00:00Sa pagharap ng ikalawang testigo ng prosecution sa impeachment trial,
00:04hinimay ng prosecution ang mga gusto nilang patunayan sa Article 4 o Grave Threat
00:09laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Ang detalye sa report ni Sheila Natividad.
00:31Hindi lamang ang Pangulo, ang First Lady at ang dating House Speaker,
00:36kundi pati na rin si Manila 3rd District Representative at kayo'y House Prosecutor Joel Chua
00:42ang makailang ulit na minura ni Vice President Sara Duterte sa kanyang online press conference noong 2024.
00:50Ang walong bahagi ng video kung saan maririnig ang mga pagmumura ng Vice Presidente
00:55ang siyang ipinresenta ng prosekusyon sa harap ng Senate's impeachment court
01:01sa ikalawang linggo ng paglilitis kung saan inamin din ni Chua na nakaramdam siya ng takot noon.
01:07At that time, syempre, hindi mo maalis na medyo matatakot naman talaga tayo
01:14dahil unang-una, ito namang hindi namang ordinaryong tao
01:17itong nagbitaw ng ganyang pananalita
01:21bagko si pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng ating bansa.
01:27Dagdag pa ni Chua, makikita umano sa mga pahayag ng Vice
01:31sa mga video ng online press conference
01:34ang kanyang maraming mararahas na pagbibitiw ng salita
01:37na anya ay hindi ang COP sa isang pinuno ng bansa.
01:41Samantala, pinatibay naman ni NBI Barm Regional Director Jeremy Lotok
01:46ang naunang testimonya ni Senior Agent John Mark Calilong noong nakaraang linggo
01:51habang ipinaliwanag niya mga hakbang na ginawa ng NBI Cybercrime Division
01:56sa pagpapatunay ng authenticity ng video.
02:00Basically, it's indicative of intent that the utterances was deliberately made up
02:06by the Vice President and it really shows serious, actual and real threat, Your Honor.
02:18Sa kanyang testimonya, sinabi ni Lotok na nakapaglabas na ang NBI Cybercrime Division
02:23ng Affidavit of Investigation kaugnay ng online press conference ng Vice Presidente.
02:29Kasama rito ang rekomendasyong magsampa ng 3 counts of grave threats
02:33at 1 count of inciting to sedition.
02:36Ibinunyag din ni Lotok na dalawang beses nagpadala
02:39ang NBI ng subpina ad testificandum kay Vice President Duterte noong 2024
02:45upang hilinging personal sana siyang humarap sa ahensya.
02:49Subalit hindi ito dumalo at sa halip ay ang kanyang abogado ang kumatawan sa kanya.
02:54Ayon pa kay Lotok, dalawang liham ang isinumite ng Vice Presidente bilang tugon
02:59kung saan binanggit nito ang office matters bilang dahilan ng hindi niya pagharap
03:04alinsunod na rin sa payo ng kanyang legal counsel.
03:07Para naman kay Rep. Chua, ang kakayahan umano ng Vice Presidente
03:12na maisakatuparan ang mga umano yung pagbabanta
03:14ay may kaugnayan sa kasaysayan ng kanilang pamilya.
03:18Alam naman din natin yung history ng kanilang pamilya.
03:22In fact, asan ba ngayon yung kanyang ama?
03:25Ano ba ang kaso na kinakaharap ng kanyang ama, EJK?
03:30So alam din naman natin yung tinatawag nilang the Baudet Squad.
03:35So lahat ito may kinalaman sa kung ano man yung mga kapasidad nila
03:42para gampanan o gawin yung mga banta.
03:47Nagsumite na rin ang House Prosecution Panel ng Manifestation sa Senate's Impeachment Court
03:52para maipresenta si NBI Director Melvin Matibag bilang testigo sa mas maagang pecha
03:58dahil sa nauna na nitong commitment sa pagbiyahe sa ibang bansa
04:02kabilang ang pakikipagpulong sa Federal Bureau of Investigation.
04:07Kaugnay nito, inatasan ni Presiding Officer Sen. Cheese Escudero
04:11ang Prosecution Panel na magsumite ng kopya ng kahilingan ni Matibag
04:15kasama ang kanyang travel authorization para masuri ng Senate's Impeachment Court.
04:21Sheila Natividad, para sa bayan!
Comments