Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Pilipinas, nakamit na ang pagiging Upper-Middle Income Country; pagtaas ng status ng bansa, inaasahang magpapataas sa kumpiyansa ng investors | ulat ni Carlo Candelaria

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nahaharap naman ang pagsisikap ng pamahalaan na abot na ng Pilipinas
00:03ang pagiging upper middle income country batay sa pagsusuri ng World Bank.
00:10Ayon sa isang ekonomista, kabilang sa mga nakatulong ay ang mga reformang ipinatutupad
00:15ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:19kabilang din ang kampanya kontra katiwalian.
00:22Si Carlo Candelaria sa Sentro ng Balita.
00:27Opsyal ng kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pasok sa upper middle income country category
00:32matapos i-anunsyo ng World Bank ang pag-angat ng bansa sa naturang kategorya.
00:37Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DEFDEV,
00:40na abot ito matapos lumampas ang average income ng bansa kada Pilipino
00:44sa minimum na kinakailangan upang mayangat ang Pilipinas sa upper middle income status
00:49batay sa sukatan ng World Bank.
00:51Batay sa pinakahuling income assessment ng World Bank,
00:54umabot sa US$4,850 ang gross national income per capita ng bansa noong 2025
01:00na mas mataas sa itinakdang US$4,636 na threshold para mapasama sa upper middle income category.
01:08Sinabi ni DEFDEV Secretary Arsenio Balisaca na patunay ito ng katatagan ng ekonomiya
01:13sa kabila ng iba't ibang hamon sa loob at labas ng bansa.
01:16Inaasahan din magbibigay ang pagong status ng mas daas na kumpiyansa
01:20mula sa mga local at foreign investors.
01:22Mas magandang credit standing ng bansa at mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
01:28Para kay RCBC Chief Economist Mike Ricofort,
01:31matagal nang inaasahan ang pagangat ng Pilipinas sa upper middle income status
01:35ngunit naantala ito dahil sa epekto ng pandemia.
01:38Sumabay pa dyan ng iba pang pandayigdigang hamon sa ekonomiya
01:41gaya ng pagpataw ng mataas na taripa ng Amerika
01:44at ang gyera sa Middle East na nagdulot ng pagsipa ng presyo ng langis.
01:48Dito sa Pilipinas, naka-apekto rin ang umanoy underspending ng gobyerno noong 2025
01:52dahil sa mga nadiscovering anomalya sa mga flood control projects.
01:56Dagdag pa ni Ricofort, nakatulong ang mga hakbang kontra-korupsyon ng pamahalaan
02:01para maitaas ang kumpiyansa ng mga investors na mamuhunan sa bansa.
02:04Yung mga reforma ngayon going forward, tinitingnan din yan.
02:08Yung mga anti-corruption, yung mga reforma, especially that would require legislation.
02:15Lahat kasi yun para i-improve yung governance standards, anti-corruption measures,
02:21at pag na-level up yung governance standards, that would further improve the sentiment
02:28and the confidence of investors to put money here in the country, both local and foreign.
02:34Gayunman, sinabi rin ni Ricofort na hindi agad mararamdaman ng lahat ng Pilipino
02:38ang benepisyon ng bagong status dahil nananatili pa rin ang mga hamon gaya ng inflation,
02:44mataas na importation costs, pagkas ng dolyar at epekto ng El Niño sa produksyon ng pagkain.
02:49Malaking bagay naman, Anya, sa pagdaas ng kita ng bansa,
02:52ang wage hike sa Metro Manila at ang patuloy na pagpasok ng remittances mula sa mga OFW.
02:57Maraming nakatulong din yun, yung per capita income ng bansa natin, medyo umangat.
03:04Yung OFW remittances natin, more than $40 billion per year yan.
03:09We're the fourth biggest in the world.
03:11Kahit tumaas yung dolyar, may mga dollar earners naman tayong nakikinapang.
03:15Well, it's not all bad news.
03:17Sa kabila ng pagkilala ng World Bank sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa,
03:21tiniyak naman ng pamahalaan na hindi rito nagtatapos ang trabaho.
03:24Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, nakatoon pa rin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:30sa pagpapababa ng inflation, paglikha ng mas maraming trabaho,
03:34paghikayat ng mas maraming mamumuhunan at pagpapatupad ng mga programang magpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino.
03:41Carlo Luis Candelaria para sa Bayat.
Comments

Recommended