- 2 days ago
Paano kung ang sikat ng araw ay hindi lang pinagmumulan ng kuryente, kundi nagbibigay rin sa komunidad ng libreng pagkain, kape o kahit kagamitan sa sakahan?
Sa isang nayon kasi sa South Korea, ang solar energy ay hindi lang nagpapailaw ng mga bahay. Ang kita mula rito ay ibinabalik sa komunidad upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente— mula sa libreng pagkain hanggang sa libreng transportasyon.
Paano nga ba ito nagiging posible? Panoorin ang pinakaunang dokumentaryo ng aming guest host na si Bam Alegre.
Sa isang nayon kasi sa South Korea, ang solar energy ay hindi lang nagpapailaw ng mga bahay. Ang kita mula rito ay ibinabalik sa komunidad upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente— mula sa libreng pagkain hanggang sa libreng transportasyon.
Paano nga ba ito nagiging posible? Panoorin ang pinakaunang dokumentaryo ng aming guest host na si Bam Alegre.
Category
😹
FunTranscript
00:00.
00:09Handog ng haring-araw ang mga sinag na makapangyarihan.
00:16Nagbibigay ito ng init at liwanag,
00:19na kinakailangan ng mga nila lang para mabuhay.
00:24Para sa bansang tulad ng Pilipinas na sagana sa sikat ng araw,
00:29biyaya itong maituturing.
00:34Pero ang enerhiya sanang maibibigay nito,
00:37na pwedeng pagmula ng kuryente,
00:40nakalulungkot na hindi madaling makamit
00:42dahil sa mahal ang magpakabit ng solar panels.
00:47Pero, ibahin niyo raw ang South Korea.
00:50Isang nayon kasi rito ang opisyal na binansagang
00:54Solar Income Village
00:56dahil sa paggamit nila ng solar energy.
01:07Sa katunayan, ang lahat ng kabahayan, opisina,
01:11pabrika at iba pa,
01:13pinalilibutan ng mga solar panel.
01:17Naaangkop din daw silang tawaging Sunlight Income Village
01:20dahil imbis na gastos ang dala,
01:22ang solar energy, pinagkakakitaan pa nila.
01:26Sana all na lang talaga.
01:29Pero higit pa sa anumang halaga,
01:32ang liwanag, sumisimbolo raw ng pag-asa.
01:36Upang manumbalik ang sigla
01:38at sumikat ang bagong simula
01:40sa kanayunan ng guyang ri,
01:43araw man o gabi.
01:50Ang solar energy,
01:52isang halimbawa ng renewable energy
01:54na malawakan ng ginagamit sa kasalukuyan.
01:59Ito'y enerhiya na nagmumula sa likas na yaman
02:03na hindi nauubos
02:04at patuloy na napapalitan ng kalikasan.
02:11Binisita ko ang isang lugar sa Gyeonggi Province
02:14na may katangi-tanging halimbawa
02:17sa paggamit ng solar energy.
02:20Ito ang komunidad ng guyang ri.
02:22Dito yan sa probinsya ng Gyeonggi
02:24sa South Korea.
02:26Ang populasyon nito ay humigit kumulang
02:28120 na mga tao lamang.
02:31Karamihan, mga senior citizens.
02:33Pero titignan nyo naman yung lawak ng lugar.
02:352.5 million square meters yan.
02:38Katumbas yan na halos
02:40Bonifacio Global City o kaya Ortiga Center.
02:42Ganon kalawak.
02:43Pero ang konti ng tao,
02:45effort para magkita-kita sila.
02:47Pero ang kakaiba sa komunidad na ito,
02:49meron silang napakaraming mga solar panel
02:52na pagmamayaari ng komunidad.
02:57Ginagamit ang naturang village
02:59ng national government ng South Korea,
03:02particular ang Ministry of Climate, Energy, and Environment
03:05bilang blueprint
03:06para sa programa nitong solar income village
03:10kung saan isinusulong ang paggamit ng renewable energy
03:13at matulungan ang lokal na ekonomiya.
03:17Lahat ng nakolektang solar power dito
03:19ay dinadala dito sa inverter
03:21sa ating likuran
03:22para makonvert ito
03:23sa isang uri na enerhiya
03:24na maring magamit ng power grid
03:27ng buong Korea.
03:28Salamang ito
03:29sa anim na hilera
03:31ng kumpul-kumpul
03:32na solar panels
03:33dito
03:34sa Guyang Ri.
03:35Sa madaling salita,
03:37kumikita ang Guyang Ri village
03:40sa pagbebenta ng mga kuryenteng nagagawa
03:42mula sa kanilang community solar power cooperative
03:46sa pumamagitan ng grid
03:48ng Korea Electric Power Corporation.
03:52Kaagapay ang gobyerno ng South Korea,
03:54ang mga residente ng Guyang Ri
03:57ang nagpundar ng mga solar panel na ito.
04:00Inilagay sa mga bakanteng lupang tulad nito
04:04na hindi ginagamit para sa agrikultura.
04:07What are we seeing here?
04:09These are the solar cells that power the village.
04:14And this also, this angle is important
04:17to have the sunlight directly.
04:20Oh, so you were able to,
04:22before you created this,
04:24you studied where the sun is positioned
04:26and then it has to be in an angle.
04:29And also, this distance is also important.
04:32When this, the shadow of this
04:35does not come in the way out here.
04:38For example, these panels,
04:40how much electricity can it generate?
04:43I heard just one panel, 600 watts.
04:47One panels are one square?
04:49Yes, one square.
04:54Wala namang kakaiba sa teknolohiya ang gamit nila
04:57para mangalap ng solar energy.
05:00Photovoltaic cells din ang gamit nila
05:02at meron na rin ito sa Pilipinas.
05:06Pero, ayon kay Jung Hoon Yang,
05:09ang team manager mula Korea Energy Agency,
05:12naging prototype ang Goyang Ri
05:14dahil ang kinikita ng rural village na ito
05:16sa mga solar panel,
05:19napupunta sa isang community fund
05:21at nagagamit para sa kapakanan ng lahat.
05:26And as for the Goyang Ri village,
05:28the village that we are here right now,
05:30it is the first case in point
05:32where 100% of the residents
05:34have actually participated in the project.
05:40And a lot of interest
05:41has been shown to this project nationwide.
05:44So our goal this year
05:45is to designate 700 villages
05:48that will be initiating this project.
05:51Ang partisipasyon ng mga residente
05:53hindi raw ganito noong una
05:55dahil marami raw ang tumutol sa proyekto.
06:00First of all reason was because
06:02it damages and harms
06:04the natural landscape of the village.
06:08Paano nga ba ginagamit ng Goyang Ri
06:10ang community fund mula sa solar energy?
06:14Susundan natin ang isang residente
06:16papunta sa isang lugar
06:17kung saan walang palya
06:20ang pagbisita ng buong komunidad.
06:24Ito ang cafeteria ng Goyang Ri.
06:40We're joined by our interpreter, Minji.
06:43Hello!
06:43And she'll introduce me to the cafeteria.
06:46Okay?
06:47So over here, we have the head chef
06:50as well as the residents of the village
06:52who assist us in making all this possible
06:55in the restaurant.
06:58Dito sa cafeteria ng Goyang Ri
07:01Libre ang pagkain!
07:07Hello!
07:09When you cook food, usually for how many people?
07:15I make food for about 30 to 35 people.
07:19Ayon kay Chef Sain Kim,
07:22ang general manager ng Goyang Ri village
07:24ang bumibili ng mga sangkap sa palengke.
07:27Ang gastos,
07:28nagkakahalaga ng 5 to 6 million won
07:31kada buwan.
07:32O humigit kumulang 200,000 pesos.
07:37I feel very happy and also, I feel a lot of joy
07:41in making and preparing the food for the villagers,
07:43our neighbors and other people, residents in the village.
07:49I don't really want to eat.
07:51but this is Korean zucchini.
07:53And we're only performative today
07:55ngayon,
07:55papanggap lang ako na.
07:56Chef.
08:05I'm hot!
08:06I'm hot!
08:07I'm hot!
08:08I'm hot!
08:10I'm hot!
08:10I'm hot!
08:12I'm hot!
08:15I'm hot!
08:17Ang village chief ng Goyang Ri na si John Ju Yong
08:20ang nakaisip na gamitin ng community fund
08:23mula solar energy
08:24sa libreng pananghalian
08:26mula lunes hanggang sabado ito
08:29para sa lahat ng mga residente.
08:33One of the biggest traits about this village is that
08:36the villagers and the residents of the villages
08:39are actually the owners of the solar panels here.
08:42So the profit that we have been able to gain from this project
08:46100% of it is used for the welfare of the village
08:50rather than being allocated to individuals.
08:53So the profit is inserted in many different projects and businesses within the village.
08:59Sir, can you show us how does this technology work?
09:03So we have two different parts of the panel
09:06but one over here is for consumption for the villagers
09:09and the one over here is for commercial use.
09:12So this is used for profit.
09:17Dito sa pamayanan ng Goyang Ri,
09:19February 2022 sila nagsimula dito sa Sunlight Income Village.
09:23May 2024 sila nagsimula ang kumita
09:25at mula noon,
09:2710 million won yung kanilang estimate
09:29na kinikita ng komunidad
09:31kada buwan.
09:31Nabawas na dyan yung expenses.
09:33Ito'y katumbas ng humigit kumulang
09:35410,000 pesos monthly.
09:40Ang community fund ng Goyang Ri
09:43ipinagkakatiwala nila sa kanilang general manager
09:45na sineswelduhan nila.
09:47What is your system in place
09:49to make sure that every member of the community
09:53knows how the funds are being spent?
09:56As for the community fund,
09:58we prioritize welfare provisions
10:00for the villagers to benefit
10:01and to experience something positive from the fund.
10:07Bukod sa libreng pagkain para sa mga residente,
10:10isa pang pinaglalaanan ng community fund ng Goyang Ri
10:13ang libreng transportasyon
10:15na umiikot sa buong village.
10:18Happy bus kung tawagin nila ito.
10:21So Myunji, what do we have here?
10:23What does this say?
10:24So this literally means Goyang Ri.
10:26This is the place here?
10:27Yes, this is the name of the village.
10:29And Hengbok bus.
10:32So this means happy and this is bus.
10:35So it's Goyang Ri, happy bus.
10:36Ayan.
10:57Ayan.
10:57Oo.
10:57So sakay tayo ngayon.
10:59Ang tinatawag nila na happy bus.
11:01Pero hindi naman talaga sya bus.
11:02SUV sya.
11:03Pero ang maganda rito,
11:05ito mismong sasakyan
11:07ay binili nung community fund
11:09na na-generate nung sunlight income village.
11:12At pati yung operation nito,
11:14ito yung ginagamit para magkaroon ng transportation
11:16yung karamihan ng mga residente
11:18na mostly senior citizens.
11:20Hi!
11:30For someone like you with a problem with your knees,
11:36how helpful is this bus?
11:39Yes, it is helpful for me because I use this bus to go to the hospital.
11:43I also use this bus when I want to go sightseeing
11:46or when I want to go out and eat.
12:07Matapos ang libreng lunch,
12:09group merienda naman sila sa cafe na ito para mag-unwind.
12:15Libreng pakapi naman,
12:16nasagot pa rin ng community fund ng Guyang Ri.
12:21Nagagamit na rin ang solar energy community fund ng Guyang Ri
12:25para sa kanilang kabuhayan.
12:28Karamihan sa mga residente,
12:30mga magsasaka.
12:33Nakakakuha sila ng pondo para sa maintenance
12:36ng mga heavy equipment nila para sa pagsasaka ng bigas.
12:41Kabilang ang Guyang Ri sa Gyeonggi Province,
12:44natanyag para sa kalidad ng bigas dito.
12:49At kapag pinag-uusapan ng bigas,
12:52may taonang ritual ang mga taga South Korea.
12:56Nakita niyo may saot tayo na orange boots.
12:59Bala makikilahok tayo sa isang rice transplanting ritual
13:02na dinadaluhan ng mga villagers
13:05mula sa Sunlight Income Village,
13:07pati yung ibang mga kalapit na mga komunidad.
13:12Tongilbio ang tawag sa seremonya nito.
13:21So, as you are aware, Korea is divided into two parts,
13:28the North and the South.
13:30And this is the part of the land specially for a longing to unification of two Koreas.
13:36So, we wanted, we actually send rice that has actually used in our farmland
13:42because it's divided at this point longing for unification.
13:47Kapag sinuswerte ka nga naman, may nakilala pa ako ritong kababayan.
13:52Hi!
13:53Hello po!
13:54Mga gandang araw, may kababayan dito.
13:57Anong bakit ka nandito sa may rice transplanting ritual?
14:02Para ma-experience po yung trabaho ng mga farmers.
14:10Ito yung bahagi ng kanilang ritual.
14:12Ilalagay nila yung mga palay dito
14:14bilang simbolismo rin ng pagsisimula ng kanilang pagtatanim.
14:20Okay, ito yung halimbawa ng kanilang palay.
14:23Tingnan nyo naman, nakatanim na dito sa mga, parang banig ba siya?
14:31Kumbaga, ilalagay na lang.
14:33Pero, yung iba, isa-isa rin ilalagay yung mga palay.
14:36Saradji ah!
14:37Pagdating sa disiplina, paano mo ilalarawan itong mga Koreans?
14:41I think, maalis ko yung disiplina. Sobrang maalis.
14:56Pinaglalaanan din ang panahon ng mga taga-kuyang Ri ang kanilang pagiging fit.
15:02Kaya naman, isa rin ang sports sa ginagastosan ng kanilang community fan.
15:07Tulad na lang ng football field na ito.
15:10Dito raw, nagtitipon-tipon lagi ang mga residente para manood ng isang kapanapanabik na laro.
15:24Football, isa sa mga ballgame na popular na sinasalihan ng mga taga-kuyang Ri.
15:31Noon, aktibo ang lugar na ito.
15:36Subalit, sa paglipas ng panahon,
15:42bihira na raw na may naglalaro ng football dito.
15:47Imbes na sinisipa ang bola,
15:52ngayon, pinapalo na ito.
16:00Dahil may edad na ang karamihan sa mga residente,
16:05mas simpleng laro na lang ang kaya ng kanilang katawan.
16:09Kaya maging ito, may solusyon pa rin sila.
16:15Ground golf, kung tawagin.
16:21Sa ilalim ng katirikan ng araw, masaya silang naglalaro.
16:31People our age prefer ground golf
16:35because it's easier on the body and less likely to cause injuries.
16:41Sagot pa rin ang community fund nila,
16:44mula sa solar energy, ang ganitong mga aktibidad.
16:50In the past, we didn't really have any sports activities like this.
16:54So people stayed at home.
16:56We are grateful for them.
17:04How important is sports for the bonding of the community?
17:12Having these sports activities has brought people together.
17:15We get to see our neighbors more often,
17:18stay connected, and enjoy each other's company.
17:21Ooh!
17:22Ang residenteng si Myung Jong Lee tumutol din daw noon sa pagtatayo ng mga solar panel.
17:30Because in order to install the solar panels and the infrastructure,
17:34it's going to take more than 1.5 billion Korean won.
17:38That is why I was concerned for using so much money in order to install the panels.
17:44My perspective changed.
17:46From the opposing policy to agreeing with it,
17:49because of the income we have been able to acquire from this policy.
17:56Kung may agam-agam man noon si Myung Jong Lee,
18:01buo na ang suporta niya sa sunlight income village ng Gu Yang Ri.
18:12Sa katunayan, may sarili rin siyang solar panels.
18:17Para sa personal na konsumo.
18:30Pinaonlakan kami ni Myung Jong Lee na makapasok sa loob ng kanyang tahanan.
18:47Pinaon ni Myung Jong Lee na makapasok sa mga solar panels.
18:49Before I had solar panels installed,
18:51my monthly electricity bill was around 50,000 to 60,000 won.
18:55In the summer, it would go up to 70,000 or 80,000.
19:03Double door refrigerator.
19:06Ang lakas kumain ang kuryente nito.
19:08Magkano kaya ang bill niya sa kuryente?
19:21Nakamamangha, nasa dami ng appliance niya sa bahay.
19:27Sumatotal, 200 pesos lang ang binabayaran niya sa kuryente kada buwan.
19:35Pero ayun mo, may ganito ka na sa bahay.
19:37Dalawa pa aircon.
19:38At 200 pesos lang yung electricity bill.
19:42Siya na.
19:46Kakaibang aura farming ito.
19:48May massage chair pa sa bahay.
19:51May electric bill pa rin siya dahil nakakabit pa rin sila sa power grid ng Korea.
19:57Pero 90% ng konsumo niya nagmumula na sa solar panels.
