Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
D.A., inilatag ang inihandang tulong para sa mga magsasaka at boat operators na apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo | ulat ni Regine Lanuza ng PTV Davao

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilatag ng Agriculture Department ang ilang hapbang para matulungan ang mga magsasakang gumagamit ng traktora sa harap ng mataas na
00:07presyo ng produktong petrolyo.
00:09Bukod sa mga magsasaka, malaki na na epekto ng mataas na presyo sa mga boat operator.
00:14Inang ulat ni Regine Lanouza ng PTV Davao.
00:19Inihahanda na ngayon na magsasakang si Joel mula sa Tugbuk Davao City ang kanyang palayan upang matamnan.
00:26Patuloy din ang kanyang pag-i-spray ng herbicides upang mamatay ang mga damo na tumutubo sa kanyang palayan.
00:32Ngayong Marso 20, gagamit na siya ng baobao o hand tractor upang maihanda ang lupa na tatamnan ng palay.
00:39Ngunit nababahala na siya ngayon pa lamang.
00:41Sa mga gastusin, dahil ilang litro ng gasolina ang kakailanganin para rito.
00:46Noon, nasa mahigit 4,000 piso ang kanyang ginagastos para rito.
00:51Dahil bukod sa gasolina, kakailanganin pa niyang umupa ng baobao.
00:55Bukod pa riyan, nababahala din siya sa pagtaas ng presyo ng mga abuno o fertilizers ngayon.
01:01Problema pa rin dahil hindi pasigurado kung magtatagumpay ang kanyang pagtatanim ng palay.
01:06Luwi kayo ang mga paramilisan niya, ma'am.
01:10Kaya karun, lisod kayo, mahal pa kayo mga palitonon.
01:15Kayonpaman, ang tanggapan ng Department of Agriculture ay gumagawa na ng hakbang upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
01:22Naglabas na ng kautosan ang nasabing tanggapan upang mapabilis ang ibibigay na subsidiya upang hindi rin maapektuhan ang produksyon na
01:29pagkain sa panahon ng anihan.
01:31Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, may inilaan ng pondo para sa mga magsasaka.
01:37Mula sa nasabing pondo, manggagaling ang tiglimang libong piso na ibibigay sa bawat magsasaka.
01:42Pinalalakas din ngayon ng nasabing tanggapan ang paggamit ng organic at biofertilizers
01:48sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa na epekto ng patuloy na kaguluhan sa Middle
01:54East.
01:55Bukod sa mga magsasaka, ay nararamdam na rin ngayon ang epekto nito ng ibang mga operator
02:00ng maliliit na bangka dito sa Santa Ana Wharf na nag-aalok ng island hopping sa Davo City
02:05na may biyahe patungong Taligod Island at sa ibang bahagi ng Island Garden City of Samal o Igaco sa Davo
02:12del Norte.
02:13Ayon sa boat captain na si Rixi, umaabot sa mahigit 30 litro ng diesel ang kanilang nagagamit sa bawat araw
02:20na biyahe
02:20patungo at pabalik ng Santa Ana Wharf mula sa Samal.
02:25Taas ang diesel, tapos bagyo-bagyo, hangin, dako kayo nawala sa pan, pangailan natin po.
02:37Ayon naman sa boat captain na si Rayron Mill, sa 9,000 hanggang 15,000 pesos nilang kita sa bawat
02:44araw na biyahe
02:44mahigit 4,000 rito ang napupunta sa gasto sa krudo nung hindi pa na ipapatupad ang staggered fuel price hike
02:52at ang matitira, hahatian pa nila ng kanyang mga kasamahan.
02:58Isinawalat naman ang boat operator na si Louie na hindi sila pinapayagan na ilang gasoline station sa lungsod
03:04na makakabili ng diesel o makapa full tank sa kanilang mga container na gagamitin para sa kanilang mga bangka.
03:11Mingun sila na akoan daw, dito pwede magkuhan, mag-tobel, kinuntiner, kinuntiner, wala yung mga darikot.
03:17Kaugnay nito, mahigpit na nagbabala ang Department of Energy o DOE sa lahat ng gasoline stations
03:23laban sa hoarding at paglilimita sa pagbibenta ng krudo.
03:27Ayon sa DOE, ang mga gasolinaan na mahuhuling nagtatago ng supply at naglilimita sa pagbibenta ng fuel
03:34ay posibleng bawian ng Certificate of Compliance o ipahinto ang kanilang operasyon.
03:39Mula sa PTV Davao, Regine Lanuza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended