inaasahang meron na namang chartered flight
15:39luna na mga Pilipinong nais nang bumalik dito sa bansa.
15:42J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
15:46Nanawagan ng mga magsasaka sa Ifugao na magtakda ang gobyerno
15:51ng minimum price sa kanila'y binabagsak na gulay sa trailing post.
15:56Sa sobrang mura raw kasi nang bilihin ngayon, nalulugi na sila.
16:01Nakatutok si Ian Kurz.
16:07Mula Tinok, Ifugao, ibinabiyahin ni Renato Bangsail ng walong oras
16:11ang kanyang aning repolyo sa Benguet Agri Pinoy Trading Center o BAPTC.
16:166 na piso kada kilo ang presyohan.
16:18Pero sabi niya, paluging presyo daw ito.
16:20Sa mapagbebentahan kasing 39,000 pesos para sa 6,500 na kilo ng repolyo,
16:27magbabayad siya ng 6,500 sa mga trabahador sa trading post para iproseso ang mga repolyo.
16:33Halos 3,000 ang gasto sa pambalot na plastik at papel.
16:376,500 din umano sa market facilitator.
16:40Ang dating 4,000 pesos lang na konsumo ng diesel,
16:44nasa 13,000 na ngayon.
16:46Pagkatapos siyang bayaran ang mga nagtrabaho sa taniman at pangkain nila sa biyahe,
16:51sumatotal, lugi siya ng 3,000 piso.
16:54Pero sabi ni Renato, lugi man, mas mainam na raw kesa mabulok lang sa taniman ng gulay.
17:00Masura na lang.
17:02Kapag hindi harvestin, maso na lang sa garden.
17:10Ayon sa mga magsasaka ng Benguet,
17:12nasa 15 pesos per kilo dapat ang bentahan ng repolyo para makabawi man lang sila sa gastos.
17:18Sa repolyo o pechay man, dapat daw nasa 20 pesos per kilo ang benta para may magandang kita.
17:25Ang mga market facilitator na pinagpapasahan ng mga magsasaka ng aning gulay sa Baptisi,
17:30pinag-uusapan na kung pwedeng magtakda ng minimum price sa mga ibabagsak na gulay na mga magsasaka sa mga trading
17:38post.
17:38Bali, magbe-benefits din doon yung farmers kasi kahit anong pwedeng itanim nila.
17:43At least alam nila na may babalik na expenses pag ganun na ang presyo ng gulay hindi bababa sa 20,
17:50lalo na yung mga cabbage.
17:52Pero aminado si Dulas, mahirapan daw maipatupad ito.
17:56Ang sitwasyon po talagang oversupply tapos matumal sa Manila, aangal din ang mga consumers.
18:04Parang lalong hindi na sila bibili pag ngayon agad ma-implement yung ganun na ano.
18:09Kaya pinag-aaralan pa kung magkakaisa lahat at makikiisa rin po yung mga buyers natin sa fixed price na ganun,
18:18baka madali rin pong ma-implement.
18:20Ayon sa general manager ng BAPTC, sa pagtataya nila, hindi naman sobra-sobra ang supply ng gulay.
18:27Pero dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, naapektohan daw ang demand.
18:32Parang ang epekto, parang maraming gulay, parang sasabi nila oversupply.
18:37Pero sa aming observation dito sa BAPTC, parang normal naman yung supply compared sa ibang panahon, taon.
18:47So ang problema lang talaga is bumaba yung buyers natin.
18:53So naiiwan ngayon yung gulay.
18:55Ani Diego, napapanahon ang minimum price sa ibinabagsak na gulay na mga magsasaka, parang sa bigas o mais na may
19:02farmgate price.
19:03Kung ipipilit nila na laging mababa, eh baka yung farmer naman natin hindi na magdala ng gulay dito sa trading
19:12center.
19:13At kung hindi magdala, eh di parang vicious cycle siya, magiging dugtong-dugtong na problema.
19:20Ang biyaherong si Jimmy Basiwag, pabor din sa pagkakaroon ng minimum price sa gulay.
