00:00Umaani ng batikos ang hindi-direktang sagot ni Vice President Sara Duterte sa mga allegasyon sa impeachment complaints.
00:06Ayon sa isang kongresista, parang pagmamakto lang ang laman ng isinumiting sagot ng vice-presidente.
00:13Yan ang ulit ni Vel Custodio.
00:16Sinabi ni House Committee on Justice Chairperson Jervie Luistro na nasayang ng kampo ni Vice President Sara Duterte
00:24ang isang mahalagang pagkakataon para direktang sagutin ang mga allegasyon laban sa kanya
00:29habang nagpapatuloy ang proseso ng impeachment sa Kamara.
00:32Ani Luistro, binigyan ang vice-presidente ng pagkakataong tumugon sa mga paratang na nakasaad sa mga reklamo
00:39ngunit hindi umano nito sinagot ang bawat punto ng notice.
00:43Aniya, matagal nang naghihintay ang publiko ng malinaw na paliwanag hinggil sa mga allegasyon.
00:50Binatingos naman ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ang umano'y patuloy na pag-iwa si Vice President Duterte
00:57sa mga paratang kaugnay ng impeachment.
00:59Ayon kay Ortega, hindi direktang sinagot ang vice-presidente ang mga reklamo.
01:04Dagdag pa naman mabatas, mas marami paumanong tanong ang ibinungan ng isinumiting sagot
01:10dahil hindi nito tinugunan ang mga mahalagang paratang sa mga reklamo.
01:14Giit ni Ortega, ang impeachment ay isang konstitusyonal na proseso
01:18para panagutin ang mga opisyal at hindi dapat ito iniiwasan sa pamamagitan ng mga legal technicalities.
01:25Hindi pwedeng tantrums lang ang sagot, kailangan accountability.
01:30Yan ang komento ni Akbayan Partilist Representative Percy Centanya
01:34sa ifinay na response na kampo ni VP Sara sa impeachment complaints.
01:39Yung pagtawag nila ng basura at recycled yung kaso,
01:41ito na naman yung lumang tugtugin ng pagtakbo mula sa responsibility and accountability.
01:46At itong kanyang pagsagot dito sa mga kaso na parabang spoiled brat
01:50na pag pinagpapaliwanag, ang una reaction ay mag-tantrums.
01:54Hindi tantrums ang kailangan ng taong bayan.
01:56Ang kailangan ng taong bayan, accountability.
01:59Iginiit naman ni Akb Teacher's Partilist Representative Antonio Tinio
02:03na kailangan magpaliwanag ang bise sa paggasta niya sa 125 milyon peso sa pondo
02:09sa loob ng labing isang araw.
02:11Patungkol naman sa sagot ng kampo ng pangalawang Pangulo
02:14na walang katibayan na may kinontrata na ang bise para i-assassinate si Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.,
02:20First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Tinio.
02:26Merong paragraph doon na nagsasabi,
02:31inakusahan daw siya na nangontrata para patayin ang Pangulo at iba pa.
02:38At wala daw anumang katibayan doon.
02:42Ang pinakatibayan na mismo, yung siya mismo ang nagsasabi nito.
02:46Kaya kahit yung katotohanan na kitang-kita na ng lahat, dinidinay pa.
02:53Ayon naman kay Navotas Lone District Representative Toby Tiyanco,
02:57wala siya pinapanigan sa kung sino mang kampo.
03:00Pero nagbigay siya ng kanyang opinion sa pusibeng gagawing hakbang ng kampo
03:04ni Vice President Duterte na dapat maghandaan ng mga complainants.
03:09Baka, no, hindi ko alam kung anong plano nila,
03:11kasi ad cautelam, baka questionin nila sa Supreme Court yung due process,
03:16tsaka yung base doon sa kanyang reply,
03:21baka, baka ang questionin doon is yung one-year ban,
03:25yung due process, at yung kung parehong standards ba
03:28ang ginamit doon sa impeachment kay President Bongbong Marcos
03:35at tsaka sa kanya.
03:37Accountability at matibay na ebidensyaan niya
03:39ang kailangang manaig sa proseso ng impeachment complaint.
03:43Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments