00:00Pahirapan na nga pag nagkocomute.
00:03E paano pa kung may makasabay kang mga ipis?
00:08Ay, kanya nang naging karanasan ng isang pasahero ng MRT-3
00:12na nakagatparaw habang nakapatong ang kanyang braso
00:17sa bakal na hawakan sa loob ng bagon.
00:20Ang paliwanag ng pamunuan ng tren
00:22sa live na pagtutok ni Jonathan Andal.
00:25Jonathan?
00:30Yes Mel, alam mo, hindi pa malinaw sa ngayon kung paano ba talaga nagkaroon ng ipis sa loob ng tren.
00:35Ang sinasabi naman kasi ng pamanuan ng MRT-3, regular naman yung ginagawang paglilinis sa mga bagon.
00:40Ang malinaw lang sa ngayon Mel, nakunan po ng picture yung mga ipis sa loob ng bagon.
00:46Narito po, panoorin ninyo.
00:52Kinilabutan sa litratong ito ang mga pasahero ng MRT-3.
00:56Ang kumpol ng mga insektong yan, mga ipis pala.
01:00Ang picture, nakuhanan ng isang pasahero sa loob ng women's section ng tren matapos daw siyang kagatin
01:06habang nakapatong ang braso sa bakal na hawakan sa loob ng bagon.
01:11Nanindig po yung malahibo ko ilang beses ko.
01:14Naramdaman ko na may kumagat sa akin.
01:16Meron po akong nakitang maliit na kagat.
01:19Banda siya sa ano, dito ko, dito.
01:22Pero mas nangilabot daw si Joy nang may lumabas pa raw sa puwang na mas malaking ipis.
01:29After kumapikturan, meron po akong nakitang lumabas na mas mataba siya ng konti,
01:35na kulay brown, tapos parang bilog siya.
01:38Sana po, linisin nila po yung MRT kasi marami pong nagkukumute araw-araw
01:44tapos hindi nila alam na mayroon palang ganun.
01:48And baka mauwi nila sa bahay po nila.
01:51Ipinarating ng GMA Integrated News kay Transportation Secretary Giovanni Lopez
01:56ang karanasan ni Joy.
01:58Nakakahiyaan niya ito.
01:59Kaya agad niyang ipinagutos sa General Manager ng MRT3
02:02na mag-imbestiga at gumawa ng aksyon.
02:05Agad namang nahanap ang inireklamong trainset at isinailalim sa disinfeksyon.
02:09Sa isang pahayag, sabi ng pamunuan ng MRT3,
02:13pinagpapaliwanag na nila ang Sumitomo,
02:15ang maintenance provider ng MRT3 system.
02:17Regular naman na nila ang paglilinis at inspeksyon sa mga tren
02:20bilang bahagi ng maintenance program ng Sumitomo Corporation.
02:24Kanina, pinapasok ang GMA Integrated News sa MRT3 Depot
02:27at eksklusibong ipinakita ng Sumitomo kung paano nila nililinis ang mga tren.
02:33Ganito po, pinapaliguan yung mga tren ng MRT3.
02:36Ang tawag po dito, automatic train washing.
02:38Meron po diyang ibubugang tubig na may kasamang sabon
02:42tapos dadaan sa may brush.
02:44At ginagawa daw nila ito araw-araw
02:45pagbalik ng tren ng MRT3 dito sa MRT Depot.
02:50Araw-araw din anila ang paglilinis sa loob ng tren
02:54bukod pa sa buwan ng deep cleaning.
02:56Sinasabon anila ang mga upuan, sahig, bintana, pati na labas ng tren.
03:02Ginagamitan din ng vacuum cleaner,
03:04kinukusko sa mga dumikit na dumi sa sahig gaya ng bubble gum
03:07at nagsispray ng alcohol pang disinfect pati na pest control
03:12sa mga sulok-sulok ng bagon.
03:15Yung nag-viral po na picture,
03:17dyan po nakita yan ito, pakita ko sa inyo,
03:19sa ganitong singit.
03:21Ang tawag daw po dito, stansion fittings.
03:24Now, kung paano nagkaroon ng mga ipis dyan,
03:27yun yung iniimbestigahan daw ngayon ng pamunuan ng MRT3.
03:30Sabi ng pamunuan ng MRT3,
03:32pinaiigting na ang paglilinis sa mga tren.
03:39Mel, sa ngayon, sinusubukan pa natin makuha yung opisyal na pahayag
03:42ng Sumitomo Corporation tungkol dito sa insidente.
03:44Balik sa iyo, Mel.
03:45Jonathan, para tuloy ang maalis yun, yung malilit na ipis na yun,
03:50eh kailangan nun mas mabusising paglilinis pa at pest control.
03:55Obviously, hindi sapat yung ginagawa nilang paglilinis.
04:00Diba?
04:00Eh pero wala bang magiging downtime yun, yung mga bagon.
04:04Di ba yan makaka-apekto sa biyahe, Jonathan?
04:10Hindi, Mel, kasi hindi makaka-apekto sa biyahe.
04:12Kasi yung ginagawang pa-araw-araw na paglilinis, pati na yung deep cleaning,
04:16ginagawa po yan between 11pm hanggang 4am.
04:19Ito yung mga oras na wala talagang operasyon yung MRT3.
04:22At ang sinasabi ngayon ng pamunuan ng MRT3,
04:25eh mas pinalaka at mas pinaigting pa nila yung sanitation,
04:29disinfection, pati na yung pest control measures,
04:32hindi lang daw dun sa kanilang mga train set,
04:34kundi pati na rito sa mga istasyon
04:36para daw matiyak na safe talaga and malinis yung pagbiyahe ng mga pasahero.
04:41Balik sa'yo, Mel.
04:42Ay naku, hari na wa.
04:43Maraming salamat sa'yo, Jonathan and Dal.
Comments