Skip to playerSkip to main content
Sen. Pia Cayetano, sinampahan ng ethics complaint ng grupong EveryWoman kaugnay sa spliced video ni Rep. Chel Diokno mula sa impeachment trial / 3, patay sa banggaan ng motorsiklo at MPV; driver, sumuko sa pulisya / Delivery rider, patay sa ambush; mga salarin, pinaghahanap / PNP, nakiramay sa pamilya ng pulis na nagulungan ng 10-wheeler sa Caloocan habang pauwi mula sa SONA duty / PHL tennis star Alex Eala, tinalo ang defending champion ng Mubadala DC Open sa Round of 16; aabante sa quarterfinals / Batang tinangay ng malalaking alon sa dagat, pinagtulungang sagipin / VP Duterte: "Ang ICC ay tuta ni [Dating Sen.] Trillanes at ni [Pangulong] Marcos" / Bureau of Customs: 2 luxury vehicle na nakumpiska sa POGO operators, naibenta sa halagang mahigit P200M; Pera, nasa Nat'l Treasury na / Malacañang, pinalagan ang pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano na may "selective justice" ang PBBM Administration / Panayam kay DPWH Sec. Vince Dizon


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa iba pang balita, nagsampan ng ethics complaint ang isang women's rights group laban kay Sen. Judge Pia Cayetano.
00:07Tagnay po yan sa pag-post niya ng spliced video ni House Prosecutor Chell Diocno sa impeachment trial ni Vice
00:14President Sara Duterte.
00:15Balitang hatid ni Joseph Moro.
00:21Nakashare sa mismong official page ni Sen. Judge Pia Cayetano ang video nito ng diskusyon ng kapatid niya ng si
00:27Sen. Judge Alan Peter Cayetano
00:29at House Prosecutor Congressman Chell Diocno noong day 7 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:36Nagbabakasakali lang, baka may makuha tayo dito. So anong makukuha natin? Figure out all the subpoenas you're requesting.
00:42The evidentiary facts, Your Honor, that we're not yet, hindi pa nakita ng House. So nagbabakasakali din.
00:48Kini-question ng video na yan dahil misleading at mapanlin lang umano.
00:52Hindi raw buo at nakasply so putol-putol ito kaya nawala sa konteksto ang sinabi ni Diocno.
00:57Kung papanoorin ang diskusyon sa paglilitis ng July 20, pinapaliwanag ni Diocno na may tuturing lamang
01:04na fishing expedition ang ginagawa ng prosekusyon kung hindi nito alam kung anong hinahanap na ebidensya.
01:11And yung tinutukoy po ninyong fishing expedition, yun ay maaring sabihin natin nangyari.
01:18Kung only if the party requesting the evidence or documents ay nagbabakasakali lang, baka may makuha tayo dito.
01:28In our case, I have to disagree that there was any sort of fishing expedition because
01:33based on what the Committee on Justice and later the plenary of the House found was sufficient,
01:40there was enough cause to proceed with the case.
01:44Nag-high ng reklamo sa Senate Ethics Committee ang grupo ng Women's Rights Advocates na Every Woman.
01:50Kasama sa grupo si dating Commission on Higher Education Chair Patricia Licuanan
01:54at University of the Philippines Professor Jean Franco.
01:57We encourage and we demand that there should be an investigation and if needed, there should be a sanction towards
02:05your action.
02:06Sa sulat na ibinigay ng Every Woman kay Sen. Tito Soto, Chairperson ng Senate Committee on Ethics and Privileges,
02:13sinabi nilang sa pagtanggal ng eksplanasyon ni Diocno na may check silang mga bank accounts na gustong ipasabina,
02:19pinalabas daw ng senadora na humihingi ang prosekusyon ng record ng walang ebidensya.
02:25Nag-lagay pa rao ng text na nagbabaka sakali lang at wala mga ebidensya pero nag-aakusa na.
02:31Sabi pa ng Every Woman, paglabag daw ito sa tungkulin ni Cayetano bilang abogado at senator judge na kanyang pinanumpaan.