19:26Pero kahit mababa ang bilihan ng repolyo ngayon, nadaragdagan ang halaga nito dahil ang mga biyaherong mula La Trinidad papuntang
19:32Manila,
19:34nagdaragdag ng 3 pesos kada kilo sa kanilang dala.
19:38Nasa P35,000 na rin kasi ang diesel nila sa balikang biyahe at sa pagpapasa-pasa at pagproseso ng gulay
19:47doon na tumataas ang presyo bago makarating sa consumer.
19:51Sa Q-Mart, naglalaro sa P50 to P80 pesos ang kilo ng repolyo at pechay.
19:57Sinisika pa naming makuha ang panig ng Department of Agriculture ukol sa pagtatakda ng minimum price sa ibinabagsak na gulay.
20:05Ian Cruz, nakatutok, 24 oras.
20:09Bukod sa mataas na ngang presyo ng langis, may dagdag singil din sa kuryente ang Meralco ngayong Abril.
20:17Pero hindi pa raw yan dahil sa efekto ng mahal na petrolyo, kundi dahil pa lang sa pagtaas ng generation
20:24charge,
20:25bunsod ng panghina ng piso kontra dolyar.
20:29E paano naman ang singil sa kuryente sa iba pang bahagi ng bansa?
20:33Ating alamin sa pagtutok ni Darlene Kai.
20:40Idagdag na ang kuryente sa listahan ng mga tataas ang presyo.
20:44Magkakaroon kasi ng dagdag na 53 centavos kada kilowatt hour ang singil para sa Meralco customers ngayong Abril.
20:51107 pesos yan na dagdag sa buwan ng bill na makumukonsumo ng 200 kilowatt hours.
20:56Ang Pamilya del Rosario, mahigit 160 pesos ang madaragdag sa kanilang electricity bill.
21:02Oh, bakit gano'n? Bakit tumaas? Dapat pababa eh no?
21:09Oh, patay tayo.
21:11Dagdag pasakit daw ito dahil sunod-sunod na ang pagtaas ng presyo ng langis at ibang bilihin.
21:17Kaya bawat piso mahalaga para sa katulad niyang senior citizen,
21:21na tanging allowance lang ang natatanggap sa pagtatrabaho sa barangay.
21:26Kami, mga minimum wage lang kami.
21:29Bawa naman kami sana.
21:31Mabigyan pansin yung mga ano, mabilihin.
21:34Ma-discount na lang o, gano'n po. Sana nga.
21:37Sabi ng Meralco, hindi pa raw ito epekto ng krisis sa langis,
21:40bunsod ng gera sa gitnang silangan.
21:42Kasi yung April generation charge reflects costs from March.
21:47And noong March, nandito na po sa bansa yung fuel na na-import natin.
21:53So, hindi pa ito apektado noong nangyayari sa Middle East.
21:56Ang dahilan daw ng dagdag singil sa kuryente
21:59ay ang pagtaas ng generation charge dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
22:03So, yung depreciation po ng pera natin ay naka-apekto sa 99% ng costs
22:11ng First Gas Santa Rita at San Lorenzo Gas Plants ng First Gas
22:16and 44% of the rest of Meralco's Power Supply Agreement.
22:23Sa Mayo pa raw mararamdaman ang epekto ng mahal na langis sa singil sa kuryente
22:27ayon sa Meralco.
22:28Pero, aalamin pa raw sa pagtatapos ng buwang ito
22:31kung tiyak ngang madaragdagan uli ang singil at kung magkano.
22:34Hindi lang daw kasi presyo ng langis ang konsiderasyon
22:37pati na ang palitan ng piso sa dolyar.
22:40The DOE and the ERC implemented what they call special operating guidelines
22:46that included the suspension of the regular market.
22:50We anticipate that it will reduce any expected increase in the generation charge.
22:57Pero, epektibo na rin ngayong April ang bagong Lifeline Rate Subsidy Program Threshold.
23:01Libre na ang kuryente ng 4-piece beneficiaries at mga kumukonsumo ng hanggang 50 kilowatt hours.