20:08Mag-isa lang na nakatira si Myong Jong Lee sa kanyang tahanan.
20:15Nakahiwalay na ang kanyang dalawang anak.
20:17Pero masaya naman daw siya.
20:19Kapiling ang iba pang mga residente ng Guyang Ri.
20:26Pagsapit ng gabi, ang mga kuryente na ginagamit nila,
20:30nagmumula naman sa mga solar battery na nakapag-imbak ng labis na enerhiya buong maghapon.
20:38Wais at praktikal pa rin ang paggamit ng solar energy hanggang sa kanilang pagtulog.
20:50Ang humigit kumulang na 120 na bilang ng populasyon,
20:56balak paramihin ng pamunuan ng Guyang Ri.
21:05Umaasa ang mga residente na sa tulong ng kinikita sa mga solar panel,
21:10mahikayat nila na manatili ang kabataan sa kanilang rural village
21:15at hindi masilaw sa kinang ng siyudad.
21:22A lot of the younger generations are actually recognizing the value of such welfare within the villages
21:28and see the potential of the growth of the village.
21:31So they are also expecting and looking forward to the second and third round of the projects happening in the
21:37future
21:37that will make them stay in the village more.
21:43Pero ayon kay Director Hong Suk-yung ng Solar Power Industry Division
21:49ng Ministry of Climate, Energy and Environment,
21:55nananatiling hamon ang gastos na kinakailangan
21:59para magtatag ng mga sunlight income village tulad ng Guyang Ri.
22:07In order to install the power plant under one megawatt, it takes about a billion to 1.2 billion Korean
22:14won
22:15and out of the entire project, 85% is financed by the government loan with low interest rates
22:21and that loan is provided by commercial banks
22:24and the remaining 15% is financed by the region itself.
22:29Para sa personal na konsumo, wala nang mahirap na prosesong pinagdaraanan ang mga residente.
22:36Hindi na raw kailangan pa ng lisensya,
22:39pero kailangan magpasa ng official notice na gumagamit sila ng solar panel.
22:48Ayon naman kay Jin Se-Woon ng Ministry of Interior and Safety,
22:53prioridad ng pamahalaan na lumikha pa ng mas maraming sunlight income village
22:59dahil sa tagumpay na nakamit sa Guyang Ri.
23:04Guyang Ri established the solar power plant to generate income and Guyang Ri established their own cooperatives
23:12and also use and operate the power plant by themselves.
23:18This proves that the regional community can gain the benefits with the usage of renewable energy
23:25and as a result, the government takes this as a best example
23:29and decided to spread the sunshine income village across the nation in December last year.
23:37Pero ang mas mahalagang tanong para sa akin,
23:43uubra naman kaya ang prototype ng Guyang Ri bilang sunlight income village sa Pilipinas?
23:54Mababang bil ng kuryente,
23:58libreng pagkain,
24:02libreng pamasahe,
24:06sagot pa ang recreational activities gaya ng sports para sa mga residente.
24:13Abay, pwede naman pala ito kung pag-iisipan lang ang bawat proyekto,
24:18ilalaan ng tama ang pondo at hindi iilan kundi lahat patas na makikinabang.
24:26Sa nasaksihan kong kahangahangang solar income village sa Guyang Ri,
24:31hindi ko maiwasang isipin na kung magagawa lang sana ito sa mga probinsya natin sa Pilipinas,
24:36hindi na siguro sila luluwas at makikipagsapala rin sa Maynila.
24:44Sa aking pananaw,
24:46hindi lang teknolohiya ang dahilan kung bakit matagumpay ang sunlight income village sa Guyang Ri.
24:53Nasa tao,
24:55nasa komunidad.
24:57Sa ilang araw kong pamamalagi sa Guyang Ri,
25:02naging saksi rin ako sa isang masayang samahan na puno ng bigayan at malasakit.
25:11Nasa takip silim man ang kanilang buhay ang ilang residente
25:15na nanalig silang may maiiwan silang maliwanag na komunidad
25:20para sa susunod na henerasyon.
25:25Magandang gabi mula rito sa Guyang Ri sa South Korea.
25:30Ako si Bam Alegre,
25:32at ito ang Eyewitness.
25:35bf isa
25:45a
26:03tv
26:04You
Comments