02:38At higit daw sa lahat, nakasisira ito sa kumpiyansa ng publiko sa impeachment court bilang patas at may integridad.
02:46Hinihingan pa namin ang reaksyon sa senadora Cayetano.
02:49Bago ang paghahain ng reklamo laban sa kanya, natanong namin ang senadora tungkol sa isyo.
03:06Ngayon na naman pinalagaan ni Diocno ang kontrobersyal na video at binigyan D.E. na hindi sila nagbabaka sakali lamang.
03:13Hindi yan yung sinabi ko nung nag-hearing kami. Hindi ako nagbabaka sakali lamang.
03:19What took place in the hearing, yun dapat sana yung naging subject ng anumang post on social media.
03:27Ayon kay Ethics Committee Chair Sotot, hiwalay daw ito sa impeachment court.
03:31Anything that has to do with the Senate, as much as possible, will not allow it to be a transgressing
03:40into the work of the impeachment court.
03:42Even if these are actions stemming from...
03:45Okay, but if there are actions coming from a senator, it should be taken up in the Senate.
03:51As a senator yung judgment natin.
03:53Ayon sa Senate impeachment court, kung walang magbibigay ng manipestasyon tungkol dito sa korte, ay walang pwedeng maging aksyon ang
04:01korte.
04:02Ang prosecution, ayaw daw husgahan ang pagpopost ng senator judge pero aminadong nababahala sa umunoy spliced video.
04:09Ang collective na opinion ng prosecution panel dyan, ay ito ay nakababahala.
04:17This is very concerning and alarming.
04:21Dahil unang-una, dapat ang informasyon na makuha ng mga kababayan natin tungkol sa mga nangyayari sa paglitis nito, ay
04:29accurate.
04:31Dapat kung ano yung mismong nangyayari during the proceedings.
04:35Pero nang tanongin kung magmamanifest sila sa impeachment court, kaugnay nito, sabi ng prosecution.
05:05Dahil gusto pa rin ho namin paniwalaan, nananalig kami, they will comply with their obligations under the oath that they
05:13took to observe impartiality.
05:16I do comment on issues that are not involved in the co-oriental. May isaw-saw sa mga issues.
05:22Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA News.
05:29Tatlong patay kabilang ang isang batang lalaki sa aksidente sa barangay Panadalan sa Maramag, Bukidnon.
05:36Base sa indistigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang isang lalaki at anak niyang tatlong taong gulang.
05:41Paliko ang motorsiklo sa isang kalsada nang biglang mabangga ng MPV na nakasunod sa kanila.
05:47Tumilapo ng mag-ama sa lakas ng impact.
05:50Dinila sila sa ospital pero binawian din ang buhay.
05:53Nasawi rin ang isang sakay ng MPV.
05:56Tumakas doon ang driver ng MPV hanggang sumuko kalaunan sa pulisya.
06:01Mahaharap siya sa reklamang reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.
06:06Wala pa siyang pahayag.
06:09Patay ang isang delivery rider sa ambush sa Rojas Capiz.
06:13Ayon sa pulisya, sakay ng kanyang tricycle ang biktima na maghahatid ng parcel ng tambangan ng riding in tandem.
06:21Dead on the spot ang 22-anyos na rider matapos magtamo ng tama ng bala sa likod.
06:27Kabilang sa mga tinitingnang anggulo sa krimen ang mistaken identity.
06:31Wala rin nawala sa pera at gamit ng biktima.
06:34Patuloy pa ang bisikasyon at pagtukoy sa mga salarin.
06:40Nakiramay ang Philippine National Police sa pamilya ng naaksidenteng pulis sa Kaloocan
06:45habang pauwi galing sa duty niya sa State of the Nation address nitong lunes.
06:51Nakikiramay of course ang the entire Philippine National Police lalo na ako
06:56ang hepe ng PNP.
06:57We're looking after the moral and kapakanan ng bawat isa.
07:01Ang aaisin natin of course dyan is di kaukulang investigation.
07:05Sumunod, yung sinasabi nating recalibrate or look at the deployment.
07:13Hindi naman totoong 24 hours na nandun siya sa kalsada.
07:19Ang polis ay nasawi matapos magulungan ng 10-wheeler sa C3 Road.
