00:00Matutugunan na ang problema sa basura at paigtingin pa ang proteksyon sa marine ecosystems sa Manila Bay.
00:05Ito ay sa tulong ng isang bagong marine green-off vessel na bunga ng pinalakas na ugnayan ng Pilipinas at
00:11bansang Korea.
00:12Kung ano yan, silipin sa report ni Kenneth Pasyente.
00:18Hindi na bago ang ganitong itsura ng Manila Bay tuwing may bagyo o bumubuhos ang ulan.
00:23Ang mga basura nagkukumpulad sa dalampasigan.
00:26Kaya para mas matugunan ang basura na matagal ng problema sa Manila Bay,
00:301, 2, 3!
00:38Formal na isinagawa ang inaugurasyon ng bagong marine cleanup vessel na makapagpapalakas sa pangongolekta ng basura mula sa Manila Bay,
00:46ang MV Nilad.
00:47Ang naturang marine cleanup vessel ay donasyon ng Korean government sa ilalim ng 8.2 million US dollars enhancement of
00:55marine litter management in Manila Bay project na isang limang taong partnership ng Pilipinas at Korea.
01:00Mayroon itong trash skimmer para sa pagkulekta ng mga basurang nakalutang sa karagatan,
01:05deck crane para sa paghakot ng mga nakalap na basura,
01:08at oil boom para sa mabilis na pagtugon sa mga oil spill.
01:12Kasama rin sa proyekto ang isang crane-equipped truck na gagamitin sa paglipat at paghakot ng mga basurang makukolekta sa
01:18mga coastal at marine cleanup operations.
01:21Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na binasa ni DOTR Sekretary Giovanni Lopez,
01:27ipinunto niya ang kahalagahan ng malinis na tubig sa buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.
01:31Kaya marapat lamang anya natutukan ang paglilinis sa Manila Bay, lalot maraming lugar ang konektado rito.
01:37The MV Nilad is a working vessel built for real and urgent tasks.
01:42It can collect, sort, and store up to 10 tons of marine litter in a single operation.
01:50It can operate for as much as 300 to 400 hours annually.
01:56It is equipped not only for waste retrieval, but also for oil spill response and environmental monitoring.
02:04Ayon sa DNR, kaya ng MV Nilad na makakolekta ng nasa 10 tons ng basura,
02:10habang 7.5 tons ang kaya ng crane-equipped truck sa bawat operasyon ng mga ito.
02:14Kaya malaking bagay ito sa paglilinis sa Manila Bay alinsunod na rin sa mandamus ruling ng Supreme Court
02:20na nag-aatas na maipanumbalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.
02:23Well, meron po siyang bow intake na tinatawag.
02:26So sinasandok po yung mga marine litter along the way,
02:31tapos inaakit po doon a conveyor belt system.
02:35And then yung crew ng Coast Guard,
02:38they will sort the different types of solid waste,
02:42yung mga recyclable, si-separate po nila.
02:44And then meron po tayong mga sako for the residual waste.
02:48Babalutin po sila, tapos yung truck naman na nakikita ninyo,
02:51dun po isasakay.
02:52Both the vessel and the truck are equipped with cranes.
02:55So kahit mabigat po yung mga debris or yung mga solid waste na hukunin,
03:00kaya po isasakay doon.
03:02Ang MMDA naman ang naatasan na tukuyin kung saang disposal facility dadalhin
03:06ang mga makukolektang basura.
03:08Malaking karagdagan din ito sa mga kagamitang kasalukuyang ginagamit na
03:12sa paglilinis ng Manila Bay.
03:13We have other schemers already.
03:15I don't have the exact number, but we have other schemers.
03:18But this is state-of-the-art too.
03:20Medyo, ang capability nito medyo mataas.
03:23Ten tons nga every operation.
03:25And not only that, meron siyang ibang mga features
03:28na makakadagdag pa in terms of environmental protection.
03:32Gayunman, binigyang diin ng DENR na mahalaga pa rin
03:34ang papel ng taong bayan para mabawasan ang basura sa Manila Bay
03:38sa pamamagitan ng tamang pag-uugali at maayos na waste management.
03:42Ikinakasan na sa ngayon ang pagsisimula ng operasyon ng MV Nilad.
03:47Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments