00:00Sa isang news article, lumabas na nakakuha ang campaign donor ni Senate President Francis Escudero
00:07na halagang higit 5 billion pesos para sa flood control projects.
00:12Ang artikulong iyan lumabas sa kaparehas na araw nang may anunsyo ang Pangulo
00:16kaugnay sa 15 contractor na nakasungkit ng ilang proyekto.
00:20Agad pumalag si Escudero sa nasabing artikulo at tinawag itong malisyoso.
00:26Malisyoso ang artikulo, tiniming ang paglabas at tiniming talaga
00:30para ika nga idikit ito bagaman walang sinabi ang artikulong ginawa kong maliwag masama.
00:36Kaya for the record, wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work,
00:41pag-bid, pag-award, pag-bahay, pag-payad, pag-inspeksyon sa sarusugon man o sa labas ng lalawigan ng sarusugon.
00:48Nilinaw din ni Escudero na hindi siya kontraktor at hindi siya bahagi ng anumang negosyo
00:53na may kaugnay sa construction supply sa pamahalaan.
00:56Pero aminado siyang kaibigan at campaign contributor ang nabanggit sa artikulo.
01:01Pero hindi niya raw ito tinulungan.
01:03Hindi, wala at niwala sa artikulo yun. Yan na naman yung inwendo at insinuation.
01:08Hindi ako bahagi ng kanya negosyo. Sino ba yung mga mambabata sa topisal na gobyerno na aktual na kontraktor,
01:14aktual na may-ari noong mga kumpanya na nakakuha ng kontrata sa gobyerno?
01:21Tingin ni Escudero, demolition job ito laban sa kanya na may kaugnay sa impeachment
01:26at para o mano, maalis siya sa pwesto bilang SP.
01:29Bagamat walang pinangalanan si Escudero, pero may tingin na siyang nasa likod nito.
01:34Pero yung nangde-demolition job si inyo, taga-House?
01:37Yung nasa likod ng demolition job, SP, ay taga-House.
01:40Di ba nga, noong nakarang linggo naman, may video ang nilabas sa akin sa House at kung ano nung inwendo at insinuation na naman ang pinalabas?
01:46Iginagalang naman ang mga kongresista ang naging pahayag ng Senate Leader.
01:50Pero para kay House Deputy Speaker Ronaldo Puno, mas mainam na pangalala na lang ni Escudero kung sino ang kanyang tinutukoy.
01:58Masama yung pag-blanket na sinisiraan ako dito sa Kongreso.
02:02E lahat kami tinatamaan, ikaw, kaibigan ko si Senator Chis.
02:06Kung pati ba ako, nadamay na naman dyan sa akusasyon na yun.
02:09Hindi, walang ganyanan, walang huwag natin lalahatin.
02:13Siguro banggitin niya na ako sino yun para at least magkasagutan na sila.
02:17Si Sen. J. Vieherzito, pino na rin ang mga umano'y anomalya sa flood control.
02:22Ang matindi, may mga palpak na ngarawang kalidad, mayroon pa raw ghost projects.
02:28Hindi naman tayo santo lahat dito pero huwag naman tayo maging demonyo, di ba?
02:33Sobra na yun, kademonyo na yun, yung kikita ka na tapos
02:37hindi mo pa ididigoghost nyo pa.
02:40There's a special place in the hell reserved for those who are engaged in ghost
02:44and flood control projects na talagang dinaya at talagang pinatumpatungan.
02:51May reserva para sa inyo.
02:53Nauna na iginiit ng ilang senador na bukas ang Senado mag-imbestika
02:56sa umano'y anomalya sa flood control projects.
02:59Daniel Maranastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.