00:00.
00:02Saga na sa likas na yaman ang West Philippine Sea at isa na sa patunay rito ang pagkakadiskubre ng karagdagang natural gas sa Malampaya East 1 na pinaniniwalaang aabot ng 98 billion cubic feet.
00:15Higit 80 kilometro ang distansya nito mula sa hilagang kanluran na bahagi ng Palawan.
00:21Gaya ng pagbabate ng West Philippine Sea sa gitna ng mga insidente ng agresibong aksyon, tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang kapabilidad para proteksyonan ang Malampaya East 1.
00:34Subok na ito ng higit sa dekada ng pagbabantay ng Joint Task Force Malampaya sa ilalim ng AFP Western Command.
00:41Dagdag ni Philippine Navy Spokesperson Captain Marisa Martinez, ang mga aset na nasa pangalagan ng Westcom ay may kapabilidad para sa naval, surface, air at special operations.
00:55Binigang diin ng Malacanang ang ginhawang mayahatid ng matagumpay na drilling exploration sa Malampaya East 1.
01:015 kilometro ang layo mula sa kasalukuyang Malampaya Gas Field na inanunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:09Punto ng Palasyo, ang 98 billion cubic feet of natural gas sa Malampaya East 1 ay kayang magsupply ng kuryente sa milyon-milyong kabahayan
01:19at upang mabawasan ang pagangkat ng imported fuel at matiyak ang mas mura at mas malinis na enerhiya para sa sambayanan.
01:28Natagpuan din sa operasyon ng Condensate, isang high-value liquid fuel na magpapalakas pa sa power supply ng bansa.
01:35Pagbibigay diin ng Malacanang, bunsod na rin ito ng hakbang ng Pangulo na nakatoon sa pagtatrabaho at hindi sa politika.
01:44Lalo't naging posible ang makasaysayang pagtuklas matapos aprobahan ng Pangulo ang renewal ng Service Contract 38 noong 2023.
01:53Ang Malampaya East 1, ang kauna-unahang gas discovery sa Pilipinas matapos ang higit sa isang dekada.
02:00Ang Malampaya East 1 discovery ay maituturing na milestone sa Phase 4 ng drilling project.
02:08Maipagmamalaki din ang bansa na Pilipino ang nanguna sa drilling o gas exploration at natapos ito ng walang aksidente o environmental incident.
02:19Dagdag enerhiya tungo sa progreso, tunengang tagumpay ng bawat bansa at bawat Pilipino, ang bagong tuklas na gas reserve sa Malampaya.
02:29Hindi naging hadlang sa Pangulo ang mga nakaraang isyo ng korupsyon para pagsumikapan ang matagumbay na drilling exploration ngayon.
Comments