00:00Ilang mga bagong pangalan ang lumutang sa pagpapatuloy ng investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control projects.
00:08Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:12Sa pagbabalik ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kaugnay sa mga maanumalyang flood control projects.
00:18Ilan pang mga personalidad ang pinangalanan ni dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo sa kanyang ikaluang affidavit.
00:26Sa pagdinig ngayong araw, idinitalya ni Bernardo kung paano tumatanggap ng kickback ang ilang mga mambabatas.
00:33Ilang sa mga lumutang na bagong pangalan ay sinadating Sen. Grace Po, Sen. Mark Villar, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, dating Kalaokan Representative Mitch Kahayon Uy at dating Bulacan Representative Rita Robes.
00:50Batay sa sinumpa sa Laisay ni Bernardo, nakatanggap rin si dating Sen. Bong Rebilla ng kickback mula sa mga infrastructure projects kung saan naabot sa 25% ng 125 million pesos na halaga ng mga infrastructure projects sa Maynila, Bulacan, Valenzuela at Quezon City.
01:07After receipt of the 25% commitment, which were packed in 6 cardboard boxes, each containing at least 20 million, and one paper bag containing 5 million, I called up Sen. Villar to inform him the same is ready to be turned over to him.
01:21Nakakuha rin umano si dating Sen. Binay ng 15% ng 3.1 billion pesos na idinaan sa aid nito na nagngangalang Carlin Yap Villar.
01:31Aabot naman sa 213 million pesos ang nakuha umanong kickback ni Sen. Jingoy Estrada mula sa higit 800 million pisong halaga ng mga proyekto sa Bulacan.
01:4120% naman ang nasa 500 million piso na halaga ng proyekto sa Laguna at NCR ang nakolekta umanong kickback.
01:48Ni former Sen. Grace Poe na kinolekta ng isang kontraktor na nagngangalang misis patron sa isang five-star hotel.
01:55Hinikayat rin ni Bernardo ang iba pang mga sangkot na lumantad na at makipagtulungan sa investigasyon.
02:01Umalman naman ang ilang nasasangkot sa naging revelasyon ni Bernardo.
02:04Si Makati Mayor Nancy Binay, iginiit na wala siyang kinalaman sa anumang proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa flood control.
02:12Si Education Secretary Sani Angara, sinabi na kailanman ay hindi siya naging sangkot sa anumang korupsyon.
02:18Nanawagan naman si Sen. Mark Villar na maging mapanuri at huwag basta-basta humusgaan na nakabatay lang sa affidavit.
02:25Si former Sen. Grace Poe, ikinalungkot ang naging revelasyon ni Bernardo.
02:29Gayunpaman, suportado pa rin ito ang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure at muling iginiit na hindi siya sangkot sa katiwalian.
02:38Nang tanungin ng mga senador kung naisumite ng mag-asawang Curly at Sara Diskaya ang ledger na naglalaman ng pangalan ng kanilang mga nakatransaksyon na mga opisyal ng gobyerno, ito ang naging tugon.
02:49Nakakulong po ako sa detention. Katunay nga po sa ICI po nung nakaraan ay humingi po kami ng furlough yata ang tawag doon na mahanap ko po sana yung mga ledger na yun.
03:03So, hindi rin po sila gumawa ng sulat sa Senate po yung ICI. Balik, hindi ko po na-comply po, Your Honor.
03:12Dahil dito ay ipinag-utos ng kumite kay Curly na ilabas ang ledger at sinamahan ng Senate Security patungo sa kanilang bahay para kunin ito.
03:21Nang makabalik sa Senado, hindi pa kompleto ang ledger na nakuha ni Curly sa kanilang bahay.
03:26Batay sa inisyal ng listahan ng mga pangalan na nasa ledger ni Curly Diskaya, nasa listahan sinapasig Rep. Roman Romulo, Quezon City Rep. Marvin Rillo,
03:36Caloocan City Rep. Dean Asistio, Quezon City Rep. Patrick Vargas, Quezon City Rep. Marivic Pilar,
03:44Uswag Ilonggo Partilist Rep. Jojo Ang, former Presidential Assistant for the Visayas Undersecretary Terence Calatrava,
03:51at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
03:55Hindi dumalo ang mga mamabatas mula sa mababang kapulungan.
03:58Ayon kay House Speaker Faustino D., nais nila na maiwasan na magkaroon ng prejudice sa nagpapatuloy na investigasyon at magiging findings ng ICI.
04:07Kabilang sa mga hindi dumalo si na dating House Speaker at later Rep. Marvin Romualdes at dating Acubicol Partilist Rep. Saldico.
04:15Ayon naman sa abugado nico na si Atty. Ruy Alberto Rondain, nasa labas pa rin umano ng bansa ang dating mambabatas dahil sa medical reasons.
04:24Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.