07:23Sabi ng tsahi ng polis galing sa 24-hour duty sa zona ang biktima.
07:27Ayon kay PNP Chief Police General Jose Nartates Jr.,
07:31magsasagwa sila ng masusing investigasyon sa nangyari
07:34at nangako ng agarang tulong sa pamilya ng nasawing kabaro.
07:38Sabi naman ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Kalinisan,
07:41ang nangyari sa patrolman ay isang paalala
07:43na ang pangangalaga sa mga polis ay hindi matatapos sa pagbibigay ng misyon.
07:47Sabi din daw, dapat din daw pangalagaan ang kanilang kaligtasan,
07:52kapakanan at kakayang makabalik ng ligtas sa kanilang mga pamilya.
08:02Aabante sa quarterfinals ng Mubadala DC Open si Pinay tennis star Alex Ayala.
08:08Katulad po noong Wimbledon 2026, isang defending champion na naman.
08:13Ang kanyang tinalo ngayon.
08:15Nakaharap ni Alex sa Filipino-Canadian Leila Fernandez,
08:18na nagkampiyon noong 2025 sa torneo.
08:21Nagwagi sa first set si Alex sa score na 6-2.
08:25Hanggang umarangkada sa second set si Fernandez at lumamang sa score na 5-1.
08:31Nakahabol si Alex hanggang makuha ang panalo sa score na 7-6 sa second set.
08:36Sunod niyang makakaharap ang mananalo sa pagitan ni Olina Kudermetova ng Uzbekistan at Elina Svitolina ng Ukraine.
08:48I think I had definitely some tough moments in that match and credits to Leila.
08:54I think I'm super proud of how I fought and how I stayed in there.
09:06Sinaklulohan ng isang lifeguard ang isang batang lalaki sa isang beach sa California sa Amerika.
09:11Pero dahil sa malalakas na hampas ng alon,
09:14nahirapan ang lifeguard na hilahin ang bata pabalik sa dalampasigan.
09:18Doon na tumulong ang isa pang lifeguard at ilan pang lalaki.
09:22Hindi binitiwan ng mga lifeguard ang batang lalaki hanggang sa mairigtas nila.
09:26Ayon sa tagapagsalita ng California State Parks na nagbabantay sa beach,
09:31nasa maayos ng kalagayan ang bata at naiuwi na sa kanyang mga magulang.
09:37Sa iba pang balita, tinawag ni Vice President Sara Duterte na tuta ni Pangulong Bongbong Marcos
09:43at didating Senador Antonio Trellanes IV ang International Criminal Court.
09:49Yes, they are traitors to a Pilipino and to the country.
09:55But more than that, ang ICC ay tuta ni Trellanes at ni Marcos.
10:02Yun yun.
10:04Bahagi niya ng talumpati ni VP Duterte sa harap ng mga Pilipino sa The Hague, Netherlands.
10:10Ayon sa vice, nagsabuatan si na Trellanes at Marcos para ipadala sa ICC
10:14ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
10:17Bago yan, nabanggit ng vice ang pagkontra ng dating Senador sa iba't ibang matataas na dating opisyal ng Pilipinas
10:24pero nanahimik noong Aquino administration sa kabila ng iba't ibang issue tulad ng pork barrel scam.
10:31Anya nananahimik si Trellanes kapag pabor sa kanyang interes ang tinawag ng vice na negosasyon.
10:37Dagdag pa ni VP Duterte tuta ang ICC dahil wala na silang imapang kaso bukod kay dating Pangulong Duterte.
10:45Batay sa website ng ICC, may labing apat na nakabimbing kaso ang ICC.
10:51Susubukan po namin silang kuna ng pahayag pati ang Malacanang at si Trellanes.
10:58Hawak na ng National Treasury ang mahigit 200 million pesos mula sa Bureau of Customs
11:03sa galing po sa mga isinubasta nilang luxury vehicle na kinumpis ka sa Pogo Operators.
11:09Balitang hatid ni Von Aquino.
