00:00Katotohanan at justicia, ito ang patuloy na panawagan ng mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs
00:07sa harap ng anibersaryo ng pagpapatupad ng naturang madugong kampanya.
00:12Panig ng mga biktima, may pahayag din kaugnay sa freeze order
00:16sa nakuhang pera kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng maaresto ito.
00:22Si R.R. Tubice sa Sentro ng Balita.
00:27Isang araw bago ang ikasampung anibersaryo ng pagpapatupad ng war on drugs
00:31ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:35patuloy ang panawagan ng pamilya ng mga biktima, katotohanan at justicia.
00:39Ayon sa kanilang abogado sa ICC na si Atty. Gilbert Andres,
00:43ito ang patuloy na hinihiling ng mga biktima habang umuusad ang kaso ni Duterte sa International Criminal Court.
00:49Ang panawagan po ng mga biktima, lalong-lalo na po papakating na po yung 10th year commemoration
00:54ng pagsimula ng war on drugs na talaga pong magkaroon po ng katotohanan at ng justicia
01:03sa nangyaring war on drugs po.
01:05At pinapanalangin din po nila na respetuhin po ng ating mga kababayan.
01:10Tukol naman sa hiling ng prosecution sa ICC na mabigyan sila ng akses sa ilang bagay na nakuha
01:16mula kay Duterte nang siya ay arestuhin na kinontra ng defense team ng dating Pangulo,
01:21may paliwanag si Andres.
01:22May duty ang prosecution sa ilalim po ng Article 54 na gumawa po ng investigasyon.
01:28So kung sa tingin niya po ang isang bagay na nakuha po sa isang detain niya ay mahalaga,
01:35eh kailangan niya pong i-justify po yan at i-apply po yan sa korte, sa chamber.
01:42At sa tingin ko po, yun po yung ginawa ng prosecution.
01:48Kaya kung i-base ko lang po sa final po ng prosecution,
01:52ang paniniwala po nila ay makakatulong yun sa investigasyon.
01:58Sa usapin naman na i-freeze ang anumang perang kasama sa mga bagay na nakuha mula sa dating Pangulo,
02:03nilinaw din ni Andres na hindi ito automatic freeze order sa bank accounts ni Duterte.
02:08Sa filing po ng defense noong June 26,
02:142026, ano na public-redacted version sa paragraph 3 po,
02:21the trial chamber granted the prosecution's request to freeze any money that had been seized
02:27and further ordered the registry to provide an inventory of the items obtained from Mr. Duterte upon his arrest.
02:36Hindi po ito freeze order sa anumang pong bank accounts po ni Mr. Duterte.
02:42Mali po yan.
02:43Kaya balik po tayo dun sa mga filings para accurate po.
02:47Sa huli, nasa trial chamber pa rin ang desisyon kung papayagan ang hiling ng prosecution
02:52at kung anong safeguards ang ilalagay para mapangalagaan din ang karapatan ng dating Pangulo.
02:57Samantala, kaugnay ng kumakalat na impormasyon tungkol umano sa ICC arrest warrant laban kay Sen. Bonggo,
03:03sinabi ni Andres na karaniwang nakasara o nakaselyo ang proseso ng pag-apply para sa isang ICC arrest warrant.
03:10Dahil gustugin pong pangalagaan ng ICC yung proseso na hindi po matunugan ng subject ng arrest warrant na meron nga
03:18siyang arrest warrant.
03:19At ang gusto po ng ICC, epektibo po ang pagpapatupad ng isang arrest warrant ng ICC.
03:25Kaya sekreto po ito, wala pong nakakaalam yan unless po naipadala na po sa kinaukulang sangay ng gobyerno.
03:36RR to Vice para sa Bayan
Comments