00:00Nananatiling matatag ang agrikultura sa bansa.
00:03Yan ang tiniyak ng Department of Agriculture
00:05kung saan inilatag nila ang mga hakbang ng pamahalaan
00:09para maibsan ang epekto ng task presyo ng langi sa pagkain.
00:13Yan ang ulat ni Elijah Canlas.
00:17Sa gitna ng tensyon sa Middle East,
00:20binigyang diin ng pamahalaan ang mga hakbang
00:22upang mapanatiling matatag ang ekonomiya
00:25at may seguridad sa pagkain.
00:27Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30ang pagpapababa ng tarif sa imported na pagkain
00:33at pagpapabilis ng import permits
00:35upang masiguro ang supply at mapigil ang pagtaas ng presyo.
00:39Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa,
00:43nananatiling stable ang agrikultura
00:45dahil nasa anihan ng palay, mais at gulay.
00:48Stable po yung ating sektor ng agrikultura
00:51pagkamat maraming shocks na nararamdaman tayo
00:55at pwede tayong maramdaman.
00:58Sa palay, nasa peak pa tayo ng harvest,
01:01March, April, ganun din sa mais.
01:03Sa mga gulay, nakita natin sa Benguet,
01:06sa Cordillera, marami tayong harvest.
01:09Upang matugunan ang transportasyon ng mga gulay,
01:12nagdeploy ang DA ng Kadiwa Trucks
01:14para direktang maihatid ang mga produkto sa pamilihan.
01:17Naglaan din ng 150 milyon pesos para sa fuel assistance
01:21ng mga magsasaka at mangingisda
01:23kasabay ng moratorium sa pagbabayad ng utang
01:26ng mga benepisyaryo ng agricultural loans.
01:29Sa ilalim ng Executive Order 110,
01:32pinakikilos din ang emergency fund para sa biofertilizers
01:35upang mabawasan ang pagdepende sa imported na abono.
01:39Inaantay naman ang pag-aproba ng Pangulo sa price cap
01:42para sa premium imported rice.
01:44We are still awaiting doon sa pag-issue ng order.
01:48Para lang ito sa premium imported rice.
01:50The local is not going to be affected
01:53kasi gusto natin na yung ating mga magsasaka
01:56patuloy na makinabang dito sa magandang presyo ng farm gate.
02:01Samantala, nanawagan ng Employers' Confederation of the Philippines
02:05ng suporta para sa MSMEs na bumubuo sa 99% ng negosyo sa bansa.
02:11Ayon kay Sergio Ortiz-Lewis Jr.,
02:13madaling maapektuhan ng maliliit na negosyo dahil sa taas ng gastos.
02:32Magpapatuloy din ang benteng bigas program
02:34at pag-aalis ng toll fees sa fishports
02:37upang mapababa ang logistics costs.
02:39Sa kabila ng mga pagsubok,
02:41itinutulak ang mga pangmatagalang solusyon
02:43tulad ng solar irrigation at alternatibong enerhiya.
02:47Isa sa mga pangunahing programa ngayon
02:49ng Department of Agriculture ang Sagip Saka
02:51na kung saan ang mga LGU na mismo
02:53ang bibili ng mga sobrang ani mula sa mga magsasaka
02:56para hindi masayang ang mga sobrang ani
02:59at upang mapanatili na matatag
03:01ang presyo ng mga bilihin
03:02sa kabila ng nangyayaring krisis
03:04sa gitnang silangan.
03:07Elijah Canlas para sa Pambansang TV
03:09sa Bagong Pilipinas.
Comments