11:17Mahigit 200 milyong piso ang nai-turnover ng Bureau of Customs sa National Treasury
11:22mula sa naibenta nitong dalawang luxury cars na nakumpis ka mula sa mga Pogo Operators.
11:28Ang isang 2017 Blue Bugatti Chiron na naisubasta sa halagang mahigit 101 milyon pesos.
11:35Ang isang 2019 Red Bugatti Chiron naman na isubasta sa halagang mahigit 103 milyon pesos.
11:42Nakalimang pagsubok na ito'y mabenta sa mas mahal na presyo nung una, 300 million plus.
11:48So, balit na, basis sa butas, meron tayong panuntunan na dapat kapag ito ay hindi na ibibenta sa tama
11:56at gusto natin halaga at a certain level, 15 to 20 percent, pababa ng pababa.
12:01Hanggang ngayon, finally nabenta natin.
12:03Cars that are not used depreciate very fast and devalue very fast.
12:09We have to transform idle assets into revenues as fast as possible.
12:16The money that has been generated from the sale of the two Bugatti units will be put to good use.
12:22Ayon sa BOC, may mahigit 200 units pa na sasakyan ng isusubasta nila na nagkakahalaga ng 500 milyon pesos.
12:31Ipinagutos naman ang DOF sa BOC na pabilisin ang pagproseso sa mga papeles nito para maibenta na.
12:37Yung may-ari na dalawang luxury car na naisubasta na at large parao ayon sa BOC.
12:43Kinasuhan na rin umano nila ang apat nilang tauhan at mayroon paan niyang kakasuhan habang gumugulong ang investigasyon.
12:51Von Aquino, nagbabalita para sa GMA News.
12:56Pumalag ang Malacanang sa pahayag ng Sen. Alan Peter Cayetano na tilamay is-elective justice
13:01ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
13:03Kinabi ni Cayetano sa kanyang kontrasona nitong Martes, may tuturing daw na political prisoners
13:09ang kapwa minority senators na si Nagingo Estrada at Rodante Marcoleta.
13:14Kinwestyon ni Cayetano kung bakit hindi pinapayagang magpiansa ang dalawa
13:18para makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
13:22Resulta naman daw ng anya'y kawalan ng justisya,
13:25ang pagkatatago ni Sen. Bato de la Rosa na may arrest warrant mula sa International Criminal Court.
13:30At sagot ng Malacanang, Korte ang nagpapasya sa mga kaso ni Nain Estrada at Marcoleta at hindi si Cayetano.
13:40Iba ang kanyang pananaw, iba rin naman ang pananaw ng mga korte.
13:44So kung ano man ang mga kanyang binanggit, kung yan ang paniwala niya political motivation,
13:50maaari naman po siguro siyang tumayo na lawyer sa dalawa para ito'y mapatunayan.
13:55Definitely, may mga ebidensyang nakita at yung dalawa po na senado,
14:00or rather senador, ay maaari naman nila itong pasinungalingan
14:04habang sila po ang magbibigay ng kanilang depensa.
14:11Kaugnay sa investigasyon at pagpapanagot sa mga nasa likod
14:15ng mga anuwalang flag control projects at iba pang isyo,
14:17kausapin natin si DPWH Secretary Vince Dizon.
14:21Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
14:24Magandang umaga, Rocky.
14:26Opo, mangungusta lang po kami sa mga investigasyon at pagpapanagot sa mga personalidad
14:30tungkol sa flight control anomaly.
14:32Ilan na po ang nakasuhan at ilan pa yung ongoing ang investigasyon?
14:36Unang-una po, uulitin nga po natin ang sinabi ng ating Pangulo noong lunes,
14:41noong siya ay nagsona.
14:43Nakitang-kita po yung sinsiridad ng ating Pangulo.
14:46At talagang yung kanyang sinabi simula noong nakarang taon na kailangan panagotin
14:51lahat ng mga dapat managot,
14:53e talagang siniseryoso ng buong gobyerno.
14:56Sabi nga niya,
14:57kung ang ebidensya ay aaanit naman,
15:01kahit nakamag-anak niya, kahit yung pinsa niya,
15:04ang dating speaker,
15:06kahit sino pa, basta kung saan po ang ebidensya,
15:09doon tayo pupunta.
15:10At ito nga po, nandito na tayo ngayon,
15:12susunod-sunod na rin po ang naging anunsyo ng ating um...
15:15susunod-sunod na rin po ang mga panibagong mga kasong fina-file.
15:19At marami pa pong ifa-file sa mga susunod na araw,
15:23susunod na rin go, susunod na buwan,
15:25kasama na rin po yung pag-anunsyo ng pag-fa-file ng mga kaso
15:29laban sa dating speaker of the house na pinsan mismo.
15:33May mga...
15:33Noong sinabi niya...
15:36Noong sinabi nga niya na hindi siya pangulo ng kanyang pamilya
15:39o ng kanyang pinsan at pangulo siya ng lahat,
15:42nakikita na po natin ngayon yun.
15:44So, maabot na po tayo ng mahigit 40 na nakasuhan at na-aresto na,
15:50kasama na rin po dyan yung dati mismo na DPWH sekretary
15:54ng ating pangulo mismo.
15:57Kaya pinapakita po nito talaga na
15:59wala pong sisinuhin ang ating gobyerno
16:01kung saan ang ebidensya, doon po tayo papunta.
16:04May mga bagong ebidensya pa po ba kayo na didiskubre ngayon?
16:09Tulitulit po ang coordination natin sa ombudsman,
16:12tulitulit po ang pagsusumiti natin ng mga dokumento.
16:15Pero po ano, pagkatiwalaan po natin ang ating ombudsman
16:20na sa kanyang pagsusuri ng ebidensya,
16:23e magfafile siya ng mga kaso na talagang nakikita
16:25ang klarong-klarong ebidensya at matibay ang ebidensya.
16:29At nabanggit niyo po yung pinsan ng pangulo
16:31nasa ombudsman na yung kaso.
16:33So, kayo rin po naghihintay na lang
16:34kung kakasuhan nga ang dating House Speaker?
16:38Tingin ko po, hindi na po tanong kung kakasuhan o hindi.
16:41Tanong na lang po kung kairan.
16:42At nagsabi na po ang ombudsman ng mga nakaraang linggo
16:45na marapit na po ito.
16:47So, may proseso po tayo.
16:50Ina-update po tayo lagi ng ating ombudsman.
16:52Abangan na lang po natin.
16:54At pinaiimbestigahan din po ni Sen. Ping Lakson
16:56yung maanumalya-umanong flood control project sa Taguig.
16:59Ano po magiging papel dito ng DPWH?
17:01At meron po ba rin kayong ganitong impormasyon?
17:04Sa aking pong pagkakalam,
17:06isinumuti na po ni Sen. Lakson
17:07ang kanyang mga nakaraang na ebidensya sa ombudsman.
17:10At ang ombudsman naman po at ang DPWH
17:12tuloy-tuloy pong pag-ausap
17:14kapag may kailangan dokumento para dagdagan ng ebidensya,
17:18yan po tuloy-tuloy namin ibinibigay sa ating ombudsman.
17:22Whether yan sa Taguig, sa ibang-ibang parte ng Pilipinas,
17:27basta po kailangan ng dagdag na impormasyon ng ombudsman.
17:30Tayo po'y nagko-cooperate sa kanya.
17:32Pero aware po ba kayo dito sa isiniwalat ni Sen. Ping Lakson?
17:38Nababasa ko lang po.
17:39Yung nababasa, lumagabas din sa media.
17:41Pero kung kinakailangan po ng dagdag na dokumento,
17:45handa po lagi ang DPWH dyan.
17:47At ano naman po yung detalya ng natuklasan yung napabayaang dike sa Davao
17:51na 2019 pa dapat natapos?
17:54Alam nyo, nasa Davao, inutusan po ako ng ating Pangulo na maiwan sa Davao.
17:58Dahil nga po, grabo yung bahang pangyayari nung nakaraang linggo.
18:03Ang nakakalungkot dyan, Rafi, ito nakikita nyo ngayon sa video.
18:08Hindi nga umuulan sa Davao nun eh.
18:10No, umuulan sa bundok.
