- 2 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-Binatilyong person with disability, patay matapos umanong bugbugin ng 6 na menor de edad
-Driver ng SUV na tumakas matapos mabangga ang tauhan ng PNP-HPG, sumuko na; suspek, hindi raw sinadya ang nangyari
-Arra San Agustin, Yasser Marta, at Kimson Tan, dumalo sa premiere night ng "Project Baby," nagpaabot ng pakikiisa sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao
-Mga bayan ng Malapatan at Glan, isinailalim sa State of Calamity
-INTERVIEW: OCD DEPUTY ADMINISTRATOR FOR ADMINISTRATION ASEC. RAFFY ALEJANDRO
-Lalaking driver, nangalampag ng truck sa Brgy. Sumacab Este; pinagpapaliwanag ng LTO
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Driver ng SUV na tumakas matapos mabangga ang tauhan ng PNP-HPG, sumuko na; suspek, hindi raw sinadya ang nangyari
-Arra San Agustin, Yasser Marta, at Kimson Tan, dumalo sa premiere night ng "Project Baby," nagpaabot ng pakikiisa sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao
-Mga bayan ng Malapatan at Glan, isinailalim sa State of Calamity
-INTERVIEW: OCD DEPUTY ADMINISTRATOR FOR ADMINISTRATION ASEC. RAFFY ALEJANDRO
-Lalaking driver, nangalampag ng truck sa Brgy. Sumacab Este; pinagpapaliwanag ng LTO
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Patay matapos umunong bugbogin ang isang binatilong person with disability sa Paranaque.
00:05Ang mga sangkot pareho niyang minor de edad.
00:08Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
00:13Patay sa pangbubugbog ang 14-anyos na lalaki sa barangay BF Homes, Paranaque noong biyernes.
00:20Ang minor de edad na biktima, isang person with disability.
00:24Ang mga nambugbog umanong sa kanya, 6 na minor de edad din.
00:29Ayon sa pulisya, nakipagkita ang biktimang si John Raven Tabinas sa mga kapwa minor de edad
00:35para ihatid daw ang binili nilang shorts sa kanya.
00:39Bale, after noong naibigay na nila yung shorts, pag akyat noong biktim natin doon sa footbridge,
00:45doon na ha, pinagsusuntok na siya.
00:48Nakatakbo pa raw ang biktima sa istasyon ng pulisya.
00:51Pero sumusuka na raw siya ng dugo noon, kaya isinugod siya sa pagamutan.
00:56Sa report ng Paranaque City Police, lumalabas na dahil sa tinamong severe traumatic brain injury,
01:03dulot ng pambubugbog, kaya na matay ang biktima.
01:07Noong nai-report sa atin, nag-conduct na tayo ng follow-up.
01:11Nakuhan natin sila.
01:12Then, pina-identified through video kasi nasa hospital na yung victim.
01:17Masakit po sa akin yung ginawa nila eh.
01:19Na walang kamalay-malay yung anak ko na ginawa lang nilang pangsuntok, binugbog nila, walang kalaban-laban.
01:27Hindi na nakuna ng pahayag ang anim na minorde edad na nasa kustudya na ng City Social Welfare and Development
01:34Office.
01:35Inirefer na rin sa Paranaque City Prosecutor's Office ang reklamong murder na isinampa laban sa kanila.
01:42Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.
01:45Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
01:51Samantala nasa kustudya ng pulisya ang driver ng SUV na nahulikam na nakabangga sa isang tauhan ng PNP Highway Patrol
01:58Group nitong Sabado, June 6.
02:00May ulat on the spot si June Veneracion.
02:04June!
02:09Raffi, voluntaryong sumuko ang driver ng SUV sa viral na hit and run incident sa South Luzon Expressway kung saan
02:18isang rider ng PNP Highway Patrol Group ang nasaktan.
02:21Lumutang sa headquarters ng HPG dito sa Camp Crame, ang 21-year-old Indian na Filipino kahapon.
02:29Sandali rin nagkaharap ang sospek at ang rider ng HPG na si Patorma Jeric Ayahay na kanyang nabangga.
02:36Kumigira mo ng tawad ang sospek.
02:38Sa biktima, paliwanag ng biktima, hindi niya sinadya ang nangyari.
02:42Nataranta at natakot daw siya kaya hindi na nagawang huminto matapos mahagip ang tauhan ng HPG.
02:49Sa kabila ng paghingi ng paumahin, tuloy pa rin ang pagsisampan ng reklamo laban sa sospek, sabi ni HPG Chief
02:55Brigadier General Romel Batangan.
02:58Kakaharapin niya ang mga reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property at abandonment of one's victim.
03:05Ire-recommend rin ang HPG sa Land Transportation Office na bawian ng lisensya ang sospek.
03:11Bago sumuko ang sospek, nauna nang narecover ng HPG ang SUV na nasangkot sa insidente.
03:16Nakita ito sa isang taliyar sa Antipolo City na pinapagawa ang parte na merong bangga.
03:22Bago pa man nasangkot sa hit and run, nakaposta pala ito sa social media na for sale.
03:28Napagalaman ng HPG na nasa buy and sell ng sasakyan ang sospek na hindi naman kinailangang ilagay sa kustudiyan ng
03:38PNP-HPG matapos nga sumuko kahapon.
03:42Balay sa'yo, Rafi.
03:44June, may informasyon mo tayo sa lagay ngayon nung na-hit and run niya?
03:51Yung na-hit and run na member ng HPG, Rafi, grabe talaga kwento nito, kahit matindi yung aksidente yung inabot
03:58niya,
03:59eh hindi ba lang ito nagtamo ng balik, konting gas-gas lang daw.
04:02At ang latest update nga, mula dito kay HPG Chief of Police Brigadier General Romel Batangan,
04:09eh bumalik na agad doon sa kanyang pwesto sa HPG Region 4A.
04:15Okay, malaking tulong daw talaga, Rafi, yung training na sinailalim ng polis na ito,
04:19itong motorcycle handling skills na kanyang na-develop dahil kung hindi, eh baka mas matinding pinsala yung inabot niya.
04:29At swerte na rin daw talaga, sabi na rin ng HPG, dahil walang nakasunod sa kanya
04:33kung hindi, eh baka may sumuro sa kanyang sasakyan mula sa kanyang likuran.
04:38Rafi.
04:39Maraming salamat, June Veneracion.
04:47Merkules Latest, mga mare at pare, dumalo ang ilang Sparkle Stars sa premiere night ng Project Baby.
04:55Kabilang dyan, sinaara sa nagustin.
04:57Kaya Sir Marta at Kim Sonta na cast members din ng pelikula.
05:02Spotted din ang co-stars nila sa film na si Nariko Blanco,
05:05Sue Ramirez at ang direktor ng film na si Eric Kizon.
05:09Kwento sa inyong mare ng Sparkle Stars,
05:12tumatalakay ang film sa iba't ibang social issues,
05:15kabilang ang tungkol sa kababaihan.
05:17Looking forward din sila sa kanilang upcoming kapuso projects.
05:21Nagpaabot din sila ng pakikiisa sa mga kapuso nating apektado ng lindol sa Mindanao
05:27at nananalangin sa agaran nilang pagbangon.
05:42Sirap mapasok ang ilang bayan sa Sarangani dahil sa mga kalsan na roong napinsala
05:47ng magnitude 7.8 na lindol nitong lunes.
05:50Tubig at pagkain ang pinakakailangan ngayon ng mga apektadong residente.
05:56Balita ng ating di Maki Pulido.
06:01Tila binali ng malakas na pagyanig ang mga poste ng gusaling ito sa malapatan sa Sarangani.
06:09Delivery truck driver ang kumuha ng video.
06:12Mabuti na lang lumabas sandali ang driver noong tumama ang magnitude 7.8 na lindol.
06:18Wala namang nasaktan dahil sarado pa ang grocery store noong mga oras na yon.
06:26Napadapa at napaiyak naman ang mga estudyante sa isang eskwelahan sa barangay Upper Suyan.
06:39Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng malapatan na ayon sa FIVOX ay naranasan ang intensity 8
06:46na pinakamalakas na intensity na idinulot ng lindol.
06:49Matapos ang lindol, umangat na ang bahagi ng Sapumasla Bridge nang masira ang beam nito sa ilalim.
06:56Dahil dito ay pinagbabawal na itong daanan ng mga tao at sasakyan.
07:00Dahil hindi na matawiran yung tulay, ang ginagamit na ay yung mga maliliit na bangka o itong tinatawag nilang alul.
07:07Dito sa alul na isasakay nila yung mga motorsiklo para makatawid dito sa ilog.
07:13So ang single dito, pwede naman yung tao kaso 50 pesos per head.
07:17Kung motorsiklo ang isasakay mo, 100 pesos isa.
07:21State of calamity na rin sa bayan ng Glan, Sarangani.
07:24Isang sasakyang ito na gulungan ng malalaking tipak ng bato.
07:27Ligtas naman ang driver.
07:29Paglampas ng arko, mga naglalakihang bato mula sa gumuhong bahagi ng bundok ang kumarang sa kalsada.
07:36Kung titignan ninyo, ito o, putol na itong highway. Butas na talaga siya.
07:44Hindi na talaga yan madaraanan.
07:46Maliban dito sa landslide na natakpan yung kalsada na hindi pa nakli-clear.
07:52May mga portions na talaga nitong kalsada na butas-butas na.
07:57Ito, itong portion na ito ng kalsada, biyak na talaga.
08:03In fact, maliban sa napakalaking butas na ito kung saan naghiwalay na yung kalsada,
08:09banda rito.
08:11Kung makikita ninyo, umangat na itong portion ng kalsadang ito.
08:16Well, may butas dito, kailangan daw mag-ingat.
08:18Ito, kung titignan ninyo, umangat na itong portion ng kalsadang ito.
08:23Hindi na talaga madaraanan kahit na maklear pa yung landslide sa bahaging yan.
08:30Ayon kay Glan Mayor Victor James Yap, sa inisyal na report,
08:34aabot sa dalawampu ang namatay sa kanilang bayan dahil sa lindol.
08:38Tatlo sa mga biktima, mag-iina ni Roldan Dante.
08:41Nang lumindol, nadaganan daw ng pader ang dalawang anak niya.
08:44Eight months at three years old, pati ang kanyang misis.
08:48Nagtratrabaho noon sa bukid si Roldan, kaya hindi na niya naabot ang buhay ang mag-iina.
08:53Ang iniisip ko, yung pamilya ko, unang nalagay sa isip ko, hindi ako makauwi dito.
09:00Kaya ang, ang dalan bay ba? Daan, na ano na, hindi ako makauwi dito dito.
09:10Tumakbo ako dito, niyambak po ito sa kuwan. Tumalon pa ako, hindi ko matanggap.
09:17Tubig at pagkain ang kailangan ngayon ng mga tagaglan.
09:21Problema ang kawalan ng kuryente at signal ng cellphone.
09:25Hindi ko na sila in-evacuate kasi yung evacuation center ko nasira noong 2023.
09:29Humingi akong funding, hindi ako binigyan ng funding.
09:31So nasira ngayon, wala na akong mapaglagyan ng evacuist.
09:34Hindi pa raw nakakabangon ang kanilang bayan mula sa lindol noong 2023.
09:39Ngayon, mas mapaminsala pa ang tumama roon.
09:43Gumuho naman ang riprap sa bayan ng Maasim,
09:45kaya isang lane lang muna ang nadaraanan sa National Highway sa barangay Tinoto.
09:50Muntik ding tamaan ng bahagi ng riprap ang mga bahay sa iba ba nito.
09:55Naitala ang epicenter ng lindol, 32 kilometers mula sa Maasim.
09:59Nangangamba ngayon si Maasim Mayor Zyrex Pacquiao kung sakaling muling lumindol o umulan doon.
10:05Gusto na itong ipaabot sa Department of Works and Highways
10:08na matagaan nila as soon as possible na aksyon, temporarily,
10:14or any ways of para ma-prevent na muda ko pa ang damage.
10:18Sa ngayon, nanatili ang 60 pamilya sa evacuation center sa barangay Poblasyon.
10:23Takot pa rin silang bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa aftershocks.
10:27Patuloy ang koordinasyon ng munisipyo sa mga ahensya ng gobyerno
10:31para matulungan ang mga apektadong residente.
10:34Sa visa naman ng executive order,
10:37nagpatupad si Sarangani Gov. Rogelio Pacquiao
10:39ng province-wide emergency measures para tugunan ang epekto ng lindol.
10:45Makipuli doon nagbabalita para sa GMA News.
10:49Update tayo sa iniwang pinsala ng magnitude 7.8 na lindol
10:53sa ilang bahagi ng Mindanao.
10:55Kausapin natin si Office of Civil Defense Deputy Administrator
10:58for Administration, ASEC Rafi Alejandro.
11:01Magandang umag at welcome po sa Balitang Hali.
11:04Yes, Rafi, magandang tanghali at magandang tanghali sa lahat po.
11:08Opo, unahin po natin yung bilang ng casualty.
11:10Nadadagan po ba yung bilang ng mga namatay at sugatan?
11:14Opo, from 38 kahapon, naging umaga, no?
11:18As of 6 a.m. this morning,
11:2045 na po ang ating reported dead casualty.
11:24And then, meron na po tayong additional na 17
11:29or 17 na po yung missing.
11:32Tumaas po yan, 4 kahapon, 17 na ngayon.
11:35And then, yung injured po natin ay tumaas din
11:38na nasa 630 individuals na po
11:42ang injured dito sa ating operations po.
11:49Yung mga nawawala po, saan mga lugar po ito?
11:51At iisang area lang po ba?
11:53Opo, marami pa rin yan sa Dabao Occidental, ano?
11:58Nadagdagan ng 13 doon sa Jose Abad Santos,
12:03ang 9 attributed doon sa Jose Abad Santos sa Dabao Occidental.
12:09Sa ngayon po, ano ang hamon ng USA sa OCD
12:11para matuko yung eksaktong bilang po na makapektado ng lindol?
12:15Oo. Yung hamon natin ngayon is yung communication, ano?
12:19Kasi intermittent pa po yung ating signal doon.
12:22At saka yung ating mga response operations,
12:26kaya hindi pa po nabubuo itong mga reports nila.
12:29But we have deployed additional communications team
12:33para matulungan sila doon
12:35para please natin makuha yung mga informasyon from the ground.
12:40Sa GLAN na Sarangani,
12:42hindi na roon nag-evacuate,
12:43hindi na roon na-evacuate ng LGU,
12:45yung mga residente sa evacuation center
12:47dahil nasira noong 2023
12:48at humingi roon ng funding
12:50pero hindi roon nabigyan ng pondo
12:52kaya wala na roon napagdala ng evacuees.
12:54Ano bang nangyari dito?
12:59O, yan ay isang bagay na titignan natin.
13:02Bakit na-delay yung assistance doon
13:04sa pag-rehabilitate ng kanilang mga evacuees.
13:08But this time po,
13:09under the new GAA,
13:11yung budget natin,
13:12meron naman po tayong available
13:14to construct or improve evacuation centers.
13:18Bigyan po natin ng atensyon yan.
13:20We will see how we can fast track
13:23yung kanilang requests
13:24para po mapabilis yung pag-construct
13:26ng evacuation centers
13:27and tingnan na rin natin
13:30yung mga repairs
13:32yung kanilang mga kabahayan po.
13:34Pero dito madadagdagan pa po
13:35dahil sa dami ng mga nadamay
13:38ng mga structure.
13:39Meron mo ba kayong bilang sa ngayon?
13:42Opo. Based sa report natin,
13:45umaabot na po ng 3,169 houses pa lang po yan
13:49ang na-report sa atin.
13:51That is in addition to
13:53roads and 11 bridges
13:55na apektado.
13:57At saka yung ating international airport,
13:59yung General Santos City International Airport.
14:02Yung mga private facilities po,
14:05tulad ng mga malls,
14:06ay tinitingnan pa rin natin
14:09kung got
14:09na talagang nasira
14:11or apektado.
14:13Kasi mga private facilities po ito.
14:16That is in addition
14:17to the 117 na government facilities
14:20na na-report na sa atin.
14:22But again,
14:23ongoing po yung ating rapid assessment
14:25and we are doing our best
14:27to collate itong mga damages na ito.
14:30So, ito natin yung pictures.
14:32Nakita naman natin,
14:34General Santos,
14:35Sarangganing
14:35at Dabao Occidental
14:37ay dito po
14:38yung mga talagang nagrabihan
14:40dito sa earthquake.
14:42At paano po magiging sistema
14:43ng pagpapabot ng tulong?
14:44Priority na po ay tubig
14:46at pagkain.
14:47Doon sa mga lugar
14:47na hindi pa mapasok
14:48dahil may mga nasirang tulay
14:49o kalsada
14:50at may mga landslide?
14:52Oo.
14:52We have already mobilized
14:54yung ating Philippine Air Force.
14:55Lahat po ng Blackhawks
14:56and other aircrafts na available
14:58ay napunta na po
15:00sa Dabao area
15:01para tumulong
15:02sa pag-distribute
15:03ng mga relief
15:04at pagdadala
15:05ng mga response
15:06sa mga areas na kailahan
15:10tulad ng GLAN.
15:11And we are also mobilizing
15:12yung mga sea vessels
15:14ng Philippine Coast Guard
15:15at ng ating Philippine Navy.
15:17And we are also coordinating
15:18with the private ports
15:20operator
15:21na pwedeng gamitin
15:22yung kanilang ports.
15:24Alam natin dyan
15:24sa Sarangani Bay
15:26ay marami pong mga ports
15:28na pwedeng gamitin
15:29para po makapagpadala tayo
15:31ng mga relief goods
15:33doon sa areas
15:34na hard to reach.
15:36Ano naman pong sitwasyon
15:37sa mga hospital?
15:40Yung hospitals naman po
15:41ay medyo
15:42na-stabilize na natin
15:43although
15:44we have several reports
15:45na yung ating mga
15:46medical facilities
15:47ay nagtamo
15:48ng mga minor damages.
15:49Wala naman pong
15:50mga major.
15:52Meron lang isang hospital
15:53sa South Cotabato
15:55na nilabas lang nila
15:58yung mga pasyente nila
15:59dahil takot lang din sila
16:00doon sa mga aftershocks.
16:02But yung pagbibigay
16:04yung servisyo medikal
16:07tuloy-tuloy po yan
16:08nandyan po ang ating DOH
16:09they have deployed
16:10additional medical teams
16:12sa area
16:13para tulungan po
16:14yung ating mga
16:15local health facilities
16:17at yung mga
16:19DOH operated hospitals.
16:21Maraming salamat po
16:22sa oras na binahagi nyo
16:23sa Balitang Hali.
16:25Maraming salamat din po
16:26Rafi.
16:26Magandang hali po.
16:27Yan po si Asik Rafi Alejandro
16:28ng Office of Civil Defense.
16:37Hinarang at kinalampag
16:38ng lalaking yan
16:39ang isang truck
16:40sa barangay Sumacab Este
16:41sa Kabanotuan, Nueva Ecija.
16:43Lumapit naman
16:43ang ilang sa kanyang kasamahan
16:45at inawat siya.
16:46Umalis din sila kalaunan
16:47at inilis ang kotse nilang
16:49nakaharang sa kalsada.
16:50Sa isa pang video,
16:52kita ang naturang kotse
16:53na nag-counterflow
16:54sa isang kalsada
16:55at nanakit pa
16:57ng motorista.
16:58Naglabas na ng show cause order
17:00ang Land Transportation Office
17:01para sa driver
17:02matapos matrace
17:04ng tulis siya
17:04ang record ng sasakyan.
17:06Papatawan ng 90-day
17:07preventive suspension
17:08ang lisensya ng driver
17:09habang isa sa ilalim naman
17:11sa alarm status
17:12ang kotse.
17:13Inaalam pa
17:14ang pagkakakinanlan
17:15ng driver.
Comments