00:07Anong gagawin mo kung makasabay mo ito sa daan?
00:18Huli ka mang takaw disgrasya na tila pag-exhibition ng isang tricycle sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City.
00:27Sa video, makikita ang tricycle na nakatagilid habang mabilis ang takbo.
00:33Ang sidecar nakaangat pa na tila nga nag-exhibition.
00:38Kapansin-pansin ding walang plate number ang tricycle na tumatakbo sa National Highway.
00:44Paliwanag ng driver ng tricycle sa mga otoridad na flat ang gulong ng sidecar niya kaya nakaangat niya itong pinatakbo.
00:52Lumabas din sa investigasyon na kolorong pala ang tricycle at wala rin naipresentang lisensya ang driver.
01:00Wala namang nasaktan sa insidente.
01:03Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:06Ask me, ask Atty. Gabby.
01:10Atty, paano kung makakaaksidente po itong driver na ito?
01:15Ano ang kahaharapin ng driver?
01:17Well, sa ganitong sitwasyon, mabigat ang maaari niyang kaharapin.
01:21Unang-una, kung meron nga siyang nasugatan o may namatay dahil sa kanyang kapabayaan
01:27at dahil sa pag-eexhibition nga na yan,
01:29maaari siyang makasuhan ng reckless imprudence resulting in physical injuries
01:34or resulting in homicide sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code.
01:39Hindi kailangang sinadya ang aksidente sapat na mapatunay naging pabaya o walang ingat
01:45ang ganitong pagmamaneho.
01:47At ito na rin ang isang dahilan at isa pang violation na nagawa ng tricycle driver na ito.
01:52Bawal ang mga tricycle sa isang national road or national highway tulad ng Congressional Avenue
01:59dahil mas malaki nga ang posibilidad na magkaroon ng aksidente sa dami ng malalaki at mababilis na sasakyan.
02:07Dagdag at hiwalay pa rito ang pagmamaneho ng walang driver's license
02:11na paglabag naman sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code
02:17at ng mga regulasyon na ng LTO.
02:19Hindi man siya matanggalan ng lisensya dahil nga wala naman siyang lisensya, di po ba?
02:25Maaari pa rin siyang makaharap sa kaukulang multa, administrative sanctions ng LTO
02:30at iba pang kasong maaaring isampan laban sa kanya.
02:33Kung ang tricycle naman ay color room, maaari rin itong ma-impound.
02:37Alinsulod sa mga umiiral na regulasyon ng LGU at LTO laban sa mga unauthorized public utility vehicles.
02:45At kahit hindi siya sa kanyang nakapangalan ng tricycle, hindi otomatikong ligtas naman ang may-ari.
02:54Kung mapapatunay ang pinayagan niyang gamitin ng sasakyan ng isang taong walang lisensya
02:59o hindi otorizadong magmaneho, maaari siyang magkaroon ng pananagutan, may posibleng fine
03:04at maaari ding masuspindi ang rehistro ng kanyang sasakyan at syempre hindi niya magagamit ito.
03:11Sa batas, walang lugar ang pagpapakitang gila sa kalsada dahil hindi lang sarili natin ang nakataya dito.
03:18Isang maling desisyon sa pagmamaneho, nakupo, pwede pong magdulot ng habang buhay na pagsisisi.
03:25Hindi lang multa ang maaaring kapalit, maaaring buhay at kalayaan kung hindi sa ibang tao ay sa inyo mismo.
03:33Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:36Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty. Gabby.
Comments