Skip to playerSkip to main content
Marcos orders govt agencies to fortify school safety measures amid school violence

President Ferdinand Marcos Jr. on June 27, 2026 directs relevant agencies and local government units to strengthen safety measures in schools following a series of violent incidents involving minors in recent weeks. In his vlog, the President said it was 'heartbreaking and horrifying' that the youth could commit crimes due to underlying issues such as bullying.

VIDEO COURTESY OF PRESIDENT MARCOS FACEBOOK

Check out our Streaming Channel: https://streaming.manilatimes.net/

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#LocalNews
---------------------------------------------------------------------/

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong araw, hindi lamang bilang Pangulo ang aking pananalita,
00:04kundi bilang isang ama, bilang kapwa Pilipino,
00:08at bilang isang taong lubos na nag-aalala sa kaligtasan ng ating mga anak.
00:19Sa mga nakaraang linggo na saksihan ng ating bansa,
00:23ang ilang nakakalungkot at nakakapangilabot na trahedyang kinasangkutan ng mga kabataang Pilipino.
00:30Sa Takloban, may mga buhay na nawala at madami ang nasaktan sa isang nakagigimbal na insidente
00:37na pamamaril sa loob ng paaralan na kinasasangkutan ng mga estudyante.
00:42Sa Kabite naman, dalawang insidente ng paggamit ng patalim at pananaksak sa loob ng paaralan
00:49ang naitala sa loob lamang ng isang linggo.
00:52Ayon sa mga paunang ulat, posibleng may kahugnayan sa bullying ang mga pangyayari.
00:58Isang bagay na kinakaharap ng maraming kabataang ngayon,
01:02nagpapatuloy pa rin ang imbistigasyon.
01:05Ilang araw lamang bago dito, dalawang mahuhusay na student-athlet naman
01:10ang nasawi sa pagkalunod habang nasa isang team-building activity.
01:15Ang kanilang pagpanaw ay nagdulot ng matinding dalamhati at pati na rin galit
01:21hindi lang sa kanilang pamilya kundi sa maraming nating kababayan.
01:27Nakakadurog talaga ng puso.
01:29Magkaiba man ang mga pangyayaring ito, iisa ang mensaheng ipinapakita nila sa atin.
01:35Kailangan maprotektahan ang ating mga kabataang.
01:39Maprotektahan laban sa karahasan, maprotektahan laban sa kapabayaan, maprotektahan laban sa panganib,
01:47at maprotektahan laban sa mga tahimik at pinagdaraanan at pasaning dinadala ng marami sa kanila.
02:04Ang parlan ay dapat making lugar ng pagkatutok, pangarap at pagunlad,
02:10hindi lugar kung saan nangangamba ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
02:16Kaya naman, inatasang ko ang ating mga ahensya sa edukasyon, kapulisan, kalusugan, at lokal na pamahalan
02:24na higit pang palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong bansa.
02:31Ngunit hindi sapat ang pagkilos ng pamahalan lamang.
02:34Dapat manatiling aktibong bahagi ng buhay ng kanilang mga anak ang mga magulang.
02:39Dapat ipagpatuloy ng mga guru ang kanilang tungkulin, hindi lamang bilang tagapagturo, kundi bilang mga gabay at tagapayo.
02:48Dapat ring tiyakin ng mga paralan na mahigpit na nasusunod ang mga panuntunan sa kaligtasan.
02:55Sa loob man ng silid-aralan, sa mga field trip, training cup, o iba pang mga gawain pang eskwela.
03:02At bilang isang lipunan, kailangan maibalik ang pagpapahalaga sa buhay ng tao.
03:08Pagtuturo ng tamang asal, pag-uugali at pag-iisip, higit pa sa anumang deksyon sa silid-aralan.
03:21Sa bawat estudyanteng nanunood ngayon, mahalaga ang inyong buhay, mahalaga ang inyong mga pinagdadaanan,
03:28at ang paghingi ng tulong ay hindi kailanman tanda ng kahinaan.
03:33Sa mga magulang naman, huwag maliitin ang halaga ng isang simpleng pag-uusap kasama ang inyong anak.
03:40Minsan, ang pinakamahalagang proteksyong maibigay natin sa ating mga anak ay ang ating oras, atensyon, at pagdunawa.
03:49Sapagkat ang tunay na lakas ng ating bansa ay nakasalalay sa kaligtasan, kapakanan, at mga pangarap ng susunod na henerasyon.
03:58Maraming salamat po. Mabuhay ang kabataang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas.
04:06My god, my god.
04:08My god.
04:18My god, my god.
04:20I'm your God.
04:20You

Recommended