23:07May 35% discount naman na mga kumukonsumo ng 51 hanggang 70 kilowatt hours.
23:1220% ang discount ng mga may konsumo na 71 hanggang 100 kilowatt hours.
23:18Malaking bagay po para sa amin, para po sa pangdagdag-gastusin po sa mga anak po.
23:23Makakaano ka talaga, tipid ka talaga.
23:28Kasi ano na yun, pwede mo lang pangbagit din yung mga na-discount ma.
23:33Pambili ng bigas, ganun ang pagkain.
23:35Inaasahan din ang dagdag-dagsingil sa kuryente sa Luzon, Visayas at Mindanao
23:39dahil sa mas mataas na presyo sa WSM wholesale electricity spot market.
23:44Sa report ng GMA News Online, sinabi ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines
23:49na ang mas mababang supply ng kuryente noong nakaraang buwan
23:52ay nagresulta sa malawakang pagtaas ang 23% sa spot market prices.
23:58Ang mas mataas na presyo sa WSM ay maaaring magresulta sa mas mataas na generation charge
24:03na maaaring ipasa ng distribution utilities at electric cooperatives sa kanilang consumers.
24:09Sa ngayon po, reportedly, Miralco and all the other electric cooperatives,
24:13very minimally increase. Meron pong increase.
24:16Pero hindi po 5 piso, 9 pesos, or 20 pesos.
24:21Hindi po. Hindi po pareho po sa pag-increase ng diesel.
24:24The increase is in centavos. Siguro dahil po nag-increase ang presyo ng coal,
24:28nag-increase yung presyo ng transportation.
24:32Matuloy naman daw na gumagawa ng paraan ng Department of Energy
24:35para maibsan ang epekto ng mahal na petrolyo sa singil sa kuryente
24:38gaya ng pagpaparami ng mas murang coal at pagkukuna ng renewable energy.
24:43Darlene Kai, Nakatutok, 24 Oras.
24:47Mga kapuso, kawing-kawing ang naging epekto ng mahal na presyo ng langi sa buong mundo.
24:53Ngayong pangalang e, kabi-kabi lang panagoy na ang maalingaw-ngaw.
24:58Mga nawalan ng kabuhayan at mga pilit pong lumalaban, mairaos lamang ang pang-araw-araw.
25:04Pero sa labang walang kasiguraduhan, nang imabaw po ang pusong Pilipino na mapagpahal, matulungin at maasakan.
25:13Nakatutok si JP Soriano.
25:18Pasakay po. Yan ang nakasulat sa piraso ng papel na hawak ng ilang estudyanteng ito sa Samuanga City
25:24na matyagang nag-abang sa tabing kalsada.
25:28Kulang na nga raw sa pamasahe.
25:30Pahirapan pa ang pagkukommute sa mahal ng gasolina.
25:57Mabuti na lang daw at may napadaang truck na nagpasakay sa kanina ng libre pa-uwi.
26:02Saktong tanghaling tapat pa naman kung kailan matindi ang initang panahon.
26:06Doon pa kinapos sa gasolina ang motorosiklo ng isang rider sa Ilocos Norte.
26:12Ihahatid pa rong niya ang kanyang manugang sa ospital para magpa-check up.
26:16Pero mukhang lalo pa silang namroblema dahil kinailangang magtulak ng motorosiklo.
26:32Bilang tulong sa mga kagaya niya lang hirap, ngayong sumipa ang presyo ng produktong petroyo.
26:37Tuloy-tuloy ang bayan niya ng ilang grupo, gaya ng samahan ng industriya ng pagugulayan o sipag sa queson.
26:44May git-anim na raang kilo ng iba't ibang gulay mula sa mga magsasaka ang ipinamahagi ng libre sa mga
26:50driver ng pampasaherong jeep at tricycle sa Lucena City.
26:54May git-tatlong daang pananghalian naman ang ipinamigay ng relief drive na kusinang bayan sa mga jeepney driver na apektado
27:02ng krisis sa langis.
27:03Kabilang daw sa mga nag-ambag ang mga K-pop Pinoy fans at gamers.
27:09Para sa GMA News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments