00:00Sa mga ka-RSP po natin dyan na nagbabalak palang magpunta ng palengke,
00:03alamin po natin ang pinakuning presyo ng ilang pangunahing bilihin
00:06para tayo makapag-budget.
00:08Si Carlo Candelario sa Detalye Live.
00:10Carlo.
00:14Rise and shine, Diane.
00:15Paiba-iba yung naging paggalaw ng presyo ng ilang pangunahing bilihin dito sa kamuning market.
00:20Yung presyo ng mga karne bahagyang bumaba
00:22habang may nakita naman tayong pagtaas sa presyo ng ilang mga gulay.
00:27Ang manok nasa 220 ang kada kilo.
00:30Ang baboy, nasa 350 pesos per kilo ang laman.
00:32Pero kung medyo tight ang budget pero gusto pa rin ang pork,
00:35pwedeng bumili ng buto-buto na nasa 270 pesos per kilo.
00:39Ang paborito ng karamihan na liyempo, nasa 420 ang kada kilo.
00:43Sa baka naman, 520 pa rin ang laman.
00:46Pero kung gusto mo ng buto-buto pang caldereta o nilaga,
00:49nasa around 430 pesos ang kada kilo niyan.
00:52Para sa mga gusto ng seafood,
00:53nasa 240 pesos per kilo ang presyo ng bangus
00:56habang nasa 150 to 180 pesos per kilo naman ang tilapia.
01:00Ang galunggong naglalaro sa 200 to 240 pesos ang kada kilo.
01:04Ang pusit, nasa 350 pesos per kilo.
01:06At depende naman sa laki,
01:07ay nasa 390 to 450 pesos ang kada kilo ng hipon.
01:12Kung gusto mo naman ang masarap na seafood
01:13pero medyo nagtitipid,
01:14ay mabibili ang tahong na nasa 140 pesos per kilo.
01:18Nasa 7 to 10 pesos naman per piraso ang itlog,
01:20depende rin sa laki.
01:22Sa mga gulay naman,
01:23ang bawang nasa 150 pesos ang kada kilo,
01:26habang parehong nasa 100 pesos ang kada kilo
01:28ng sibuyas na pula at puti.
01:29Ang kamatis,
01:30naglalaro sa 70 to 80 pesos per kilo.
01:33Samantala, narito naman ang presyo
01:34ng ilan pang mga pangunahing gulay.
01:37Daya,
01:37ayon sa ilang nagitinda dito,
01:38nag-iiba-iba ang presyo ng karne
01:40pero karamihan naman ay bumaba
01:41gaya ng baboy na ngayon ay nasa 350 pesos per kilo.
01:45Ang ilang gulay naman,
01:46bahagyang tumataas na rin ang presyo
01:47dahil mahal na umano ang pasa ng ilang supplier.
01:50Samantala,
01:51patuloy ang Department of Agriculture
01:52sa pagsasagawa ng inspeksyon
01:54sa iba't ibang mga palengke
01:55para tiyaking sumusunod
01:57sa tamang presyo ang mga nagtitinda.
01:59Nauna nang naglabas ng price cap
02:01sa imported na bigas
02:02ng hanggang 50 pesos per kilo
02:03habang pinag-aaralan naman ng DA
02:05ang pagpapataw ng price cap
02:06sa presyo ng yempo at carrots.
02:09Sa nakikita natin dito,
02:10sumusunod naman yung mga nagtitinda
02:12doon sa itinaktang price cap
02:13sa imported rice na 50 pesos per kilo.
02:16Daya,
02:17dito naman sa harap ng kamuning market
02:18ay makikita mo sa aking likuran
02:20na tuloy-tuloy pa rin yung bentahan
02:21ng 20 pesos per kilo na bigas
02:23doon sa kadiwa ng Pangulo outlet dito.
02:26At yan mga ng pinakasariwang balita
02:28mula rito sa kamuning market.
02:29Balik sa inyo.
02:30Maraming salamat, Carlo Candelaya.
Comments