Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:09Pumaba ang pila ng mga pasahero sa ilang bus stations sa Hill Puyat at Taft Avenue sa Pasay City ngayong
00:15gabi para po iyan sa mga biyaheng Laguna, Quezon at Matangas.
00:19Ang isang mga tauhan ng terminal, nakararanas umano ng mabigat na traffic o ang mga bus sa bahagi ng South
00:25Lozone Expressway sa Bicutan, Taguig.
00:27At dahil sa pagkaantalan ng pagdating ng mga bus, kaya naiipo ng mga pasahero sa terminal.
00:34Mas kaunti sa inaasahan ang bumiyahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange ngayong bisperas ng Undas Long Weekend.
00:41At ang nakikitang dahilan ng ilang bus company, ang mas mahal na tiket mula sa PITX, Saksi Life, si Von
00:48Aquino.
00:50Von?
00:52Pia ngayon ang inaasahang peak ng pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kanila mga probinsya para sa Undas dito sa
00:59PITX.
01:00Pero ayon sa ilang mga bus companies, matumal ang mga pasahero ngayong araw.
01:09Maluwag ang ilang ticketing pool patungong Bicol alas 8 ngayong gabi sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
01:15Bagaman nag-alboroto ang vulcang Mayon ngayong araw, wala pa raw pasaherong nag-cancelan ng ticket sa bus liner na
01:21ito.
01:22Kasi normal na siya, unless, you know, may paglikas ng sinasabi.
01:28Pero okay lang.
01:30Much more important to be with family.
01:33Ang nakikita ng isang bus company na posibleng dahilan ng matumal na dating ng pasahero,
01:38ang pagmahal ng tiket ng higit kumulang 100 pesos.
01:42Hindi naman po masyadong punuan pa sa ngayon.
01:46Na ina-expect namin, dadagsa siya.
01:49Kaso, eto po, paalis na ng 8.30, wala pa din.
01:53Hindi pa din po napukunog.
01:55Siguro dahil din sa taas ng pasahe ngayon, medyo affected din po yung biyahe ngayon.
02:01Ang ticketing booth ng biyaheng Visayas, pa summer atlete, inabutan namin walang pila.
02:07Matumal. Walang manganang pasahero eh.
02:10Para normal na araw lang.
02:12Walang pera yung mga tao.
02:14Nag-iipong pa yan hanggang December.
02:16Ang pasaherong patungong Bicol na si Dominic Ilianza, naging maaluan daw ang biyahe ngayong araw.
02:22Nakabili pa nga siya ng mga bulaklak sa dangwa para sa puntod ng kanyang mga kaanak.
02:27Kasi naka-reserve na ako ng tiket.
02:29Pakala ko ma'am, maraming pasahero po.
02:31Mabuti na yung naka-reserve ma'am kasi hindi ka na mamungroblema.
02:36Ayon sa pamunuan ng PITX, ngayong araw ang inaasahan nilang PIC ng pagdagsa ng mga pasahero.
02:42Nag-inspeksyon sa PITX ngayong gabi si Southern Police District Director Police Brigadier General Rodel Pastor.
02:49Nag-ikot naman si PNP Chief General Jose Melencio Nartates Jr. sa ilang bus terminal sa ETSA, Cubao
02:55para inspeksyonin ang sistema at siguridad sa mga bus terminal.
02:59Umakyat din siya sa bus para kumustahin ang mga babiyahe.
03:02Hinikayat sila na makipag-ugnayan sa PNP at tumawag sa 911 kung may nais-idulog na problema.
03:08Kada bus station, tinignan natin, like for example, one bus station.
03:12Meron silang barrier. Ganda nung barrier na nilagay.
03:16At least, masasala yung papasok.
03:20Hindi na masyado mahirapan.
03:22Dadaan na lang sa may isang daan na lang ng entry.
03:25That is, yung papasok sa metal detector walkthrough.
03:30Paalala niya sa mga paalis ng bahay at magbabakasyon, ibili ng kanilang bahay.
03:35Maging handa at iyaking na sa kondisyon ng kanilang mga sasakyan.
03:39At para sa mga bumibisita sa puntod, iwasan na ang pagdadala ng mga bawal.
03:48PIM sa pamunuan ng PITX.
03:51Marami pang available na biyahe patungo Bicol, Visayas, Mindanao, at iba pang destinasyon sa Northern Luzon.
03:57At nasa 7pm, nasa 163,026 ang bilang ng food traffic dito sa PITX.
04:04At live mula rito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
04:08Ako si Bona Quino, ang inyong saksi.
04:10Umabot na sa magit 400,000 ang mga pasaherong dumaan sa mga paliparang sa bansa ngayong undas.
04:16At angako naman ang Manila International Airport Authority na tatapusin sa rubyembe
04:20ang paglilipat ng kontrol sa CCTV ng NIA sa New NIA Infrastructure Corporation.
04:26Saksi live, si Jamie Santos.
04:30Jamie?
04:35Piyaramdam na ang dagsa ng mga pasaherong ngayong biyernes dito sa NIA Terminal 3.
04:40Ito yung araw na itinuturing ng mga otoridad na peak day ng biyahe ng undas long weekend.
04:49Sunod-sunod ang dating ng mga pasaherong sa NIA Terminal 1, alasais ngayong gabi.
04:53Nagkaka-traffic sa labas ng terminal dahil sa mga sasakyang nagbaba ng mga pasaherong sa terminal.
04:59Mahaba ang pila ng mga pasahero sa mga check-in counter, lalo na sa mga international flight.
05:05May ilang balikban sa galing trabaho.
05:07Naswertehan daw na undas sa kanilang pagbalik, kaya makakadalaw sa mga namayapang mahal sa buhay.
05:13Kapag sa mga anak ko, mag-quality time sa kanya na, yung mga, ano na, balik din ako agad eh.
05:22Yun lang din yung sadya ko para maka-attend ako sa death anniversary ng grandmother ko.
05:26Hindi, dalaw muna kami kay lola kasi one of the reasons why na eksakto naman undas.
05:31Excited ako makasamang pamilya. I've been away for like 7, 8 months already and looking forward for the holidays.
05:37Nakakapagod po pero masaya naman. Five days lang po kami sa Bangkok, Thailand. So, yeah, party-party doon.
05:43Sa Naiya Terminal 3, pila ang mga pasaherong papasok sa paliparan.
05:48Ganon din ang sitwasyon sa loob ng terminal. Pila ang mga pasahero sa mga check-in counter.
05:53Pagaman may mga dumarating ding pasahero, mas magaan ang sitwasyon sa Terminal 2.
05:58Sa unang tatlong araw pa lang ng Oplan Undas 2026,
06:02umabot na sa mahigit 436,000 ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa mga paliparan sa bansa.
06:09Nangako naman ang Manila International Airport Authority na ito turnover na sa Nobyembre
06:15ang CCTV surveillance system ng paliparan sa New Naiya Infra Corporation o NNIC.
06:22Alinsunod yan sa otos ni Transportation Secretary Vince Dizon.
06:26Kanina, hinahanap ng kalihim ang kuha ng CCTV sa kung paano nanakawan ng 18 million pesos na gamit ang isang
06:34pranses.
06:34Pero walang maisagot ang mga humarap sa kanyang tauha ng airport.
06:39So yung CCTV na yun?
06:42Kanina yun?
06:42Hindi po sa MIA yun. Ang nakaka-capture po siya ng CCTV, yung nado doon sa may exit gate.
06:50Hindi po sa ating, sa MIA yun.
06:54Kanina yun?
06:54NNIC.
06:56NNIC po.
06:57So, asan yung si? Bakit may NNIC, may NNIC? Ba't ba't ganun? Ang gurugluk.
07:03Ayon kay Dizon, isa't kalahating taon na mula nang iutos niya sa MIAA na inipat ang kontrol ng CCTV sa
07:10NNIC.
07:11May completion mo kasi yung kontrol natin.
07:14Ang problema kasi dito, walang account, walang single account bilipay.
07:19Yung nga po.
07:20Yung nga po, alam mo pala eh, p***** na ba hindi nyo ginagawa.
07:23Kaya may uita transfer na amin sa NNIC.
07:25Ang problema dito, simple-simple yung problema natin. May nanakawan.
07:29Hindi natin makita-kita sa CCTV. Tapos kayo nga, ***, nagtuturoan kayo nga. Diyan ako nabibuisit sa inyo.
07:35Kung di raw matapos sa Nobyembre, sabi ni Dizon,
07:39Nansisanti to mga to.
07:40Naaresto naman ang suspect at nabawi ang nakaw na relo.
07:44Nakukuni ng turista sa linggo bago umalis ng bansa.
07:51Pia pinapayuhan ang mga pasahero na i-check muna online ang kanila mga flight status
07:56bago magpunta sa mga paliparan.
07:58Pinapayuhan din ang magdagdag ng oras sa kanila mga biyahe
08:01dahil sa inaasahang traffic sa Metro Manila.
08:04At live mula rito sa Naiya Terminal 3,
08:07ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
08:10Kumiiwas po sa init at siksikan ang mga dumalaw sa Pasay City Public Sematary
08:14kaya piniling ngayong araw magpunta.
08:17Saksi, Sikat Lina Son.
08:23Minabuti ni Rosana Clelo na dalawin ang asawa at anak na nakahimlay
08:27sa Pasay City Public Sematary and Kermatorium.
08:31Kasama niya ang kanyang abo at ilang kamag-anak.
08:34Pinili umano niya na maagang magpunta sa sementeryo
08:37para tahimik na makapagdasal at makapaglaan ng oras
08:41para sa kanyang mga namayapang mahal sa buhay.
08:43Pamilya ko, siyempre, mahal mo.
08:46Pupuntahan mo.
08:47Sa akin kasi parang nagkulang eh nung nawala sila.
08:51So parang nagpupuno yun.
08:53Pag pinupuntahan ko sila dito.
08:56Nagdirig siya ng kandila at nag-alay ng panalangin
08:59sa puntot ng mga yumao.
09:01Sa akin parang naging regular na yung undas.
09:03Every Sunday ay nandito ako.
09:05Hindi porki araw lang nang patay tayo dadala.
09:08Si Geraldine Cruz naman at kanyang pamilya.
09:12Ngayon lang daw muli dumalaw sa sementeryo.
09:15Muling punta nila ay limang taon na ang nakakaraan.
09:18Maliliit pa raw noon ang kanilang mga anak
09:20at makahindi nila kayanin ang siksikan at init sa sementeryo.
09:24Kasi ayaw po namin makisabay sa mga maraming tao
09:28lalo sa bukas o kayo sa November 1.
09:31Mahirap, mainit, masiksikan.
09:33May mga bata po kaming kasama.
09:35Ang ibang mga dumadalaw umiiwas din sa init at siksikan
09:39kaya mas inagahan ang pagbisita sa sementeryo.
09:42May pasok po kasi ako on November 1
09:45kaya hindi ako makakatalaw.
09:47Tsaka marami din tao kasi.
09:49Para po maiwasan din po yung traffic,
09:51yung pagsabay-sabay gawa ng dikit-dikit po kasi yung mga puntod dito.
09:55Kasabay ng pagdating ng mga maagang bisita,
09:59puspusan na rin ang paglilinis ng mga caretakers sa mga puntod.
10:03Abalang ilan sa pagwawalis, pagsisimento, at paglalagay ng mga halaman.
10:25May mga nakahanda na rin na iba't ibang bulaklak
10:28at kandilang mapibili ng mga dadalaw sa sementeryo.
10:30Sa kabila ng inaasahang pagdami ng mga mamimili,
10:34hindi naman daw sila magtataas ng presyo.
10:46Bukas ang Pasay City Public Cemetery and Krematorium
10:49simula bukas hanggang November 2 mula 6am hanggang 12 midnight.
10:53Ako, si Katrina Son, ang inyong saksi.
10:57Maagang dumalaw sa Manila North Cemetery ang ilang senior citizen
11:01para hindi sumabay sa siksikan ng mga tao tuwing undas.
11:05Bukas, inaasahang magsisimula ang dagsan ng mga dadalaw sa iba't ibang sementeryo sa bansa.
11:10Saksi, si Marie Zumal.
11:16Simulang hating gabi kanina, sarado na ang ilang kalsada sa palibot ng Manila North Cemetery.
11:21Dalawang milyon ang inaasahan dadalaw sa sementeryo sa mismo Todos Los Santos sa linggo.
11:27Hiwalay na nag-inspeksyon sa Manila North canina
11:30sa PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr.
11:34At Manila Mayor Isco Moreno na may paalala sa mga balak shumort cut sa mga pader na didaanan.
11:40O, yung mga nasa Ebonifacio, huwag kayong maglalagay ng tulay.
11:45Ba't pa kayo doon dadaan eh ilalagay niyo pa ang sarili niyo sa alangan niyo.
11:49So, isa po ito sa mga kalsada ang papunta po dun sa Manila North Cemetery.
11:55Ito pong dimasalang street, nakasarado na po ito.
11:58Talagang hindi na po pwedeng ipasok yung mga sasakyan dito pa lamang.
12:03Kaya inaabiso po ng mga polis, sa mga traffic enforcers na hanggat maaari eh huwag na lang po magdala ng
12:12mga sasakyan kung pupunta po kayo rito dahil pahirapan po ang paradahan.
12:19At kakailangan ninyo pong maglakad ng mga 300 to 500 meters mula sa sementeryo.
12:26May ilalaang wheelchair para sa mga PWD, senior at buntis at may 50 paging system.
12:33Ngayon na nagpunta ang ilang senior citizen para hindi maipit sa dagsa ng mga tao, gaya ng 85 years old
12:38na si Tatay Benjamin.
12:39Para hindi ako mahirapan sa laksa ng tao, importante ko sa akin yan ang mga mahal ko sa buhay sila.
12:48Malaking tulong din ang libreng sakay sa A-Tribe para sa mga senior citizen tulad ni Gary, na isa rin
12:54sa mga gumamit ng Puntod Finder.
12:56Masaya, masarap sa pakiramdam na madalo ko man sila at may pagdasal.
13:012016, pahuling nakapunta sa sementeryo ang retired seaman na si Gary.
13:05Lumapit niya ako dito para madali kong matuntun. Kasi may edad na rin ako.
13:13Malaking tulong din ang Puntod Finder sa Manila South Cemetery.
13:17Papakita ng website ang buong mapa. Naka-indicate lang po doon na maglagay lang po sila ng pangalan nung mahal
13:24nila sa buhay at lalabas na po.
13:26May emergency button din sa website para makahingi ng tulong habang nasa loob ng sementeryo.
13:31Tutunog po yun dito sa loob ng aming opisina. Tatawagan namin sila para makapagbigay kami ng medical attention at medical
13:39assistance and police assistance sa loob ng Manila South Cemetery.
13:43Inaasahang aapot sa hanggang isang milyon ang pupunta sa Manila South Cemetery sa Undas Weekend.
13:49Bukas din inaasahan dadagsa ang mga bisita sa iba pang sementeryo sa bansa. May mga maagan na rin bumisita sa
13:55Davao Memorial Park.
13:56Mahirap sa akin kasi naka-wheelchair maraming tao. Mahirap ang daanan.
14:01Sa St. Joseph Catholic Cemetery sa Mandawis City sa Cebu, bawal na sa loob ang matatalim na bagay, pati yung
14:08ginagamit sa paglilinigs.
14:10Ang iba inihahanda ang puntod ng kanilang kaanak para sa pagunita bukas.
14:29Nananatili ring buhay ang ilang tradisyon gaya ng pagkain ng kakanina may gata, asukal at malagkit sa Iloilo City.
14:36Ang alintasang una pa lang ang tatay, nanay, may mga pilet din nga makaw.
14:43Ako si Maris, umali ang inyo. Saksi!

Recommended