18:12Pero rumagasa yung tubig mula sa bundok, pababa,
18:15dito sa Talomo River.
18:19No, at ang dami pong mga kababayan natin ang napirwisyo.
18:22At sige po mismo ang nagsabi sa akin,
18:24kahapon, na noong 2019, nagkaroon na ng granitong pangyayari.
18:28Pero wala daw silang nakitang pagbabago,
18:30wala silang nakitang ginawa sa area na yan.
18:33So, ang gagawin po natin yan ngayon, na agaran,
18:36idedredge po natin yung nakikitan yung ilog.
18:39Kasi grabe na ang siltation dyan.
18:41Wala pong dredging na nangyari dyan.
18:44Ang sabi sa akin ng mga residente,
18:45gampas ng sampung taon, wala po silang nakitang dredging dyan.
18:49At meron pong mataas na dike dyan na hindi tinuloy.
18:55So, yun po, itataas din po natin yung mga area na tinamaan ng matindi
18:59nitong nakaraang pagbaha
19:02para pumakita naman ng mga kababayan natin
19:04na ang gobyerno, e, umaaksyon agad.
19:07At hindi tayo maghihintay ulit ng 7-8 taon
19:11bago tayo nga gusto.
19:13At the same time, meron pong 2023 master plan
19:17na hindi pa na-implement.
19:20Ito naman e mga dam sa Talomo River
19:26pero dun sa bandang bundok na hindi pa rin na-implement yan.
19:30Yan dinaya-arari natin at i-implement na rin natin.
19:33Yun po ba mga dredging na...
19:33Balikan ko po yan, Rafi, habang ginagawa hanggat matapos yung ating gagawing
19:39intervention para naman magkaroon naman ng konting
19:44kumpiyansa yung mga kababayan natin dyan na hindi na mangyayari ito ulit.
19:47Yung dredging po ba sa mga ganyang ilog, nakasalalay lang ba sa DPWH?
19:52Opo, dapat po yan. Taon-taon ginagawa.
19:55Unfortunately, hindi ginagawa.
19:57Sampung taon, walang dredging na nakita dyan yung mga kababayan natin.
20:02So, ganun din ang gagawin natin sa Gensan.
20:05Yung nakita ko sa binaha sa Gensan itong nakaraang linggo.
20:10Kailangan din mag-dredging doon.
20:12So, tuwi-tuwi po ang pagtatrabaho natin dyan ngayon.
20:15Sekretary, ano po yung proweba nyo na walang anomalya doon sa pagpapatayo naman ng sports facilities sa Tarlac
20:19para sa 2019 Southeast Asian Games?
20:22Ah, ayun mo, kung titignan po ng mga kababayan natin dyan,
20:26napakaganda po at world-class po yung mga facilities na yan.
20:29No, yan, nakikita nyo ngayon.
20:31Yan ang mga facilities na kailangan ginagawa ng gobyerno para sa mga kababayan natin.
20:36World-class, maayos, hindi overpriced.
20:40At yan po, kampante kami dyan dahil ang bootsman mismo.
20:44Na, dinismiss na yan ng 2021 pa.
20:46At kung meron pang mga dagdag na kailangan pag-rebisa,
20:50eh, open po tayo dyan dahil kampante po tayo dyan.
20:52Very quickly, may idea po ba kayo kung ano yung nakita ng NBI
20:56para muling buksan yung investigation dito?
20:58Ah, hindi ko po alam.
21:00Pero ang pagkakaalam ko po, yung nagsabi na rin ng NBI
21:03na as far as yung construction ng facilities,
21:06nakita na nila yung dismissal ng ombudsman ng 2021 pa.
21:10Okay. Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
21:13God bless po. Magandang tanghali po.
21:15Magandang tanghali po. Yan po si DPWH Secretary Vince Dizon.
21:21Yan po ang may init na balita ngayong tanghali.
21:24Ako po si Connie Cizon.
21:25Rafi Tima po.
21:26Saman nyo rin po ako, Aubrey Carampe.
21:27Ito po ang GMA News.
21:29Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
21:31Noon at ngayon, serbisyong totoo.
21:33O nao.

Recommended