Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Higit 100 land-based at sea-based recruitment agencies, sumailalim sa seminar kaugnay sa Pre-departure Orientation seminar sa OFWs; online banking, kabilang sa itinuturo sa PDOS | ulat ni Regine Lanuza - PTV Davao

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Davos City naman, mas pinalawak ng Overseas Workers' Welfare Administration
00:05ang programa para matulungan ang mga kababayan nating nais magtrabaho abroad.
00:10Dahil dito, mas magiging handa at matapang nahaharapin ng mga OFW
00:15ang kanilang kapalaran sa ibang bansa.
00:18Kung ano yan, silipin sa Sentro ng Balita ni Regine Lanuza.
00:23Tinipo ng tangkapan ng Overseas Workers' Welfare Administration o OWA Region 11
00:28ang higit isang daang land-based at sea-based recruitment agencies
00:32pati na mga licensed manning agencies sa isang hotel sa Davos City noong biyernes,
00:37Junyo 26 ng kasalukuyang taon.
00:40Ito ay upang talakayin at muling ipaalala ang tungkol sa Pre-Departure Orientation Seminar o PIDOS
00:46pati na rin upang ipapatid sa kanila ang mga pagbabago sa proseso nito.
00:51Ang PIDOS ay isang mandatory seminar para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW
00:56bago sila lumipad patungo sa ibang bansa upang magtrabaho.
01:00Isinagawa ang nasabing seminar upang masigurong handa ang mga OFW
01:04sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.
01:07Inilahad dito ang mga detalye sa kontrata ng mga OFW
01:10upang malaman nila ang kanilang sahod, oras ng trabaho at karapatan bilang empleyado.
01:17Ipinaliwanag din dito ang kultura, tradisyon, batas at klima ng bansang kanilang pupuntahan.
01:22Sa pamamagitan din ng seminar, tinuturuan ng mga OFW kung paano haharapin
01:28ang mga pangunahing suliran na maaari nilang maranasan.
01:31Gaya ng pangungulila, pakiramdam ng nag-iisa at kulture shock.
01:36Ipinabatid din sa kanila ang matulong na maaari nilang mapakinabangan.
01:40Pati na ang mga paraan ng pag-iipon upang may perang magamit sakaling bumalik na sila sa bansa.
01:46Kaya naman, para kay Anariza na isang branch manager ng isang recruitment and crew management center
01:52para sa mga nagnanais magtrabaho sa barko, mahalaga sa kanila na malaman ang mga ganitong bagay.
01:58Importante talaga, kasi ito ay strengthening PDOS.
02:02Alam naman natin, ang PDOS is free departure orientation seminar.
02:05Yung mga seaman natin, especially yung mga baguhan or yung mga land-based workers natin,
02:11ay dapat aware sila, no?
02:13Anong yung mga number one, yung mga government agencies responsible or tutulong sa atin
02:19in case of kailangan nila ng legal assistance o lang kanilang mga benepisyo.
02:24Mahalaga rin para sa branch manager ng isang manpower services na si Gabriel
02:29na muling maipapatid sa kanila ang tungkol sa PDOS
02:32dahil kabilang sila sa mga tumutulong sa mga OFW na kanilang ipinapadala sa ibang bansa.
02:38Dahil sa amin sa recruitment agency, dito kami nakakadagdag ng knowledge and information
02:47regarding sa mga anong mangyayari sa mga OFW namin na dinedeploy abroad.
02:51At the same time, para madagdagan namin yung mga knowledge na pwede namin ibalhagi sa mga OFW
03:00para at least prepare na sila bago pa lang umalis pa ibang bansa.
03:05Ayon sa regional director ng OR Region 11 na si Mohamed Victor,
03:09ipinatupad na noong nakaraang taon ang mga pagbabago o updates sa PDOS
03:13upang masagot ang mga kasalukuyang issue.
03:15Kabilang sa mga pagbabagong ito ay ang pagtuturo sa mga OFW tungkol sa online banking
03:21na mas makapagpapadali sa kanilang pagpapadala ng pera.
03:25Sa pamamagitan din ito ay matututo sila sa paggamit ng teknolohiya.
03:30Gayunpaman, ibinunyag niya na dito sa Davo Region ang OWA pa lamang
03:34ang pinahihintulutang magsagawa ng PDOS.
03:36Ngunit upang makatulong ang mga recruitment agency
03:39at maging isa at wasto ang impormasyong maibibigay sa mga OFW,
03:44isinagawa rin ito para sa kanila.
03:46Basically, doon sa mga current issues ngayon,
03:54kasi sa Saudi po kasi ngayon,
03:59ang mga ating kababayan,
04:03pwede na nilang yung sweldo nila ay ipapadala na sa kanilang ATM
04:08or sa bank account nila.
04:10Ang hakbang na ito ay isa lamang sa mga programa ng OWA 11
04:13upang matulungan ang mga OFW sa kanilang pangkabuhayan.
04:18Mula sa PTV Davao, Regine Lenuza, Para sa Bayan.
Comments

Recommended