00:00Ibinasura ng Taguig City Prosecutor's Office
00:03ang reklamang perjury ni Vice President Sara Duterte
00:05laban kay Ramil Madriaga
00:07na nagpakilalang dating aide at bagman umano ng BC.
00:11Ayon sa piskal, dahil po yan,
00:13sa kawalan ng prima facie evidence
00:15o pauna ebedensya bilang batayan
00:17upang mahatulan ang inire-reklamo sa korte.
00:20Ang reklamang perjury ay pagsisinungaling
00:22sa sinumpaang salaysay.
00:23Nag-ugat ang reklamo sa affidavit ni Madriaga
00:26kung saan nakasaad na nag-deliver siya
00:28ng milyong-milyong pisong confidential funds,
00:31bagay na kinontra ni Duterte sa kanyang reklamo.
00:34Napasinungalingan daw ang mga sinabi ni Madriaga
00:37sa pamamagitan ng mga sertifikasyon
00:39mula sa Presidential Security Command
00:40at iba pang tanggapan.
00:42Ayon sa piskal, hindi sapat na nagharap
00:45ng ebedensya ang kumukontra sa sinabi ni Madriaga.
00:47Dapat daw ay nagsumite
00:49ang nagre-reklamo ng patunay na batid ng respondent
00:52na hindi totoo ang kanyang pinanumpaan.
00:55Ang kampo naman ni Duterte tinawag na political decision
00:58ang naging desisyon ng piskal.
01:00Iginiit nila na ang mga isumite nilang ebedensya
01:02ay malakas na patunay
01:04na nagsisinungaling si Madriaga.
01:07Hindi raw sila magpapatinag
01:09at gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang
01:11kaugnay nito.
01:13Tuloy pa rin daw ang ikalawang perjury complaint
01:15laban kay Madriaga.
01:17Sa isang pahayag, sinabi naman ang abogado ni Madriaga
01:19na ang pagbasura sa reklamo
01:21ay mahalagang pagpapatunay raw
01:23ng posisyon ni Madriaga.
01:28Altyazı M.K.
Comments