Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
DOE, tiniyak sa pagdinig ng Kamara na sapat ang supply ng langis sa bansa; Pamahalaan, bumili na rin ng 2-M bariles ng langis | ulat ni Vel Custodio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umarangkada na ang Joint Committee Hearing sa Kamara kasama ang ilang kagawaran gaya ng Energy Department para talakayin ang sitwasyon
00:07ng Energy Emergency sa bansa.
00:09Ang detalye sa report ni Vel Custodio.
00:15Tiniyak ng Department of Energy sa Joint Committee Hearing ng Kamara na sapat pa ang supply ng langis sa bansa
00:22sa kabila ng pagtaasang presyo sa pandaigdigang merkado.
00:26Sa pagdinig, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na may sapat na imbentaryo ang bansa na katumbas ng mahigit limampung
00:35araw at tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga supply mula sa ibang bansa.
00:39Bumili na rin ang gobyerno ng dalawang milyong bariles ng langis na kasya sa sampung araw.
00:45Gayunpaman, aminado ang DOE na limitado ang storage capacity ng bansa sa humigit kumulang na anim napung araw.
00:53Aniya, hindi rin maaaring magtakda ng price kapang ahensya, ngunit pinaiigting ng DOE ang pagbabantay laban sa hoarding at profiteering.
01:02Tinalakay din sa pagdinig ang oil deregulation law.
01:06Pag bumaba ang world price ay may mga pagkakataon, malaki pa ang agwat na hindi bumababa yung domestic prices.
01:17Kaya merong windfall profits na tinatawag sobra-sobrang kita ang mga oil companies sa panahon ng crisis.
01:25Mungkahi niya, baga materegulated, dapat isa publiko ng Energy Department ang actual cost sa pinagbabatayang presyo.
01:33Ayon pa sa ilang mamabatas sa kapag by state of emergency, may kapangyarihan ng gobyerno para magtatagang price cap o
01:40price control sa kerosene at LPG.
01:43Nakatakda namang bumuo ng subcommittee para talakayin ang mga short-term at long-term solutions kabilang ang oil deregulation law.
01:51We need a plenary session para nandun lahat ang concerned government agencies.
01:56And then from that point on, kung ano yung recommendations is we will break up into subclusters.
02:02Whether it is the energy cluster, the agri cluster, the transportation cluster.
02:07Para doon balangkasing kung ano yung mga kinakailangan.
02:10Again, for what purpose is to make the economy more resilient so that we are able to sustain oil price
02:17shots in the future.
02:18Samantala, isinulong ni sa pagdinig ang diskwento sa pamasahe para sa mga pampublikong sasakyan at ang pagpapalawak ng renewable energy
02:27para mabawasan ang epekto ng tensyon sa Middle East.
02:31We have already allocation for the fuel subsidy for transport sector of 2.5 billion that is coming from the
02:382025 continuing appropriations plus the service contracting.
02:43Sinabi rin ni Acting Budget Secretary Rolando Toledo na may mahigit 200 bilyong piso na maaaring gamitin para sa targeted
02:51na tulong laban sa pagtaas sa presyo ng langis.
02:55Halos 10 bilyong piso naman ang presidential assistance para sa magsasaka at mangingisda upang matulungan ang produksyon at logistics cost.
03:03Nananawagan naman si Kamanggagawa Partilist Representative Ellison Fernando sa mga economic managers para sa taas-sahod lalo na para sa
03:13mga minimum wage earners para hindi lamang umasa sa ayuda.
03:17Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa mga alternatibong pagkukuna ng langis at fertilizers habang patuloy na
03:25tinitiyak ang safe passage ng mga Filipino seafarers sa Strait of Hormuz.
03:30Pinag-uusapan din ang kinakailangang pondo at dagdag-suporta para sa repatriation ng mga kababayan nating naninirahan at nagtatrabaho sa
03:39kitang silangan.
03:40Binigyan din naman ni House Speaker Faustino Bojie D. III ang kahalagahan ng koordinasyon ng pamahalaan para agarang matugunan ang
03:48epekto ng pagtaas sa presyo ng langis, pamasahe, kuryente at mga pangunahing bilihin.
03:55Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended