Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Maynilad, tiniyak na sapat ang supply ng tubig sa harap ng posibleng epekto ng El Niño; mga pinagkukunang tubig, pinalawak na rin | ulat ni Carlo Candelaria

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tiniyap ng Maynilad na sapat ang supply ng tubig na irarasyon sa kanilang mga customers sa kasulukuyan.
00:07Bilang suporta rito, pinapalawak na rin nila ang mga pinagkukuhanan ng tubig tulad sa pagpapatayo ng mga water treatment plant.
00:15Si May Report, si Carlo Candelaria.
00:21Sa gitna ng nakaambang epekto ng El Niño at iba pang extreme weather events,
00:25tiniyak ng water concessionaire na Maynilad na handa itong tugunan ang posibleng pagtaas ng demand sa tubig at pagpaba ng
00:32supply nito sa kanilang mga concession area.
00:34Sabi ni Engineer Ian Abiera III, spokesperson ng Maynilad Water Supply Operations,
00:40nananatiling stable sa ngayon ang supply sa 48 cubic meters per second na water allocation nito,
00:46sapat upang matugunan ang pangailangan ng kanilang mga customer.
00:49Ayon sa kumpanya, pinalawak na rin ng Maynilad ang pinagkukunan ng tubig sa pamamagitan ng mga water treatment plants sa
00:55Laguna Lake,
00:56modular treatment facilities at iba pang alternatibong water resources upang mabawasan ang pagdepende sa anggat dam.
01:02We recognize all scenarios at pinaghahandaan po namin.
01:07Yung si Laguna Lake, malaki po yung ginagampan niyan sa preparedness natin.
01:11New water, si modular treatment plants, and equals.
01:13Marami tayong iba pa pong forbs ng alternative water sources na naka-incorporate po dun sa planning natin
01:20sa pagpaprovide ng augmentation, additional na supply sa water supply system ni Maynilad.
01:27Patuloy rin ang rehabilitasyon ng mga linya ng tubig para mabawasan ang tinatawag na non-revenue water o NRW.
01:33Ito yung mga nawawala o nasasayang na tubig dahil sa mga tagas, dulot na mga lumang tubo at iligal na
01:39koneksyon.
01:39Noong 2025, umabot sa 256 million liters kada araw ang tubig na naibalik sa sistema matapos ang mga isinagawang leak
01:47repairs, maintenance, at pipe replacement.
01:50Ayon sa Maynilad, mula sa mahigit 66% non-revenue water noong 1997, bumaba na ito sa 30.7%
01:57ngayong unang quarter ng 2026,
01:59habang target ng kumpanya na mapababa pa ito sa 25% pagsapit ng 2027.
02:04Nakatuon po ngayon si Maynilad sa prevention and preparedness po for El Niño using these new buffers and new measures
02:12po sa ating sistema.
02:14Dagdag pa ng kumpanya, nakahanda rin ang kanilang mga water tankers sa bawat business area sakaling magkaroon ng kinakailangang water
02:21rationing.
02:21Pinayuhan din ang mga customer na bisitahin ang kanilang official Facebook page,
02:25tumawag sa hotline 1626 o magparehistro sa kanilang SMS notification service para sa mga abiso, kaugnay ng mga nakatakda, at
02:32emergency water service interruptions.
02:35Carlo Luis Candelaria para sa Bayan.
Comments

Recommended