00:00Binatikos ni Sen. Ping Laxon, ang halos isang buwang termino ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President.
00:06Sabi ni Laxon, P700M ang nasayang, P25M daw kada araw ang budget ng Senado, multiplied sa 28 days ni Cayetano
00:16bilang Senate President.
00:18Tapos ang output lang daw ay gulo noong May 13.
00:22Ang ani ay pagtakas ni Sen. Bato de la Rosa, pagboykot ng Cayetano block sa sesyon, bigong destabilization attempt at
00:29hindi otorizadong committee hearing.
00:31Sagot ni Cayetano, grupo raw ni Laxon ang dahilan kung bakit hindi nakapagtrabaho ang Senado.
00:37Tanong pa ni Cayetano, bakit hindi gamitin ni Laxon ang galing niya sa pag-iimbestiga at paharapin sa investigasyon ng
00:44labing walong dating bodyguards ni Zaldico.
00:49Sila po ang ayaw magtrabaho. Hindi po sila naglagay ng mga membro para hindi mag-function yung mga committee.
00:56Magaling kang mag-imbestiga eh. Pero ngayon bakit? Panay-comment mo na lang sa mga witnesses pero ayaw mong humarap
01:02sila sa committee.
01:03Ang problema doon, Igan, alam naman natin pareho na talagang antumbok lang para makapag-destabilize.
01:10Welcome namang dumalo sa Blue Ribbon pero ayaw nila, gusto nila puro press con.
01:17Inalmahan din ni Cayetano ang pang-iinis daw sa kanya ng magkapatid na Sen. Rafi at Erwin Tulfo, lalo na
01:24raw sa paggamit ng Facebook Live ni Cayetano.
01:27Wala pang reaksyon ang magkapatid na Tulfo.
01:33Wala pang reaksyon ang magkapatid na Tulfo.
Comments